Babae, tsinelas at ulan…

slippersBakit nga ba marami ang nagsusuot ng tsinelas pag tag-ulan? Hindi kaya nila alam na mas maraming dumi ang makukuha ng paa nila? Ni hindi mo nga alam kung ano ang meron sa tubig sa tumatalsik sa paa mo.

Karaniwang makikita na nakatsinelas ang mga kababaihan pag umuuwi galing trabaho. Mas komportable kasi habang nakatayo ka ng 30mins sa MRT o dalawang oras sa bus.

Nakakataka lang, bakit nagagalit sila pag naaapakan ang paa nila? Masakit? Nadudumihan? Ayaw pala nila ng ganon, bakit sila nagtsinelas?

Pampublikong sasakyan ang sinakyan nila, malamang sa hindi, siksikan dyan. Balik tayo sa tanong ko kanina, ayaw pala nilang naaapakan o nadudmihan ang mga paa nila, ba’t di sila nag bota? O kaya eh mag taxi? Kung walang pang taxi, kailangan ng konting tiis. May iba kasi na wala sa lugar ang galit at inis nila. Kahit natutukso ako mang apak, hindi ko na lang pinapansin. (parati kse ako naka rubber shoes pag umuulan. *wink*)

Kaya, mga miss, pakiusap lang, ‘wag kayo magagalit pag may nakaaapak o natatalsikan ng tubig ulan ang paa n’yo. Normal yan dahil una nakatsinelas kayo, pangalawa umuulan. Kung ayaw nyo mangyari sa inyo yan, bumili kayo ng bota or kaya mag closed shoes (huwag yung tela). ‘Wag ibunton ang kahibangan sa iba na waterproof ang mga paa n’yo. Malaki pa nga ang tsansa na ma-espose kayo sa germs at bacteria dahil diretso sa balat nyo ang kontak nito. Walang sapatos o bota ang haharang man lang sa mga ito.

Kaya napagtanto ko tuloy na ang babaeng nakatsinelas ay parang ulan – unpredictable! =)

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.