Araw ay Sisikat Muli

1448295154934

IF YOU HAVE TIME TO CHANGE YOUR PROFILE PICTURE TO SUPPORT FRANCE AND THE PEOPLE OF PARIS, I HOPE YOU ALSO HAVE SPARE TIME TO READ, LIKE AND SHARE THIS SHORT SENTIMENT OF ALL OFWS WHO ARE STILL FIGHTING FOR THEIR FREEDOM. THANK YOU AND GOD SPEED.

Nakalulungkot na ang inaasam-asam naming magandang kinabukasan ay mauuwi sa masaklap na karanasan sa bansang inakala naming magbibigay ng kaginhawaan.

Sa bawat araw na lumilipas, umaasa kamii na sana ay darating na ang oras na masilayan naming muli ang lupang sinilangan.

Luha namin ay pumapatak sapagkat hinahanap-hanap namin ang kalinga ng mga taong siyang dahilan kung bakit kami nagsumikap upang makapunta sa dayuhang bansa. Puso namin ay naghihinagpis sapagkat nabigo kaming makamtan ang katagumpayang ninanais.

Sa bawat oras na dumaraan ay umaasa na may makarinig at makapansin sa bawat hinaing na isinisigaw ng aming mga damdamin.

May umaalis at nakakauwi, may naiiwan at naghihintay. Ngunit bawat isa’y nagdarasal na sana ay makalayo sa dayuhang bansa na nagbigay ng pasakit at sama ng loob sa bawat isa sa amin.

Buhay namin ay patuloy sa pag-ikot at hindi kami nawawalan ng pag-asa na balang araw ay makakamtan ang kalayaang ninanais.

Umaasa na ang araw ay muling sisikat pagkatapos ng matinding unos na tumatak sa bawat daloy ng aming buhay.

Hawak-kamay kaming muling babangon upang abutin ang bawat pangarap na naglaho sa aming paningin dahil sa hustisya na inaakala naming para sa lahat.

Kalakip ng paglubog ng araw ay ang pag-asa na bukas ay may ngiti na masisilayan sa labi ng bawat isa.

Hindi kami susuko hangga’t hindi namin nakakamtan ang kalayaan na para sa bawat isa. Hindi kami magtatago, mananahimik at magsasawalang-bahala na lang.

Habang may buhay ay may pag-asa!

We will still keep on fighting because we believe that GOD will always give freedom to those who are oppressed!? ? ?

About sulat_kamay11

I am a writter by heart. I am currently in Riyadh Saudi Arabia under the protection of our Embassy. I want to write about the life of OFWs here and will be writting more about anything.