Baha Na Naman

bahaAng baha sa Pilipinas ay kaya pang solusyonan. pero ang ugali ng mga pinoy na naglalapastangan sa kalikasan mukhang hindi na kayang sulosyunan.

Binabaha ba kayo sa tuwing umuulan?

Nagmumura ka ba sa tuwing barado ang mga kanal at umaapaw ang tubig sa bahay n’yo?

Nakararamdam ka ba ng galit at paninisi sa gobyerno sa tuwing may baha?

Pwes,  sinasabi ko sa inyo, wala kang karapatan magreklamo kung isa ka sa mga rason kung bakit bumabaha o kung bakit barado ang mga kanal.

Anong rason ba ang tinutukoy ko?

Ipapaliwanag ko sayo magbasa ka.

‘Yong simpleng pagtapon mo ng supot ng candy na kinain mo isa yon sa dahilan kung bakit barado ang kanal sa inyo. Kung araw-araw ka nagtatapon ng supot ng candy dadami at maiipon yon siguradong babaha sa lugar n’yo.

Lalo na dun sa mga nagyoyosi na bumubuga ng maruming usok. Nakakasira na nga kayo ng kalusugan ng iba sa usok na binubuga ninyo nagkakalat pa kayo.

Yong upos ng sigarilyo na tinatapon mo, kung naka tatlong kaha ka sa isang araw,  ganun kadami ang kalat na kinu-contribute mo sa pagbara ng mga kanal sa inyo.

Yong nagpuputol ng mga puno na walang pakundangan dahil sa inyo umaapaw ang tubig sa kapatagan.Yong bundok na dapat ay maganda sa mata dahil napapalivutan ng puno ngayon ay nasira na. Unti-unti ng tinitibag dahil ginagawang patag at papatayuan ng mga building ang iba ginagawang subdivision na iilan lang ang kumikita, subalit marami ang nagdudusa.

Sinisira n’yo na nga ang kalikasan may gana pa kayong magreklamo kapag bumaha? Aba’y kung nakakapagsalita lang sana ang inang kalikasan baka minura na kayong lahat.

Pwede namang itapon ang basura sa basurahan at ihiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok bakit hirap na hirap tayong gawin yon? Para ka lang naman naglalaba na hinihiwalay ang puti sa de kolor.

Kung minsan ang mga simpleng bagay ay nagigibg mahirap dahil pinapairal natin ang tigas ng ulo natin. Alalahanin n’yo hindi lang tayo ang nabubuhay sa mundo.Kapag namatay tayo marami pang kasunod yong apo ng magiging apo ninyo baka hindi na masisilayan ang kagandahan ng kalikasan dahil sa sobrang pang aabuso ninyo.

Kung ayaw mong abusuhin ituring mo ring birhen ang kalikasan ingatan mo at huwag abusuhin. Dahil ikaw mismo ang makakaramdam kapag ang langit na ang gumanti.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.