Bakit mahirap mag-Move-On?

moveonKadalasan, sa tuwing may lumalapit sa ating kaibigan o kakilala at nagkuwento tungkol sa break-up nila ng boyfriend/girlfriend, karaniwang nating sinasabi ang salitang, “MOVE ON. “

Sinasabi natin sa kanila na kalimutan mo na siya, “THERE ARE MANY FISHES IN THE OCEAN. Makakahanap ka pa ng iba.”

Madali lang para sa atin na sabihin yon dahil wala tayo sa sitwasyon. Hindi tayo ang nagmahal at nasaktan. Kaya inaakala natin na gagaan ang loob nila sa pagsasabi natin ng salitang MOVE ON…

.
Minsan tinanong ko ang sarili ko kung “BAKIT BA MAHIRAP MAG MOVE -ON?”

Ito ang mga kasagutan na naisip ko kung bakit nga ba mahirap mag-move on.

1. Time–  Tama dahil sa tagal ng oras at panahon na nakasama mo yong tao marami kayong nabuong magagandang ala-ala kaya hirap kang kalimutan siya. Yong time na nakilala mo siya ,yong time na una ka niyang nginitian. ‘Yung time na inamin niyang gusto ka niya hanggang sa niligawan ka at sinagot mo siya. Hanggang sa naging kayo, maging ‘yung time na nagkakalabuan na kayo hanggang sa nag-break. ‘Yun iyong time na hindi madaling kalimutan at naging rason kung bakit hirap kang mag-move on.

2. Plano – Mahirap mag-move on dahil palagi mong naalala ang mga plano ninyong dalawa. Dahil kapag nakipag-relasyon ka na, tiyak kong marami kayong mga planong nabubuo para sa kinabukasan. Magpaplano kayo ng kasal at kung saang simbahan ka niya pakakasalan kung ilang ninong at ninang ang kukunin ninyo. Magpaplano kayo kung ilang anak ang gusto ninyo marami kayong nabuong plano.Planong gagawin pagtungtong ninyo sa tamag edad.

3. Pangarap – Nahihirapan kang mag-move on dahil sa mga pangarap na nawala at para bang tinangay ng hangin ang lahat. Dah kapag-nakipag relasyon ka ang taong kasama mo ay siya ring pinapangarap mo na makasama habang buhay. Hanggang sa pagtanda siya yong pinapangarap mong makasama mo maging tatay ng mga anak mo. Masarap kasing pangarapin na magkasama kayo hanggang sa pumuti na ang buhok ninyo.Iyong pangarap na walang iwanan kahit ano mang pagsubok na dumating sa relasyon ninyo.

4. Sakit – Dahil sa sakit na nararamdaman mo dahil sa naglaho na ang lahat hirap kang mag move on.

Yung nawalang Oras na mag kasama kayong dalawa na buo ng plano at ng mga pangarap ninyo sa buhay. Sobrang sakit nun at tagos sa puso.Yun yung sakit na kahit anong gawin mo kahit na ilang libong beses ka ng umiyak hindi parin nàghihilom ang sugat sa dibdib mo.Kahit na marami na ang nagsasabi sayo na mag move-on ka na hindi mo parin magawang mag move-on kasi masakit ,sobrang sakit.

Sadya ngang hindi madali ang mag move on lalo na kung sobrang minahal mo yong tao. Sabihin na nating marami ngang isda sa dagat subali’t tandaan sana natin na hindi lahat ng isda ay nahuhuli at hindi lahat ng isdang nahuhuli ay nakakain.

Ang ibig sabihin nito hindi làhat ng taong makikilala natin ay magugustuhan tayo o magugustuhan natin.

Kaya hindi nagiging madali ang pag move-on ay dahil iniisip natin na hindi na tayo makakatagpo pa ng taong kagaya noong tao na minahal natin nang sobra, at higit pa sa buhay natin.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.