Bakit masayang maging “partner” ang teacher?

Public Domain Image

“Noblest profession”, “panday ng karunungan”, “mga dakilang bayani ng kaalaman”…

Ilan lamang iyan sa mga ikinakapit na parirala at papuri para sa ating mga pinakamamahal na guro. Bilang guro din ako, nakatataba ng puso kapag naririnig ko iyan. Para bang hawak namin ang mundo.

Public Domain Image

Kaya nga kapag may mga kaibigan o kakilala akong nakakausap, at sinasabi nilang “Gusto kong maging teacher”, may follow-up na tanong agad. Bakit?

Nakalulungkot mang marinig, kadalasang sagot nila eh “Para mas madaling makahanap ng trabaho”, o kaya “Para maraming bakasyon!”

Kung hindi mo mahal ang pagtuturo, at sa dami ng ginagawa ng pagiging guro, “gugupuin” ka nito. Ang ending, baka mas marami ka pang reklamo kaysa trabaho.

Pero alam ninyo ba na mas masayang maging “partner” o katuwang sa buhay ang mga teacher? Sa lahat ng mga may boyfriend o girlfriend, o kaya asawang guro, makinig kayo!

Ayon sa Facebook page na “Freespiritedph“, may 11 bagay na dapat kang malaman kung may partner ka, o may ka-date kang teacher.

Imahe mula sa Facebook page na Freespiritedph

Una, first rule of dating a teacher: Don’t talk about school on the weekend or during the summer. Ikalawa, have dinner ready on Friday night. Ikatlo, don’t make plans on a Sunday night.

Ikaapat, pretend not to see your teacher S.O. “stealing” supplies from home for school. Ikalima, prepare for the history or math lesson at dinner. Ikaanim, understand that you need to share your partner with the students.

Ikapito, when your S.O. is telling you about a nightmare parent-teacher conference, just listen. Ikawalo, it’s totally OK ? in fact, encouraged ? to buy them silly ties. Ikasiyam, no need to tell your teacher boo “you look tired.” They are 100 percent tired, every day of the week.

Ikasampu, accept that when they say “my kids,” they mean their students, not your children together. At panghuli, help them unwind at the end of the day. 

Nagmula raw ang mga bagay na iyan mula sa netizen na si Brittany Wong.

Hindi ba’t masayang magka-partner ng teacher?

Public Domain Image

Karagdagan, mahaba rin ang pasensya o pang-unawa ng mga guro. Huwag ka lang sigurong male-late sa mga date. Kung kaya naming magmahal ng mga mag-aaral namin, kayo pa kaya?

Source :

Facebook