Bakit Ganun Ang Pag-Ibig?

love affairIsang gabi , sa hindi malamang dahilan, hindi ko alam kung bakit hindi ako madapuan ng antok. Tila may bumabagabag sa aking isip.

Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata, pero ganun pa rin. Hindi talaga ako makatulog. Hanggang sa naisipan kong makinig ng radyo. Gumaan ang pakirdam ko noong narinig ko ang kantang madalas kantahin sa akin ni JM.

Siya yong ex ko noong high school. Halos isang taon din tumagal ang relasyon namin. Mabait siya, sweet at magaling kumanta.

Bago pa sumikat ang kantang “Thinking out loud,”  ang kantang, ” BASTA’T KASAMA KITA ,”ang pinaka- paborito ko noon.

Laging kinakanta ni JM sa akin sa puno ng mangga sa likod ng school habang may hawak na gitara. Madalas ko pa nga siyang sinasabayan sa chorus.

Noong gabing nakinig ako ng radyo at pinapakinggan ang kantang “Maghihintay Sa Yo” Para bang bumalik ako sa kabataan ko. Naalala ko si JM na nagturo sa akin kung paano magmahal.

Basta’t kasama kita lahat magagawa….

  Lahat ay maiaalay sa yo..

  Basta’t kasama kita walang kailangan pa

Wala ng hahanapin pabasta’t kasama kita.……”

Natapos ang kanta na pinapakinggan ko sa radyo.
Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha sa aking mga mata.

Napa-buntong hininga ako at naalala ko si JM matagal na panahon na rin na hindi kami nagkita. Wala na akong balita kung nasaan siya.

Dahil sa kantang narinig ko sa radyo naalala ko siya. Siguro talagang ganun lalo na kung sobrang minahal mo ang tao. Kahit ilang taon na ang lumipas hindi ko pa rin maiwasang maalala siya.

“Jane, I love you, tandaan mo ikaw lang ang mamahalin ko at ikaw lang ang babaeng pakakasalan ko”

Hay, buhay para na naman akong nasisiraan ng bait noong gabing yon. Naririnig ko na naman ang boses ni JM habang sinasambit ang mga katagang iyon.

“Jane, move on kalimutan mo na si JM. Matagal na panahon n,a siya pa rin? Bakit?”

Kinakausap ko ang sarili ko ng biglang may kausap ang DJ sa radyo. Isang babae. May gusto daw siyang batiin, ang boyfriend niya.

“Hello..Papa Dan, babatiin ko lang ang boyfriend ko si Jonathan Martin.”

Nagulat ako sa narinig ko, tila yata pinaglalaruan ako ng tadhana.Pagkatapos ko marinig ang paborito naming kanta ni JM, heto’t may isang babae na bumati sa pangalan niya.

Nagbakasakali ako na mahanap si JM. Dali-dali kung kinuha ang laptop ko. Hinahanap ko siya sa Facebook, pero wala siyang Facebook.

Hanggang sa hinanap ko ang pangalan ng babae na tumawag. Nagbakasakali ako na ang JM na ex ko at si Jonathan Martin na sinasabi niya ay iisa.

Hindi ako nagkamali , dahil magkasama sila sa profile picture.
Tinitigan ko si JM. Siya parin ang gwapong lalake na minahal ko. Kahit may edad na, hindi ako nagkakamali siya talaga si JM.

Nalungkot dahil mabuti pa ang babaeng tumawag nagawa siyang batiin on air sa isang radio station. Samantalang ako noon hindi ko manlang siya nagawang ipaglaban. Kung hindi sana ako pinagbawalan noon,kung hindi sana kami pinaghiwalay. baka si JM talaga ang nakatuloyan ko.

Halos mag aalas dose na ng natulog ako.Nakatulog ako na si JM ang laman ng isip ko. Kinabukasan sinilip ko ulit ang facebook naisip ko paano kaya kung i-add ko ang girlfriend ni JM? Pero para saan pa? Hindi naman niya ako kilala baka i-ignore lang niya.

Dumaan ang mga araw na pasilip-silip ako sa account ng girlfriend ni JM dahil hindi naman naka-private nakikita ko lahat ng mga post niya.

Hanggang sa nabasa ko ang post niya ” Feeling Sad, Get Well Soon to my love, Jonathan”

Nag-alala ako para kay JM…parang gusto ko siyang makita.

Gusto kong malaman kung napaano siya. Hanggang sa dumating ang araw na nag post ang girlfriend niya about JM.

“Handa akong bumitaw, kahit masakit, handa kong gawin lahat para sa ‘yo, mahal.”

Dahil sa nakikisilip ako binasa ko na rin ang mga comment.

Nabasa ko na hinahanap daw ni JM ang ex niya.

Umiyak ako sa nabasa ko, hindi pa pala ako nakalimutan ni JM.

Kahit halos 15years na ang lumipas akala ko ako lang ang umaasa na makita siya.

Nilakasan ko ang loob ko nag-message ako sa girlfriend niya.

Sinabi kong nakilala ko si Jonathan.

Sinabi niya na hinahanap daw ako ni Jonathan.

Kinabukasan hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon na makita siya.

Pumunta ako sa ospital kung nasaan siya. Umiyak ako at humagulhol nang nakita ko siya. Ang payat na ni JM, halos buto’t balat na lamang ito. Dahil sa sakit na cancer. Nalulungkot ako na sa ganitong sitwasyon ko pa siya nakita.

Hinawakan ko siya sa kamay at kinausap.

“JM, ako ito si Jane, magpalakas ka”

Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at pabulong niyang sinabi, “Malakas na ako dahil nakita na kita, saan ka ba pumunta?”

Naikuwento sa akin ng girlfriend niya na nàg-uulyanin na daw si JM dahil sa gamot at sa katandaan niya na rin. Pero paulit-ulit niya pa ring sinasambit ang pangalan ko.

Si JM ang una at huling lalakeng minahal ko, siya ang dati kong guro noong high school ako. Halos 20 years ang tanda niya sa akin. Pinaghiwalay kami ng magulang ko. Kagaya ko hindi na rin pala siya nag-asawa. May mga naging girlfriend daw siya, pero hindi niya ito pinakakasalan. Dahil ako lang daw ang babae na pakakasalan niya.

Pagkatapos ng isang linggo na pag-aalaga at pagsasariwa namin sa mga nakalipas, binawian siya ng buhay.

Nasaktan ako, pero ganun pa man masaya na rin ako at hindi ko na siya nakikitang nahihirapan. Sa huling sandali ng buhay niya, nagkita pa kami at nagkasama.

Sana ang bawat taong nagmamahalan ay hindi na pagbabawalan…

Sana ang pag-ibig ay hindi na kailangan ipaglaban pa…

Sana darating ang araw na hindi na kailangan pang ilihim ang relasyon ng guro at estudyante, ng bata at matanda…

Para wala nang ganitong tagpo, ang magkitang muli ang dalawang tao na nagmamahalan sa loob ng ilang taon sa ganitong sitwasyon.

Kapag may nakikita tayo na nagmamahalan, maging masaya tayo ay nagmamahalan sila. Hindi iyong tayo pa ang hahadlang para paghiwalayin sila.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.