Bakit ako nagpatalo sa ‘yo? Bakit ako nagpatalo sa demonyo?

Image credit: aplacetogetitout.com

Akala ko, safe na ako. Akala ko lalayuan na ako ng tukso. Akala ko malalabanan ko. Akala ko ganon na katibay ang pananampalataya ko, akala lang pala lahat. Kulang pa, dahil nagpatalo ako sa iyo…

Simbang gabi, buwan ng December. Kinagisnan na ng mga tao ang makimisa tuwing gabi or yung iba madaling araw. Ang pinaka espesyal na misa dito ay sa unang gabi ng misa ngunit kailangan parin natin kompletuhin ang 9 na araw para matupad ang wish or kung ano pa man ang iyong pinalangin. Isang paniniwala na nakagawian na natin.

Puyat, pagod, pawis, lamig, gutom, at syempre pati puso’t kaluluwa ko inalay ko para lang makapagsimba at sumampalataya. Dahil gusto ko matapos ang 9 days na misa. Dahil gusto kong bumawi sa Panginoon at magbalik loob sa Kanya. Hindi na kasi ako masyadong nakapagsimba noong mga araw pa ng exams, projects, hindi ko na naharap dumalaw sa simbahan. Kaya binawi ko lahat ng simbang gabi.

At ito yung hindi ko naasahan na mangyari sa akin.

Bandang 2:30 am nang naligo ako at nagprepare na para 3 am sakto ang dating para may upuan. I wore a nice dress, and naka airmax ako na black at neon green. Syempre nakajacket din ako ang lamig kaya! Kasama ko yung lifetime ko. (wag kayong ano. Sinundo ako niyan sa bahay at pinaalam ako sa parents ko) pati sina Ate, lifetime niya at mga pamangkin ko. Naglalakad kami papuntang simbahan.

Pero sa sobrang tagal kong kumilos yung 3 00 am ko, naging 3 30 so nauna na sila Ate. Kaya sumunod na lang kami. Nagsimula na kaming maglakad ni lifetime, pawis na pawis na ako na parang nilalamig ako na naiinitan. Hindi ko makuha kung isusuot ko ba ang jacket ko o hindi. Haha.

So ayun, nakarating na kami sa simbahan. Sobrang saya ko tuwing nakakapunta ako ng simbahan. In love kasi ako kay Lord Nae-excite ako lagi kapag nagsisimba ako. Sobrang in love ako kay God, siya kasi yung forever and ever lifetime to infinity basta walang katapusan na mahal na mahal ko.

Maraming tao at nakipagsiksikan kami para lang makapasok at marinig ang salita ng Diyos.
Maya-maya, nung nagdadasal ako, grabe pawis ko. Pawis na pawis. Tapos nilalamig ako na naiinitan na parang gusto kong magsuka. Ewan. Ang gulo, ‘di ba?

Basta! Nung una tiniis ko pa ‘yung nararamdaman ko, mahal na mahal ko ang Panginoon at titiisin ko na lang ito, sabi ko sa sarili ko. Hanggang sa, mas nadagdagan yung nararamdaman ko, pinapawisan ako nang grabe naiinitan na nilalamig na natatae na nauutot na nasusuka nilalamig ang katawan ko pero mainit ang tainga ko. Nahihilo na ako, in short! Pinilit ko pa ring tiisin, pero ayun na naman mas lalo akong nasusuka at may naririnig ako bumubulong sa akin.

Doon ko na napagtanto na, iba na ‘to. Kaya niyaya ko si Lifetime lumabas at pumunta ng lababo para magsuka.

I was in hurry, sobrang nagmamadali ako maglakad kasi hindi ko na alam nararamdaman ko. Hanggang sa, (teeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeetttttttttttttt! ) Nalang ang naririning ko. At unti-unting dumidilim paningin ko. Nabunggo ko na lahat ng tao dahil liwanag na lang ang nakikita ng mga mata ko. Hindi ko na rin makita kung saan ang daan at kung nasaan ang boyfriend ko.

Para akong nasa limbo, madalim, walang tao ang tahimik. Unti unti na talagang nawala ang paningin ko, wala nakong pakialam kung nasaan na ang boyfriend ko dahil sobrang bilis ko maglakad. At ayun na nga, biglang nagblack out.

Bumagsak ako. Tapos hindi ko alam ang nangyari, may sinasabi siya sa kin na hindi ko naintindihan.

Naupo kami sa gilid malapit na sa lababo, ngunit nang makita ko ito, hindi naman ako nasusuka. Mahinang mahina ang katawan ko at hindi ako makakilos nv maayos. Para akong baliw. Nakatula lang raw ako, at walang imik.

Pinunasan niya ako ng malamig na towel at pinainom ng tubig. (Tuyong tuyo yung labi at lalamunan ko na parang hindi ako uminom ng 4 na araw) Uhaw na uhaw ako. Tapos, tinanong ko siya kung anong nangyari, ngumiti lang siya habang nakatitig sa ‘kin. Pero may luha sa mga mata niya. Nagtataka ako kung bakit.

Hindi mo alam, babe? ) tanong niya sa ‘kin. Hindi. ano ba yun? Sabi ko. Wala kang naaalala? Sabi niya. Meron. Ang naalala ko, niyaya kitang lumabas kasi nasusuka ako at masama pakiramdam ko tapos naglalakad ako nang mabilis tapos nagblack out. Wala akong makitang tao at wala akong marinig. ‘Yun lang.

Image credit:  aplacetogetitout.com
Image credit: aplacetogetitout.com

Nag-smile na naman siya but I saw his eyes, are worrying. Lumapit siya sakin at kiniss ako sa noo at niyakap. Nag-collapse ka, oo, niyaya mo ako lumabas. At tinatanong kita kung saan tayo pupunta. Saang lababo. Sabi mo doon, tinuturo mo ‘yung ilaw. Kaya inalalayan kita pumunta doon. Tinanong mo ako kung saan tayo pupunta sabi ko doon sa ilaw, sa lababo nasusuka ako sabi mo. Pero ‘yung unang tinuro mo, wala namang lababo doon. Tapos sabi mo nasusuka ka na talaga, ang bilis mo maglakad, ang dami mong nabanggang tao. Hindi ko alam kung saan ka pupunta kaya sinusundan na lang kita.

Dirediretso kang naglakad at diretso ka rin sa pader. Natumba ka sa harap nung matanda, malapit sa pader. Nagcollapse ka nang mabilis buti nahabol pa kita’t nahawak ang kamay mo, kundi, nabagok ka na. Baka makalimutan mo na ako (biro niya) Nag-aalala ako sa iyo nang sobra.

Okay ka na ba? Gusto mong kumain? Nauuhaw ka pa ba, babe? Sabi niya. Nakatunganga na naman ako sa mga sinabi niya. Kaya inalalayan niya ako at sinabing uwi na tayo, para makapagpahinga ka na.

Sa bawat hakbang ng paa ko, naririnig ko ang sinasabi ng pari. Nalulungkot ako dahil hindi ko man lang napatapos ang misa. Umiiyak ako dahil napakahina kong tao. Napakahina ko dahil wala akong nagawa. narealize ko na nagpatalo ako sa demonyo. Nilayo niya ako sa Diyos. Naalala ko ‘yung mga bumubulong sa ‘kin bago mangyari ito. Natukso ako at nagpatalo sa kanya. Siya pala ang kumontrol sa akin.

Ang hina hina ko, bakit hindi ko nilabanan. Naisip ko na sa susunod na mangyayari ito, hindi na ako magpapatalo at magiging handa ako ano mang oras umatake ang demonyo. Ngunit, hanggang sa pag-uwi namin at hanggang ngayong araw habang sinusulat ko ito, natatanong ko pa rin ang sarili ko Bakit ako nagpatalo? Bakit ako nagpatalo sa demonyo.