Bakit nga ba mahirap ang Pinas?

Gobyerno agad ang nasa-isip at sinisisi mo noh? OO dahil sila naman talaga ang numero unong dahilan kaya tayo mahirap, kinukurakot ang milyong-milyong kaban ng bayan.. labas pa dyan ang “PORK BARREL” ng mga timawang senador at kung sinu-sino pang ponsyo pilatong naghahati-hati dito

Pero sino ba ang nagluklok sa mga gahaman na yan? hindi ba’t ikaw rin?

Ang mga kandidato ay mababait,matulungin, mapagbigay, mapagkawang-gawa, maka-diyos, hindi marunong mag-nakaw at papaunlarin ang iyong bayan sa abot ng kanyang makaka-kaya yan ang madalas bukambibig ng mga kandidato noong inuuto ka niya, pero pagkatapos ng lahat saka mo malalaman na kabaligtaran pala ang lahat ng kanyang mga pinapangako sayo.

Natural na rin ang dayaan sa tuwing sasapit ang eleksyon ang sinumang magsasabi sa akin na hindi nandaya ang isa sa mga kumandidato sa kanilang lugar bibigyan ko ng piso. Isang magandang halimbawa na ang “I am sorry” at “hello Garci” ni Gloria.

Sino ba sa atin ang hindi makaka-alala ng ganito? hindi ba’t nauso pang ringtone sa cellphone ang “hello Garci?” pero anong nangyari? hindi naman na impeach si Gloria at umabot pa ito ng 9 na taon. Ang hirap kasi sa atin sa Pinas ang mga ganitong mahahalagang usapin ay natatabunan ng panibago at ang susunod na usaping pagnanakaw ng isang Gobyerno ay matatabunan ulit ng panibaga hanggang sa makalimutan na ito.

Ang “Controversial na C-5 extension?” wala na rin ata akong balita dito. Matapos makanakaw si Villar ng milyong-milyong piso galing dito ay nawala na rin itong parang bula dahil natabunan ng panibagong issue.

At ang huli ang “pabaon” sa mga opisyal ng militar, saan na napunta? matapos magnakaw ng milyong-milyong piso si general limot at si general suicide, wala na ring nangyari. At ang ikinatatawa ko si General na nag-baril ng ulo para takbuhan ang issue ay inilibing pa sa “libingan ng mga bayani” kasi bayani daw siya!? tindi talaga.

Ang pag-bili ng boto ng Mayor sa halagang limang-daang piso.  Sa sobrang hirap ng ilan nating kababayan, nasisilaw sila sa halagang iyon hindi nila iniisip na ang 500 piso na ibinigay ng isang kandidato ay balato lang sa kanila sa pangungurakot nito. P500 kapalit ng tatlo o anim na taong pagdurusa ng mamamayan at pangungurakot ng nanalo. Mayroong na kwento ang Ninong ko taga-cavite sya at ang kumandidato sa kanila nitong hulig eleksyon ay sagad sa kasibaan sa pera at alam na rin na magnanakaw lang talaga sya at walang gagawing mabuti sa Cavite. Minsan ay nagpakabit daw sila ng Internet sa kanilang bahay, noong kakabitan na daw sila nai-kwento daw ng isang nagkakabit na patay-gutom daw ang nasabing Mayor nila, halos 80% na ng lugar ang nakakabitan ng Net ay nanghinge daw si Mayor ng “tong” sa kikitain nila, WOW! iba talaga si Mayor. Syempre hindi lang dyan nagtatapos ang pangungurakot ni Mayor itong taon lang ay nagtaas daw ng tax si Mayor gayong ang karatig-bayan ay pareho parin ng binabayaran, iba talaga si Mayor. Ang sabi ng Ninong ko sa mga tao noong nagpupulong-pulong sila ” Wala na tayong magagawa, alam nyo naman kurakot e! ibinoto nyo pa?! magdusa tayong lahat ngayon “.

Sabi nga nila dalawa lang ang tao sa mundo “isang manloloko” at “isang nagpapaloko” kaso hindi na ako naniniwala sa kasabihang ganyan, kasi “milyon na ang manloloko” at ” yung tira yun ang mga naloko”

Masakit isiping sa kabila ng 12 milyong OFW, daang libong turista at iba’t-ibang klaseng uri ng pang export ng Pinas ay nanatili itong mahirap. Haysss….

meron pang pag-“ASA” ang Pinas na umangat, magtiwala lang tayo sa mga binoto nyo 🙂 kung ako tatanungin nyo, hindi ko na inaasahang yayaman ang Pinas hanggat hindi isinasa-batas na ang Kurakot = Bitay agad!

 

25 Comments

  1. Not d g0v’t itself,but d people in it. And they contribute to the reason as to y the phils is po0r. Our leaders and publc servants were voted and elected by us,Filipinos,the masses. so we also have a contributory factor to that. Next, we all have the necessary resources, includng human resources, yet we are still po0r. Y? Bcoz we don’t know how to use it properly. Lo0k at singapore, a small c0untry with n0t much resources, but it is a first world country. we also have d attitudes:bahala na attitude, being okay with wat we already have, hilaan system, c0rruption, ningas-kugon whch can be also be a factor.. We lack discpline..

  2. Well, kung Gobyerno ang problema bakit di na lang i-abolish ang Gobyerno? Madali lang naman solusyon, problema sa mga tao kulang sa initiative…Filipinos have to be united first…the GOVERNMENT should represent the people, di lang yung mayayaman…mga Pinoy kasi madaling mauto kasi yung iba mangmang…bakit mangmang yung iba kasi dahil sa media saka kulang sa edukasyon, bakit kulang sa edukasyon kasi di binibigyan ng importansya ng gobyerno ang public education at saka mahal ang matrikula sa mga private schools. Kung may maayos na programs intended for the poor mas magiging wise sila sa pagboto but the elections are normally rigged and people are bribed to vote those TRAPO politicians. So walang katapusan, pero ang sanhi talaga mga ganid na opisyal saka mayayamang pamilya na walang pakialam. The best thing to do is to overthrow them at tanggalan sila ng kapangyarihan at kayamanan.

    Their lands and wealth should be confiscated and distributed to the people. Well I’m sure malabong mangyari yun kasi nga walang initiative mga Pinoy saka kuntento na lang maging dukha habang buhay. Itigil ang pagpapalabas ng mga soap opera at yang mga ka cheapan sa TV tulad ng mga gameshow na yan para di maging palaasa ang MASA. Simulan ang pagababago…I’m for the death penalty for the corrupt officials at lahat ng ganid sa Gobyerno. Problema kasi walang backbone mga Pinoy, puro lang daldal…Simulan na ang rebulosyon para sa kinabukasan!

  3. ang ganda ng umpisa ng pinas laging may pagkakaisa (simbolo nyan ang bayanihan) bandang huli nagkanya-kanya nang diskarte (nagisip talangka),may mga nagsasabi ”wala na di na aasenso pinas” ang totoo kung maibabalik ang pagkakaisa at disiplina may pag-asa pa (yan ang pormula ng japan), good-luck sa pinas.

  4. Mahirap ang pinas dahil magaling mangurakot ang mga leader , mataas man o mababa na position. Yung ibang mga pivate companies di rin nagbabayad nang buwis at mababa pa sa minimum ang sahod kahit kayod kalabaw na ung mga empleyado. Yung karamihan tamad mag tanim nang mga pagkaing halaman. Kaya bili lang nang bili, at ang gobyerno import nang import nang mga goods para ipamod mod kahit pwede naman yung ibang goods itanim s bakuran para libre. Yung iba ayaw mag tyaga dahil gusto nila yumaman bigla.

  5. Wala tayong magagawa kundi maranasan ang mga bgay na ito? Himala na lang masasabi natin kung wala ng kurakot sa gobyerno..

  6. Bakit nga ba? Sagana naman tayo sa likas na yaman at world class pati ang ating mga manggagawa. Kung paghahambingin natin pareho e dapat ubod na nga tayo ng yaman.

  7. Religion, Tradition. This Catholic minded of our nation is the one that manipulate our attitude. If you will trace the Catholicism’s history in real, you will be shocked of the truth. You will just notice Switzerland, Germany, England, Holland, Norway, Sweeden, Finland, Belgium, Luxemburg they are all well known so called Protestant that support John Calvin in the time of their revellion against the Catholicism. The USA and Canada are also blessed because of the evangelisation that was done to them and most of them are the Englishmen who always carry the Bible with them and share the Word of God. All the country where the Catholic was they suffer from their attitude of corruption which is their tradition and they say it is normal. THINK ! ! ! I dont intend to attacked the devoted Catholic but this is just to wake you up.

  8. Eh dahil sa mga taong nakaupo sa gobyerno na wala nang ginawa kung hindi ang magpayaman ng kanilang sarili parang simula’t sapul eh talagang hindi na mapagkakatiwalaan ang mga taong nalulukluk sa mataas na katungkulan lahat sila ay mga “CORRUPT” kung hindi man ang pinuno ng bansa ang yumayaman ay ang mga taong nakapaligid sa kanya bakit KAYA? mOnopolyo ba pagdating sa Pera it means mahitap talagang tanggihan ang HALIMUYAK ng pera…….

  9. Nghhrap dhl s mga ta0ng nangu2rak0t..kng 22ucn myaman nmn ang plipinas tlgng sadjang mrming ta0ng gahman s salapi…

  10. KURAKOT ANG MGA NAMUMUNO, from PTA sa mga paaralan hanggang sa mataas na pwesto ng Pilipinas, at kurakot din sa loob ng pamamahay na syang pinakamaliit na governing body ng Pilipinas.

  11. well.. let’s see.. pesteng mga nangungurakot sa gobyerno. ano ba yan.. dapat inaasikaso muna nila ung poverty sa philippines.. at wag na dapat sila mangurakot. naiinis ako kasi wla ako magawa.. gosh.. i don’t even know kung anung gnagawa ni president ninoy eh.. cguro out of news lang tlga ako.. -.-

  12. Disiplina… Kulang sa disiplina… Wag din natin isisi sa lahat sa gobyerno kasi lahat may ambag diyan…

Leave a Reply

Your email address will not be published.