Bakit ba naging tayo pa rin?

Sa dinami dami ng tao sa mundo na puwedeng maging ka-partner sa buhay, bakit tayong dalawa ang nagkatagpo? Bakit naging tayo samantalang napakaraming dahilan para hindi tayo maging tayo?

Complicated ang sitwasyon natin. Ito ang unang mahirap pagdaanan. Hindi normal ang relasyon natin. Kung kailan lang puwede magkita o magkasama, dun lang puwede. Hindi puwedeng 24 hours a day at 7 days a week. Maraming hindi puwede. Maraming bawal. Nagkakasya lang sa 1/2 percent ng life.

Marami ang igi-give up sa ngalan ng pagmamahal. Marami ang magagalit. Liliit ang mundo natin. Pero puwede namang padaliin, puwedeng  kumalas na lang para hindi na mahirapan at para matapos na ang kaguluhan at paghihirap.

Puwede naman na huwag na lang mahalin para walang nararamdamang sakit. Nasa malayo akong lugar ngayon. Isa na namang pagsubok sa ating relasyon. Maraming tukso sa paligid. Walang puwedeng magbantay o magpuna. Malaya tayong gawin ang gusto natin gawin.

Maraming choices na puwedeng pagpilian, pero bakit ba naging tayo pa rin?

Sa kabila ng lahat ng bawal at mahirap na pinagdaraanan natin, ang nakikita kong dahilan ay dahil sa kaloob tayo ng Diyos sa isa’t isa. Pinagtagpo man Niya tayo sa maling panahon ngunit nasa tamang pagkakataon. Sa lahat ng mga pagsubok, nasa tabi natin ang isa’t isa. Naging mabuting tao tayo dahil sa bawat isa. Nalagpasan natin ang kanya-kanya nating problema habang tayo ang magkasama.  Mahal na mahal natin ang isa’t isa.  Hindi tayo magiging tayo pa rin kundi Niya ito ipinagkaloob. We had so much pain, but we have too much LOVE.

Kaya kahit mahirap, kahit masakit, kahit magulo… mananatili ako sa iyo at ikaw sa akin. Mananatiling tayo.

Hanggang sa muling pagkikita, Bhe, dahil naniniwala akong magiging tayo pa rin dahil ito ang KALOOB NG DIYOS.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.