Aral Mula sa Paglalaro ng Candy Crush Saga

(Photo Credit: play.google.com)
(Photo Credit: play.google.com)
(Photo Credit: play.google.com)

Ilang linggo na rin akong inaawitan ng aking mga kaibigan na maglaro ng candy crush saga; sabi ko wala akong panahon at ayoko. Hindi ko nga sila maintindihan kung bakit ba adik na adik sila dito? Ano ba ang nakukuha nila sa sa paglalaro nito?

Noong isang araw lang, habang masakit ang ulo ko sa nalaman kong balita mula sa Pinas, sinubukan kong maglaro ng candy crush at napatunayan kong  totoo nga! Nakaaadik siya.

Sa ilang araw lang na paglalaro, hindi lamang pala pataasan ng level at pagalingan sa moves ang matutunan mo dito. Puwede rin siyang iapply sa pang araw-araw nating buhay.

Una, ang buhay ay maikli lamang para tayo ay magsayang ng panahon sa mga problemang ating kinahaharap; minsan maganda ring bigyan natin ang ating sarili ng oras para magsaya at kalimutan ang problema.

Pangalawa, sa buhay natin may mga panahon na darating sa atin ang pagdedesisyon. Katulad sa larong ito, dapat pag-isipan mong mabuti ang move na gagawin mo para makaalis sa isang level. Gayundin sa ating buhay, dapat pag-isipan nating mabuti ang mga magiging desisyon natin para wala tayong pagsisihan sa bandang huli.

Pangatlo, ang buhay daw ay hindi binubuo ng ikaw lang; dapat bigayan. May panahon na kakailanganin natin ng tulong ng iba (kaibigan, kapamilya,kakilala isali na natin ang kapuso) para masolosyunan natin ang ating problema.  Katulad sa larong ito, hindi tayo laging panalo, mawawalan tayo ng buhay para ipagpatuloy kaya kinakailangan natin ang tulong ng iba para magpatuloy sa laban.

Pang-apat, hindi lahat ng bagay ay maaari mong makuha nang biglaan; ito ay pinaghihirapan.

Panglima, may takdang panahon o oras para makapagpatuloy sa paglalaro. Kagaya ng buhay natin, may takdang oras sa mga bagay na dapat unahin at mga bagay na dapat isantabi muna pansamantala.

Pang-anim, wala sa edad ang pagiging bata. Hehehehe

Pangpito, huwag kang susuko hanggang hindi ka nananalo. Ang buhay ay sugal, kaya go lang nang go!

Pangwalo, tumanggap ng pagkatalo at matuto.

Bilang isa sa mga adik sa candy crush saga, hindi lang naman kaadikan sa larong ito ang dapat mong ipagmalaki; kundi ang mga bagay na matututunan mo mula dito at kung paano mo siya iaaply sa pang-araw-araw na buhay mo.

Ang buhay ay tasty at delicious; kaya naman mabuhay ang mga adik sa larong ito! 🙂

About kambal

Simple lang ako. At naniniwala sa kasabihang " Ang pagiging masaya ay hindi ang pagkakaroon ng mga bagay na gusto mo, kundi pagiging kuntento sa kung anong pinag kaloob sa iyo."