Bakit hindi magandang idea ang matulog na nakabukas ang electric fan?

Image from Shutterstock

Sa sobrang init ng panahon ngayon, marami ang tinututok mismo ang electric fan direkta sa kanila.

Para din sa mga hindi naka-aircon at mas sanay ang mga balat sa ihip ng electric fan habang natutulog, tila hindi magandang idea ang matulog habang nakabukas ang electric fan, sabi sa isang website.

Image from Shutterstock

Ayon sa Sleep Advisor, bagama’t nagpapalamig sa ating kapaligiran ang electric fan, ito rin ang maaaring mag-circulate ng pollen at alikabok sa loob ng ating kuwarto o pamamahay.

Hindi maganda para sa mga taong may allergies at asthma ang ma-expose sa mga ganitong alikabok na ikinakalat ng electric fan.

Ayon pa sa The Sleep Advisor, kung tititigang mabuti ang electric fan, mapapansin na tila nangongolekta ng alikabok ang blades nito, at ang mga dust particles nito ang inililipad sa hangin sa tuwing bubuksan ang electric fan.

Isa pang rason kung bakit hindi magandang matulog na nakabukas ang electric fan ay dahil ito ay nagdudulot ng dry skin, at pagkatuyot ng daluyan ng hangin sa butas ng ilong.

Nagbigay ng babala ang The Sleep Advisor na ang hangin na nagmumula sa electric fan ay maaaring makapagbigay ng labis na uh0g at ang pakiramdam na hindi gaanong makahinga.

Image from Shutterstock

Bukod pa dito, maaari ding makapagdulot ng muscle cramps ang direktang hangin na nagmumula sa electric fan.

Ayon sa mga eksperto, ang mga taong natutulog na nakatutok sa kanila ang electric fan ay maaaring magising na may stiff neck o sumasakit na mga muscles.

Habang ang electric fan ang isa sa mga dahilan kung paano natin nakakayanan ang init, mabuti ring malaman ang mga hindi magandang dulot nito sa ating katawan.

Mas maiging linisin parati ang electric fan upang hindi ito makapagkalat ng alikabok, at iwasan na rin ang direktang hangin nito habang tayo ay natutulog.