Paano makipag break?

www.wessexscene.co.uk
www.wessexscene.co.uk
Photo Credit: www.wessexscene.co.uk

Bakit ka nakipag-break?

Ako, nakipag-break ako… kanina lang.

Nakipag-break ako at gusto kong sabihin na “ ‘de, joke lang”.

Pero hindi puwedeng ganoon, siyempre, kagago ko naman pag ganoon.

Wala eh, magkalayo kami. Sabi nila, sa ganung klaseng relasyon ang dapat daw ay unconditional love.

Meron naman ako nun. Love is unconditional, pero ‘yung utak ko, unpredicable.

Mahirap eh. Parang nawala ‘yung sinasabi nilang spark. Pero pag naiisip ko naman na hindi na kami, parang mahirap, baka pagsisihan ko.

Kaso napaka-unfair naman kung hahayaan ko na lang na ganoon.

Pinraktis ko pa nga kung paano pag tinanong niya ako kung mahal ko pa siya, parang hindi ko na masagot ng “I love you, too”.

Kasi sa sarili ko alam kong may kulang na. May nangyayari sa puso at utak ko na pati ako nahihirapan.

Wala namang 3rd party. As in wala.

Personal differences na mahirap nang mabago.

Ako, kailangan ko ng anger management. At siya, kailangan niyang mahalin ang sarili niya nang higit sa lahat.

Kailangan kong maging sensitive. At siya, kailangan namang bawasan ang pagiging sensitive.

Sino ba namang tao ang gustong mangyari ‘yung ganito. ‘Yung makipag-break? Ang hirap kaya.

Masakit. At lalong masakit yung nakasakit ka.

Kaso, anong gagawin ko? Sabihin ko sa kanya na “diyan ka lang. Hintayin mo hangga’t alam ko na kung mahal pa kita o hindi na”.

Paano pag oo, mahal mo pa? Eh ‘di ayos.

Eh kaso pag wala na? Pag wala na pala talagang pag-ibig?

Ang brutal naman nun.

Kaya hindi madaling makipag-break.

Sagrado ang break-up.

Kaya kung kaya, gawan ng paraan.

Pero kung timpla ng damdamin na ang usapan, iba na iyan.

Hindi ko rin alam.

Kaya ang nasabi ko na lang…

Itigil na natin ‘to…..

(sabay tulo ng luha mula sa ‘king mga mata)

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.