Badtrip, bow

friendsThe perks of having real friends.

Badtrip yung mga kaibigan na walang ibang ginawa kundi patawanin ka kahit gusto mong magreview para sa exam (for a change).

 Badtrip kapag nag ambagan kayo para sa snacks tapos mamukat mukat mo wala nang pagkain, yung tipong mag-aagawan sa isang balot ng crispy patata o kaya kirei, madalas pa niyan isang supot ng sugo, pagaagawan pa.

 Badtrip yung pagti-tripan ka at pagtutulong-tulungan ng walang dahilan, sisipain ka sa mukha, sasabunutan, hahampasin, susubuan ng napulot na mani, itatago yung bag.

Badtrip yung ibubunyag nila sa crush mo na crush mo siya, aasarin kapag dadaan, yung tipong… WOW! Ako ba may crush diyan o kayo!?

Badtrip yung kapag kinikilig sila, mahahampas ka ng di oras! AS IN OUCH ARAY MASAKIT!

Badtrip yung mumurahin ka ng walang dahilan tapos sabay ngiti na parang term of endearment niyo na yung pagmumura!

Badtrip yung nanghahalungkat ng bag tapos pag may nakitang pera, diretso bili! parang pera ko, pera ng lahat!

Badtrip yung inuudyukan ka nilang bilisan tapusin yung exam kahit wala kang maisagot para lang makagala.

Badtrip yung iiwanan ka kahit dapat sabay kayo umuwi, minsan naman magpapahintay hanggang gabi! 

Badtrip yung magpi-people watching kayo sa corridor tapos manlalait, yung akla mo perpekto.

Badtrip yung kapag kakain ka, dapat lalayo ka sakanila kasi pag lumapit ka paniguradong ubos yan in 3 seconds.

Badtrip yung manghihiram ng gamit tapos di na ibabalik… Ano teh? sayo yan?!

Badtrip yung pipilitin kang magpahiram ng cellphone na may temple run tapos sila pa galit pag binawi mo!

Badtrip yung kapag may jowa yung tropa mo, automatic na kailangang manlibre sila.

Badtrip yung sabay sabay kayo ma guidance.

Badtrip kapag magkaka grupo kayo sa isang project tapos sa huli walang matatapos.

Badtrip yung kakanta kayo tapos dulo lang ng chorus yung alam o kaya chorus lang o kaya simula lang.

1 Comment

  1. hi there i love reading your blogs here honestly natutuwa ako sayo feels like parang bumabalik ako sa reality ng kung sino tlaga ako, 2nd time ko nabasa itong blog mo na ito and i like it as well keep it up God bless you study hard may mararating ka bata :), anyway that lucky guy right way ahead waiting for you kaya pagbutihin mo ang bawat bagay Good luck 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published.