Atty. Kapunan Bumitaw Na Sa Pagtatanggol Kay Napoles

Photo credit (blogs-cdn.fas.org/wp-content/uploads/2010/09/gavel-free)

Isa sa mainit-init pa na headline ngayon ay ang pag resign ni Atty Lorna Kapunan bilang tagapagtanggol ni Janet Lim Napoles. Ang may hawak ng kaso ni Janet Lim-Napoles na sangkot sa kasong illegal detention at itinuturong mastermind sa multi-billion peso pork barrel scam.

Ayon sa balita, nag-withdraw si Kapunan dahil sa “differences in opinion”. Napabalita rin na hindi sumipot si Atty Kapunan sa hearing ni Janet Lim Napoles sa Makati City Regional Trial Court noong Wednesday. Sa kasong isinampa ni Benhur Luy. Isa sa mga whistleblower at dating tauhan ni Janet Lim Napoles.

Photo credit (blogs-cdn.fas.org/wp-content/uploads/2010/09/gavel-free)
Photo credit (blogs-cdn.fas.org/wp-content/uploads/2010/09/gavel-free)

Ito nga kaya ang dahilan kung bakit nag-quit si Atty Kapunan bilang legal counsel ni JLN? Tiyak marami ang matutuwa sa balitang ito.  Alam naman natin na matindi ang galit ng sambayang Pilipino sa pagkakabunyag na paglustay ng pondo ng bayan, na nagmumula sa iba’t-ibang buwis na ibinabayad ng sambayanang Pilipino.

Ngunit alam naman natin, na kahit sino na akusado ay may karapatang ipagtanggol ang sarili sa bawat akusasyon, at may karapatan din sila na kumuha ng legal service.  Sa bawat kaso may tagapagtanggol ang isang taong nagsampa ng kaso at ang taong akusado.

Nakasalalay sa mga tagapagtanggol ang ikapapanalo ng isang kaso (o ikatatalo :(( )  Depende sa talino, depensa at mga ebidensya na mayroon ang bawat isa.

Ano na ang maaaring kahihinatnan ng kaso sa pagbibitiw ng tagapagtanggol ni Janet Lim Napoles?

Ako si Juana, nagnanais na makamit ang tamang hustisya.  Dahil ako si Juana, kumakayod nang sobra para may maipakain sa aking pamilya. Ngunit masakit sa akin na ang bahagi ng aking kinikita na kinakaltas sa aking suweldo bilang buwis ay nalaman kong napupunta lang pala sa bulsa ng iba!

Enhanced by Zemanta