Ang “asim-kilig” na hamon ng sinigang na hipon

Public Domain Image

Mahilig ako sa sea food o mga pagkaing nakukuha mula sa dagat (o isama na rin sa ilog at iba pang anyong-tubig) tulad ng isda, talaba, tahong, suso, alimasag, alimango, at ang pinakapaborito ko sa lahat — ang hipon.

Anumang klaseng luto iyan, mula sa halabos hanggang sa okoy, papatusin ko. Lalo na ang “asim-kilig” na hamon ng sinigang na hipon.

Kaya naman, halos maglaway ako sa mga larawang ibinahagi sa Facebook page na “KaProbinsya” na nagpapakita ng paborito kong ulam, ang sinigang na hipon! Talagang mapapasabak tayo sa kanin! Walang diet!

Imahe mula sa Facebook page na KaProbinsya

Kahit ang mga netizens ay napakomento tuloy sa mga larawan.

“Hmmm that looks yummy thank you sa nag-share…”

“Ginutom ako sea food na iyan, paborito ko ‘yan!”

“Lalo na ang sugpo!!!! Sarap iyan lalo na kapag maasim ang sabaw, tapos tutong ang kanin! Heaven!!!”

Imahe mula sa Facebook page na KaProbinsya

Ang sinigang ay isa sa mga pagkaing Pinoy na may sabaw na maasim, dulot ng sampalok, kamyas, o maging kamatis. Pasasarapin pa ito ng iba pang rekados gaya ng labanos, kangkong, siling luntian, okra at iba pa.

Kung susubuking magluto ng sinigang na hipon, tiyaking nahugasang maigi ang mga hipon at panatilihin ang ulo nito upang mas maging malinamnam ang sabaw. Huwag ding hayaang sumobra ang pagkakaluto rito.

Kung hindi ka pa nakasubok magluto nito, eto naman ang video mula kay T Alonzo na gagabay sa iyo: