Baklang Rizal

Ta***na mo, Rizal, bakla ka!! Bakla!! Bakla!!

Naalimpungatan ako sa sigaw mula sa kanto kung saan may mga kabataang nakatambay na nakasuot ng maluluwang na pantalon at mga jersey na halos hanggang tuhod sa laki atbaseball cap  na hindi pa nalabhan sapagkat dikit pa mga sticker mula sa manufaturer nito. Kitang-kita ito mula sa bintana ng aking inuupahang kuwarto malapit sa riles ng tren.

Halos araw-araw na ganito ang takbo ng buhay sa Kalungsuran; mga kabataan na akala mo nagmamay-ari sa mga madidilim at makikitid na kalye dito. Ibang-iba ang upbringing ng mga ito kaysa noong mga nakaraang dekada.  Ito marahil ang uso sa ngayon. Wala na halos ginagawa sa buong maghapon kundi tumambay at makipag-inuman sa mga kabarkada.

Isang araw habang kasabay ko pauwi ang isang matandang lalake, nasa edad 45, maputi ang buhok at sa pagkakaestima ko ay parang trabahador sa isang pagawaan ng bolpen.

Bakla ka, Rizal!! Bakla!!

Hindi nagtagal ay bigla akong nakarinig ng limang putok na maaaring galing sa isang baril. Biglang tumahimik ang lugar, at walang sinumang lumabas ng bahay para makiusyoso. Ako naman ay tumakbo papasok sa tinutuluyan ko.  Wala na akong narinig, itinulog ko na lang.

Kinabukasan, parang walang nangyari sa lugar na yun.  Hindi man lang nabahala ang mga tao at ayon sa tsismis sa kanto, wala na raw yung matandang umuupa sa aming kapitbahay.  Hindi na raw nakauwi at ang mga magulang naman ng mga kabataan ay hinahanap na rin ang kani-kanilang anak.

Bigla kong naisip ang nangyari kagabi.

Sino ang salarin? Ang matandang Rizal ba o ang mga kabataan? Pinatay nga ba ni Rizal ang mga kabataan , o ang mga kabataan mismo ang pumatay kay Rizal?

Enhanced by Zemanta

4 Comments

  1. Malamang si mang Jose ang bumaril kinalimutan na kasi ng mga kabataan ang sinabi ni Gat. Jose Rizal na ” Ang Kabataan Ang Pag asa Ng Bayan “…kaya tuloy nagalit si Rizal Naghimagsik…hehehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.