Bakit pa ba nagawa?

heart photo
Photo by Purple Sherbet Photography

Bakit pa ba nagawang tumigil sa pagsusulat ng halos isang buwan? Bakit pa ba nagawa? E ‘di sana madami na akong naiambag sa literatura. ‘di ba? Pero kailangan din nating hanapin ang sarili natin kapag nawawala. At nahanap ko iyon nang maalala ko ang kantang biglang pumasok sa utak ko na may katagang:

“Bakit pa ba nagawa
Nasaktan ko ang isang tulad mo na labis na nagmamahal
‘Di napansin na walang katulad ang alay na pag-ibig mo sa akin
Ako sana muli ay patawarin”

Ang linyang ito ay nakuha sa liriko ng kanta ni Jay-R na may titulong “Bakit pa ba?”. Matagal na akong nakarinig sa musikang ito na puno ng pagsusumamo at pag-aalala sa isang taong napakawalan na. Pero natatake for granted ko lang ang meaning nito noon at narealize kong ang lalim pala ng hugot ng kantanh ito.

There are 2 sides of the story, popular na pinagsasabi nila. Naniniwala din naman akong may dalawang kahulugan ang kantang ito. Ang una, nanghihingi ng 2nd chance ang tao dahil napagtanto niya sa sarili na sayang pala ang paghihiwalay nila at gusto niyang maging sila ulit. Ang pangalawa naman ay tungkol sa paghingi ng patawad sa isang tao na ang tanging ginawa lang naman ay magmahal pero hindi ito kayang suklian ng taong minahal niya dahil may gusto na itong iba.

Napakanormal na siguro na magbalikan ang dalawang past lovers dahil nagkakaintindihan na sila sa pangalawang pagkakataon. Pero hindi karaniwan ang humingi ng patawad dahil nasayang lang ang pagmamahal na ibinuhos at hindi kayang pantayan dahil hindi na siya mahal ng taong minahal niya.

Naranasan mo na bang maging kayo ng bestfriend mo at sa di maipaliwanag na pagkakataon ay naghiwalay din kayo dahil may nagugustuhan ka ng iba? Kasi may hadlang na distanya? At nasasayangan ka sa pagmamahal na ibinuhos niya sa siyo dahil napunta lang ito sa wala?

Congrats friend, natuto ka na! Welcome to the club! Hindi mo alam kung bakit ginawa mo iyon sa una, pero kalaunan maiintindihan mo rin na para din iyon sa ikabubuti ng lahat.

Nasisigurado mo ngang seryoso siya sa iyo, pero ang tanong mahal mo pa ba siya? Ipokrito mang sabihin, pero nakakapanakit ka ng tao kapag pinagpatuloy mo ang ganyang klase na relasyon.

Nagseseryoso na nga siya, hindi ka naman seryoso sa kanya diba? Much better if maghiwalay kayo para hindi ka magmukhang paasa at kung alam mong wala na talaga. Konsensya mo na lang mag-uusig sa iyo kapag hindi mo pa siya papakawalan.

Distansya. Hindi naman talaga iyan issue sa taong nagmamahalan ng tapat. Pero ang punto ko lang naman, dapat kahit sa isang sandali ay magkita kayo ng harap-harapan. Iba kasi ang internet sa totoong nakita mo na talaga. Madami na ang mga naloko sa online relationship. Kadalasan, luhaan sila sa huli.

Sayang. Ang salitang makapaglalarawan sa pagmamahal na naibigay niya sa iyo. Napupunta din sa iyo ang sisi kaya naging sayang ang relasyon ninyong dalawa. Hindi mo kasi naiisip ang pros and cons kapag ang magbestfriend naging lovers at kapag nagkahiwalay, nagkakaroon ng isang gap na mahirap mapunan.

Iyan lang naman ang mga hindi naresolbang isyu sa nakaraan kong pakikipagrelasyon. Sana ay makuhanan ninyo ng aral. At sa bespren ko naman, sana’y maintindihan mo ang panig ko at patawad sa aking nagawa. 🙁

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.