Ateneo class 2019 valedictorian, proud na anak siya ng jeepney driver

Image from Hyacenth Bendaña via Facebook

Ipinakita ni Reycel Hyacenth Bendaña na hindi hadlang ang kahirapan upang hindi makapagtapos sa isa sa pinakaprestihiyosong unibersidad dito sa Pilipinas; ang Ateneo de Manila University (ADMU).

At hindi lang makapagtapos ng pag-aaral kundi ang makuha pa ang pinakamataas na honor sa buong ADMU class of 2019 — bilang Valedictorian.

Bukod sa pagiging top student, si Bendaña rin ang Student Council president sa buong Ateneo.

Image from Hyacenth Bendaña via Facebook

Naging inspirasyon sa lahat ang kuwento ni Bendaña hindi lang dahil siya ay magtatapos sa kaniyang kursong B.A. in Management Economics bilang Cum Laude at valedictorian, kundi dahil ipinagmamalaki niyang siya’y anak ng isang jeepney driver.

Sa isang sanaysay na pinamagatang “Prayer for Generosity,” inihayag ni Bendaña ang kanilang pakikipagsapalaran ng kaniyang pamilya lalo na ng kaniyang tatay upang makapagtapos lang siya sa pag-aaral

Dito ikinuwento ni Bendaña ang mga paghihirap na kanilang sinuong at kung papaano siya naging matagumpay sa lahat ng pagsubok na kaniyang hinarap.

Ibinahagi ni Bendaña ang kaniyang karanasan bilang isang mahirap – ang pakiramdam ng walang pagkain na nakahain sa kanilang lamesa at kung paano gumawa ng promissory notes ang kaniyang mga kapatid dahil sa hindi na sila nakababayad ng kaniyang tuition fee.

Sinabi ni Bendaña na ang ama niyang jeepney driver ang nagturo sa kaniya kung paano magsikap sa kabila ng kanilang paghihirap.

My father is a jeepney driver, whose example taught me to work harder than everyone else—not only because hard work is high dignity but also, while it is no guarantee of success, anything less than that for us would mean complete failure,” ani Bendaña.

Dagdag pa ni Bendaña, pitong taong gulang daw siya noong sumama siya sa kaniyang ama sa isang jeepney strike rally.

Ang rally na ito ay para umano humingi ng taas pamasahe para sa minimum faire.

I stood with my father at the frontline of a jeepney strike that aimed to raise the minimum fare.”

Ang pagtaas ng gasolina ay nagpapahiwatig ng mababang kita, pero para kina Bendaña at kaniyang ama, ito ay nangangahulugan ng pagkawala ng pagkain sa kanilang lamesa, pagkabaon sa mas maraming utang, at mas maraming promissory notes.

Image from Hyacenth Bendaña via Facebook

Inihayag din ni Bendaña na kahit siya ay nagkaroon ng scholarship sa ADMU, pakiramdam pa rin niya umano na kailangan pa niyang mas lalong magsumikap upang mabalikan ang kabutihang-loob na ibinigay sa kaniya ng unibersidad.

Sa kaniya ring Facebook post, pinasalamatan niya ang kaniyang mga magulang na naging inspirasyon niya upang makapagtapos.

I’d like to thank my father whose hardwork taught me never to give up, my mother whose ambition taught me to demand greater things than what social limitations allow.”

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.