ARAW NG MGA PUSO (VALENTINE’S DAY)

(Mula sa panulat ni Gamila Tarek)

Araw ng Pebrero 14………dito dinadaos ng kaarawan ng mga puso…….saang man parte ng mundo ito’y ipinagdiriwang ng lahat na mga taong may alam tungkol sa araw ng “Valentine’s Day”.

Taong 1965…….ako’y nasa pangalawang taon ng mababang paaralan (Elementary School) ang aming teacher o guro sa subject na ART”s ay pinagawa kami ng project na valentine card this time…….at lalagdaan namin ng ano mang greetings tungkol sa araw ng Valentine……….ang pinili ko ipalamuti ay crayons…..puwede ring water color………at ang sabi pa ng guro namin pagkatapos naming gawain ang card sa coupon bond na nilupi namin ng pandalawahan ay pipiliin naming ang papag bibigyan namin sa sino mang magustuhang namin sa aming kaklase.

Ang lucky classmate ko na binigyan ko ng valentine card ko ay yong kapit bahay namin……..lalaki po siya……..at sa bandang huli eh magkaaway kami……….ewan ko ba bakit napunta kami sa ganoong situwasyon………basta’t ang naalala ko na lang, kami’y nagbabatuhan. Doon siya sa kanilang bakuran at ganon din ako……….nasa aming teritoryo ako.

Ang “Valentine day” ay para sa mga lovers kung tawagin natin, na ini-express nila ang kanilang pagmamahalan sa bawat isa. At ito’y sinasamahan din ng bulaklak pag ito’y mayroon kang budget para doon at chocolates. Sa pangalawang pagkakataon ang memory ko tungkol sa araw na ito ………during my college life…….huling taon ko sa kursong Nursing…………..meron akong naging kaibigan ( lalaki siya of course) na nag palitan kami ng cards………. yong sa parte ko bumili ako ng card na hindi naman masiyadong kamahalan sa National Book store at pinadala ko sa koreo (Post Office) at alam kong natanggap niya.

Ang kasagutan naman niya noon ay nagpadala siya ng RCPI telegram greetings sa akin………sarap damahin na mayroon palang taong nagke-care na maalala kang batiin sa araw ng mga puso…..hindi ko yan makalimutan………..dahil siya ang unang “crush” ko pero hindi nag-materialize ang aming communication bandang huli…..ewan ko rin bakit nangyari sa amin ang ganito?…………hindi siguro nila ako “type”……

Napakagandang i-flash back ang mga memories mo tungkol sa okasyon ng kaarawan ng mga Puso.  Lahat ay may magandang kaganapan ang nangyayari sa atin……….lalo na kung ang mga cards na ‘yan ay naitago mo ………at sa mga araw na hindi mo inaasahan ay makita mo ang mga ‘yon….sarap gunitain……kung nasaan na siya?…….ano at sino ang napangasawa (Kung hindi kayo nagkatuluyan)? Ano ang itsura niya ngayon? Ilan na ang naging anak niya? Maganda ba yong naging misis niya kaysa sa iyo?

Maraming katanungan na nananatiling katanungan hanggang ngayon sa buhay mo.

Sa mga lalaki naman ang iisiping lagi……..kumusta na kaya si …….? Still sexy pa kaya siya?Napakaromantiko ko naman at nabigyan ko pa siya ng chocolate at bulaklak. Maski ‘yan ay bawas sa allowance ko that time….nabahaginan ko pa rin siya ng alaala na hindi maialis sa akin isipan……….maraming imahinasyon ang nangyayari sa ating palaisipan…….mapa-babae ka man o mapa-lalaki………..sarap gunitain ang mga alaalang hindi ma-erase sa ating kaisipan.

Well, sa mga magkasuyong katulad ko noon. Ito ang katanungan ko. Paano mo sine-celebrate ang kaarawan ng mga Puso? Ito’y pinaglalaanan mo ba ng attention? Mga commentator ko, kung nabasa ninyo ngayong itong artikulo ko, anong experience ninyo noon at ngayon sa araw ng “VALENTINE’S DAY”?

Sana naman nakapagbigay ako ng magandang artikulo tungkol dito at sa darating pang mga taon tungkol sa araw ng Valentine. Salamat po at napagbigyan ninyong basahin ang topic ko ngayon (HAPPY VALENTINES DAY SA INYONG LAHAT). To my publisher more power to your blog………God Bless po sa ating lahat.

About DF Community

This article was submitted by the author above. All articles posted in this blog are views of their respective authors. All commentaries, letters or opinions submitted by the Definitely Filipino community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.