Bakit kailangan ng mga guro ng Faculty Room?

Public Domain Image

Kasabay ng muling pagbabalik-eskwela ay pagbabalik din ng iba’t ibang mga usapin hinggil sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas, gaya na lamang ng kakulangan sa mga “faculty room” para sa mga guro.

Kamakailan lamang ay muling nabuhay ang usapin hinggil sa kakulangang ito dahil sa isiniwalat ng guro sa isang pampublikong paaralan sa Cavite na ginawa nilang faculty room ang mga palikuran ng paaralan.

Uminit ang usapin kaugnay dito, at nagbanta pa ang punungguro ng paaralan na kakasuhan ang naturang guro dahil sa paninirang-puri umano nito at hindi pagsunod sa maayos na protocol ng pagpaparating ng hinaing.

Hindi rin umano nagustuhan ng mga guro ang tugon mula sa kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon nang sabihin nitong “dramatiko” ang naturang pangyayari.

Ang tanong kasi rito, gaano nga ba kahalaga ang isang faculty room? Kasing-halaga rin ba ito ng pagkakaroon ng mga silid-aralan? Silid-aklatan? Laboratoryo? Kantina? Palikuran?

Public Domain Image

Gaya na lamang ng isang testimonya ni Guro A mula sa isang mababang paaralan sa NCR. Simula raw nang siya ay magturo sa naturang paaralan, sa palikuran daw ang kanilang naging “tahanan”.

Sa testimonya naman ni Guro B mula sa isang pampublikong paaralan na nagtuturo ng hayskul, hindi naman sila sa palikuran. Sa ilalim lang naman ng hagdanan. Sa isang mesa, dalawa o tatlong guro ang nagpapalitan.

Ipinaliwanag ng isang propesor sa Philippine Normal University o PNU na si Prof. Feliece Yeban kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng malaki, maluwag, at conducive na faculty room sa mga paaralan.

Ibinahagi ito ng isang gurong nagngangalang “Melchor Cayabyab” sa pamamagitan ng kanyang Facebook post noong Hunyo 7, 2019.

Imahe mula sa Facebook account ni Melchor Cayabyab

Mahalaga ang faculty room para sa “professional sharing” ng mga guro, para maisagawa ang LAC session, at upang makagawa ng mga research at instructional materials na gagamitin nila sa kanilang mga klase.

Inaasahan ding mararamdaman dito ni “Teacher” ang pagiging propesyunal na makatutulong sa kanya upang mag-isip, mag-plano, at maging malikhain sa kanyang pagtuturo sa pamamagitan ng pagbabasa.

May panawagan sila sa mga nagsasabing “least priority” ang mga faculty rooms.

“Pwede ba, kayong nagsasabi na least priority ang faculty room, walk your talk, i-give up niyo rin mga opisina nyo!”

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizens.

“Kung ang student may classroom, dapat ang teacher ay may faculty room, part ‘yan ng school building. Saan ilalagay ng teacher ang sangkatutak na gamit niya, like papers ng students… don’t tell me papauwi niyo?”

“Well said! That summarizes teachers’ sentiments.”

“Teachers need a conducive room for effectively preparing all its lessons for their students… I agree with all of these sentiments.”

Sana naman, mabigyan ng agarang aksyon ang mga hinaing na ito ng mga guro.

Ating isipin: Kung ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ang mga guro naman ay panday ng mga magiging pag-asa ng bayan.

Public Domain Image
Source :

Facebook