Arjo Atayde at Maine Mendoza, namataang sweet na sweet sa isa’t isa

Image from Arjo and Maine fan account via Instagram

Noong nakaraang buwan lamang, tumangging kumpirmahin ng Kapamilya aktor na si Arjo Atayde ang status ng relasyon nila ng Kapuso actress na si Maine Mendoza.


Image from Arjo and Maine fan account via Instagram

Kamakailan, namataan ang dalawa na sobrang sweet sa belated birthday party na inihanda ng mga fans ni Maine para sa kaniyang 24th birthday.

Dumalo si Arjo sa birthday party, at marami ang nakapansin sa galaw at kilos ng dalawa na mistulang magkasintahan na.

Sa Instagram post ng fan account nila Arjo at Maine na @everythingarmaine, makikita ang overload sweetness ng dalawa at nahuli pa sa isang video ang paghalik ng aktor sa balikat ni Maine.

Ang dalawa ay game na game rin na nagpakuha ng pictures habang magkasamang nakaupo at nagpo-post ng wacky.

Image from Arjo and Maine fan account via Instagram

Nasabi ni Arjo sa isang interview na hindi niya kukumpirmahin ang totoong estado nila ni Maine dahil umano sa magiging consequences. Ang tinutukoy niya ay ang mga banta na natanggap niya at ng kaniyang pamilya noong nalamang nagde-date sila ni Maine.

Noong nakaraang Marso ay kinumpirma ni Maine sa kaniyang blog post na siya at si Arjo ay “exclusively dating.”

Pagkatapos nito ay namataan na kasama rin si Arjo sa Alumni Homecoming event ni Maine.

At sa mga Instagram post ni Maine noong nakaraang Holy Week sa Bali, Indonesia, napansin ng maraming fans at followers na pareho sila ng lugar na pino-post ni Arjo, kahit na wala silang picture na magkasama.

Makikitang masayang-masaya ang dalawa sa piling ng isa’t isa. At iyon naman ang mahalaga.