Babae Ako, eh Ano Ngayon Kung Ako ang Nanligaw?!

3733171421_71b73071a5_oI was 18 you were 19 then; magkaklase sa iilang subjects sa kolehiyo.  parehong irregular students sa engineeing course; nagkapalagayan ng loob hanggang sa naging magbarkada tayo. Madalas tayong magkasabay lumabas ng unibersidad noon dahil magkaklase tayo sa huling subject.

We were both in a relationship then. You were in a 6 years relationship samantalang ako apat na buwan palang. The moment I’ve met you, something’s telling me it is you who I will be spending my whole life with. Ngunit di ko alam kung paano ko sasabihin sa ‘yo dahil sa ating kultura ang lalake ang nanliligaw.

Eh ano ngayon kung babae ako, what’s important is I will express my feelings and stand up for my decision. I courted you. At sinakyan mo ang akala mong trip ko. I broke with my boyfriend but you never did. We became lovers knowing the fact that you are still in a relationship, patago kung magkita. Sa mga panahon na iyon ipinakita at ipinadama ko sa’yo kung gaano kita gustong maagaw sa kanya.

Just like any other men, I courted you. Binili ang mga bagay na makakapagbigay saya sa iyo. Naaalala ko pa ang unang bagay na ibinigay ko sayo, isang cd ng Fra lippo lippi. Sa bawat regalong ibinibigay ko sayo ito’y iyong tinutumbasan.As days passes by, you fell in love in me and that was a victory on my part! Marahil kung ano ang ligaya ng isang lalakeng sinagot ng nililigawan nya ay ganoon din ako. You broke with your long time girlfriend and finally I am not a third party anymore and officially we are a couple.

Maraming kalokohan tayo pinagsamahan sa kolehiyo. Di kinaya ng powers ko ang engineering kaya nagshift ako ng Computer Science. Dahil magkaiba ng course di magtugma ang ating schedule pero sa kabila nito nakakahanap parin tayo ng panahon sa isa’ isa. May mga araw ng kalokohan, tulad nalang ng pagsundo ko sa iyo sa last subject mo at hihikayatin kang tumakas sa klase, mga araw ng pag aabsent natin aand those days when we are watching three consecutive movies in a day. During college days, we surprises each other. Katulad nalang ng pagbibigay ko sa iyo ng gitara. Naaalala mo ba iyon?. You were shocked when you saw a guitar lying on your bed. Nakita ko sa iyong mata ang saya ng sorpresang iyon.

Di tulad ko na mahilig sa sorpresa ikaw ay predictable. Alam ko kung kailan mo ako bibigyan ng regalo. Minsan nagpaplano ka palang ng sorpresa sa akin eh alam ko na. Naging present ang mga magulang natin sa mga okasyon tanging pampamilya lang. Naging inuman buddies ang ating mga ama. Madalas magkasama sa lahat ng okasyon at naging instant family members tayo ng ating kani kanyang pamilya.

Mabilis na lumipas ang mga araw at tayo ay gumdruate, di man with flying colors but atleast we enjoyed college. Sa atin ikalimang anibersyo ng pagiging magkarelasyon ako’y nabuntis. Hindi ako natakot noon na ako’y iyong iiwan,ang aking ikinakatakot ay ang magiging reaksyon ng aking magulang. Ngunit hinarap mo sila,kinausap at nagbitiw ng mga salitang kanilang ikakapantag. Pumapasok kapa sa review center noon pero di natin ito inalintana at tayo ay ikinasal..

Ngayon, may dalawa na tayong supling na nagbibigay ligaya sa atin. Ikaw man ay nakikipagsapalaran sa ibang bansa ngunit sa kabila nito walang araw na hindi mo naipadama sa akin ang iyong pagmamahal. Sa loob ng limang taon natin bilang magnobyo at sa nalalapit nating ika limang anibersayo bilang mag asawa, naipadama mo sa akin na sa kabila ng panliligaw ko sa iyo ako ang babaeng iyong pinakamamahal at pakamamahalin habang buhay. Hindi ko pinagsisisihan ang panliligaw ko sa iyo bagkus ito’y aking pinagmamalaki dahil meron akong isang IKAW.

Isang dekada na puno ng pamamahalan, pag aaruga at pagbibigayan sa isa’t isa. Maraming salamat, mahal ko.

I love you, baby ko.

happy 10th year aniversary in advance and looking forward in celebrating more years of love , joy and happiness. We may be apart in distance, but never in our hearts! i miss you=)

(hindi po ako writer)