Bag ni Madam

Bag ni Madam
Minsan sa buhay natin nararapat din lang minsan kahit konti ay lumingon tayo sa ating nakaraan.
Bag ni Madam
Minsan sa buhay natin nararapat din lang minsan kahit konti ay balikan natin ang nakaraan.

Matagal na kaming magkaibigan ni Lea. Minsan, nagkasabay kami sa City mamili sa paborito naming Filipino store at kami’y nagkakakuwentuhan nang bahagya,  at doon niyaya niya akong maglugaw pagkatapos naming mamili.

Sa daan pa lamang patungong lugawan palungkot na nang palungkot ang himig ni Lea,at sa isip ko ay may gusto itong ilabas na nais ikuwento, ngunit naaalangan pa siya o naghihintay lamang ng tamang pagkakataon. Nakarating din kami sa aming kakainan. Bago pa man magsimulang magkwento si Lea, nakapag-order na kami.

May problema, Lea?

Wala naman, nakakalungkot lang isipin...

Nakita ko na malapit nang lumuha si  Lea habang sinasabi niya ito. Nasabi  ko na lamang, sige lamang, makikinig ako.

“Bakit kaya may mga kabayan tayong nakapag-asawa lamang ng ibang lahi ay para bang sila na ang may ari ng buong bansa, na para bang may titulo na at pag-aari na nila ito. Handa silang umapak  ng pagkatao mo at wasakin ang kinabukasan mo. Bakit kaya… nabili  lamang nila lahat ng magarang bagay sa bansang ito, at lahat ng kanilang hilingin ay meron na sila sa ‘Pinas, pero ganito na lamang sila manakit ng pakiramdam ng ibang tao, nakadudurog, Sis…kung murahin na lamang kami ni Madam ay napakalutong talaga, tayo pang may natapos kung ganunin na lamang niya, habang siya ‘di nga nakarating ng Highschool,”  pagkuwento ni Lea habang ramdam na ramdam ko ang pagkakasabi nito, dahil alam ko mataas natapos nitong si Lea at nakapag-MBA ito, pero nga lang wala tayo sa sariling lugar natin kaya minsan, pipilliin na lamang natin na manahimik dahil may pamilya tayong iniisip.

“Sis, Alam mo ba ang pinagdaanan niya, isa siyang takas mula sa amo nito bilang DH, bugbog sarado ito nang matagpuan, pinagkalooban na nga  siya ng biyaya pero bakit tila dito pa lang nasusunog na ang kaluluwa nito” dagdag ni Lea, tuloy tulo na ng luha nito, sabay hawak ng kamay nito ang agad kong naging tugon.

Habang lumuluha nagtuloy pa din si Lea ng kuwento “Alam mo nga, naoobserbahan namin, halos sa tuwing meeting na meron kami,  iba-iba ang bag nito at lahat halos branded, ni ‘di ko yata makakayanan makabili nito nang basta-basta, pero sana nga lang  kung gaano kaganda ang bag ni Madam, ganun din ang kanyang pag-uugali”.

Bilang isang kaibigan kay Lea, ito  ang aking naging katugunan;

“Lea, alam mo marami niyan dito, sa bansang ito at sa iba pang bansa, danas ko rin ito at bilang Editor ng OFW forum; daan-daan ang dumadanas nito sa mismong kabayan natin. Minsan ko na itong inalisa, mga batayan bakit nga ba nagkakaganito. Maaring may mga ganitong dahilan pero ‘di naman sa lahat, – una, gusto nila minsan iparanas ang paghihiganti dahil sa wala sila gaanong edukasyon na meron tayo kaya ipapakita nila at ipararamdam nila na mas nakakataas sila o ikalawa, ayaw nilang dahil sa wala silang narating na edukasyong  matatawag o may narating man silang tamang edukasyon, nararamdaman nila kundi sila magiging matapang at magiging mababaw lang pagkatao nila, sila mismo din kakainin ng buhay ng kabayan natin. Nakuha  mo ba ito? kaya kailangan at kinakailangan nilang maging mabangis, ‘ika nga. Kundi man, ikatlo, malupit ang pinagdaanan nila at gusto nila itong ipasa. Ikaapat, kayabangan…malinaw pa sa tubig ng mineral water na gusto  nilang ipagmalaki anuman ang meron sila at sa mga bagay na makikita natin tulad na lamang ng bag ni madam. Buti nga at bag lang ang nakikita mong papalit-palit. Paano pa pag kotse pa ang ipakita nila sa Facebook, magandang buhay, marangyang tunay,  na tayo hanggang tanaw na lamang. 

May natanong na ako ng ganyan nang harapan sa isang kabayan natin na may asawang ibang lahi, diretsahan, “Naman, araw-araw sa mamahaling resto ko kayo nakikita sa Fb ah!” pagbungad ko na may halong biro. “Yaman talaga, dami maiinggit niyan.

“Sagot lang niya nang napakakaswal “wala silang pakialam sa akin, wala sila nang naghihirap ako, nag-eenjoy lang ako sa anumang meron ako ngayon.” Itong salita niyang ito, may punto ito kung susumahin mo din,’ di ba.

Ganun pa man, ipanalangin na lamang natin si madam na sana dumating sa puso niya na maunawaan at ilagay naman sa tama ang pagiging amo niya. May awa ang Diyos sa matiisin, Lea. Konting tiis pa, baka sinusubok lang tayo  kung gaano tayo katatag din.

Nagtapos ang usapan namin ni Lea nang may pag-unawa sa magkabilang panig, dapat lang na lakipan ito ng malalim na panalangin na malagpasan natin ang ganitong mga pagsubok din na may pang-unawa, lalo na’t tayo  ay nasa ibang bansa. 

 

 

 

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.