Bakit nga ba mahirap ang Pinas?

Gobyerno agad ang nasa-isip at sinisisi mo noh? OO dahil sila naman talaga ang numero unong dahilan kaya tayo mahirap, kinukurakot ang milyong-milyong kaban ng bayan.. labas pa dyan ang “PORK BARREL” ng mga timawang senador at kung sinu-sino pang ponsyo pilatong naghahati-hati dito

Pero sino ba ang nagluklok sa mga gahaman na yan? hindi ba’t ikaw rin?

Ang mga kandidato ay mababait,matulungin, mapagbigay, mapagkawang-gawa, maka-diyos, hindi marunong mag-nakaw at papaunlarin ang iyong bayan sa abot ng kanyang makaka-kaya yan ang madalas bukambibig ng mga kandidato noong inuuto ka niya, pero pagkatapos ng lahat saka mo malalaman na kabaligtaran pala ang lahat ng kanyang mga pinapangako sayo.

Natural na rin ang dayaan sa tuwing sasapit ang eleksyon ang sinumang magsasabi sa akin na hindi nandaya ang isa sa mga kumandidato sa kanilang lugar bibigyan ko ng piso. Isang magandang halimbawa na ang “I am sorry” at “hello Garci” ni Gloria.

Sino ba sa atin ang hindi makaka-alala ng ganito? hindi ba’t nauso pang ringtone sa cellphone ang “hello Garci?” pero anong nangyari? hindi naman na impeach si Gloria at umabot pa ito ng 9 na taon. Ang hirap kasi sa atin sa Pinas ang mga ganitong mahahalagang usapin ay natatabunan ng panibago at ang susunod na usaping pagnanakaw ng isang Gobyerno ay matatabunan ulit ng panibaga hanggang sa makalimutan na ito.

Ang “Controversial na C-5 extension?” wala na rin ata akong balita dito. Matapos makanakaw si Villar ng milyong-milyong piso galing dito ay nawala na rin itong parang bula dahil natabunan ng panibagong issue.

At ang huli ang “pabaon” sa mga opisyal ng militar, saan na napunta? matapos magnakaw ng milyong-milyong piso si general limot at si general suicide, wala na ring nangyari. At ang ikinatatawa ko si General na nag-baril ng ulo para takbuhan ang issue ay inilibing pa sa “libingan ng mga bayani” kasi bayani daw siya!? tindi talaga.

Ang pag-bili ng boto ng Mayor sa halagang limang-daang piso.  Sa sobrang hirap ng ilan nating kababayan, nasisilaw sila sa halagang iyon hindi nila iniisip na ang 500 piso na ibinigay ng isang kandidato ay balato lang sa kanila sa pangungurakot nito. P500 kapalit ng tatlo o anim na taong pagdurusa ng mamamayan at pangungurakot ng nanalo. Mayroong na kwento ang Ninong ko taga-cavite sya at ang kumandidato sa kanila nitong hulig eleksyon ay sagad sa kasibaan sa pera at alam na rin na magnanakaw lang talaga sya at walang gagawing mabuti sa Cavite. Minsan ay nagpakabit daw sila ng Internet sa kanilang bahay, noong kakabitan na daw sila nai-kwento daw ng isang nagkakabit na patay-gutom daw ang nasabing Mayor nila, halos 80% na ng lugar ang nakakabitan ng Net ay nanghinge daw si Mayor ng “tong” sa kikitain nila, WOW! iba talaga si Mayor. Syempre hindi lang dyan nagtatapos ang pangungurakot ni Mayor itong taon lang ay nagtaas daw ng tax si Mayor gayong ang karatig-bayan ay pareho parin ng binabayaran, iba talaga si Mayor. Ang sabi ng Ninong ko sa mga tao noong nagpupulong-pulong sila ” Wala na tayong magagawa, alam nyo naman kurakot e! ibinoto nyo pa?! magdusa tayong lahat ngayon “.

Sabi nga nila dalawa lang ang tao sa mundo “isang manloloko” at “isang nagpapaloko” kaso hindi na ako naniniwala sa kasabihang ganyan, kasi “milyon na ang manloloko” at ” yung tira yun ang mga naloko”

Masakit isiping sa kabila ng 12 milyong OFW, daang libong turista at iba’t-ibang klaseng uri ng pang export ng Pinas ay nanatili itong mahirap. Haysss….

meron pang pag-“ASA” ang Pinas na umangat, magtiwala lang tayo sa mga binoto nyo 🙂 kung ako tatanungin nyo, hindi ko na inaasahang yayaman ang Pinas hanggat hindi isinasa-batas na ang Kurakot = Bitay agad!

 

About ejaybasaliso

bago lang po ako sa pagsusulat. pag tiyagaan ninyo na lang 🙂