Answered Prayer

(Photo Credit : Acelebrationofwomen.org)
(Photo Credit : Acelebrationofwomen.org)

Biyernes, ito ang araw ng pag-uwi niya. Masayang naghihintay ng text niya….kung anong oras ng uwi niya?….kung nakasakay na ba siya ng van (ng minsan maiwanan ng van, nagbus na lang), at sa mensaheng “ma’am andito na ako sa bahay”. Sobrang sarap sa pakiramdam na parang wala ng katapusan ang kaligayahan. Sambit pa niya “Itatanan ulet kita bukas hah?, agapan mo kasi…I miss you more 🙂

 Pagsapit ng Sabado, sa kanya ang buong araw ko, at pag nalate ako, Dyosko, ang tampo ay todo (hehe). Kailangan yung suyuin kasi nagpapalambing. Limang araw ba naman ang lumipas na hindi ka niya nakasama kaya siguradong pati siya ay sabik na sabik na makita ka. Buong maghapung magkasama….kulitan at asaran na minsan ay humahantong pa sa pagkainis ko pero imbes na dumeritso sa pagkagalit eh mangingiti ka na lang kasi pag sa puntong ganun na ang nangyayari eh lagi nyang sinasabi “ang tapang eh!” tapos ayun kukulitin ka na ulet ng kukulitin. Ang swerte ko sa kanya at syempre masuwerte din naman siya saken (totoo naman yun, hehe).

Masayang masaya kami lalo na kapag magkasama. At pagsapit ng gabi hindi niya hahayaang pumunta pa ako sa ibang bahay (alam niya kasing ang dami ko laging pinupuntahan) na kailangan sa bahay na ang uwi ko agad. Nag-aalala kasi siya na baka hanapin ako ng parents ko, especially ng mama ko, kasi ang alam sa bahay, nasa kanila lang ako. Pilit akong ihahatid para sigurado, yung tipong safe na safe ka! at yan ang  isa sa mga katangiang gustong-gusto ko sa kanya.

 Linggo, ang araw ng pag-alis niya para pagtuunan naman ng pasin ang pag-aaral niya (di bale, kaya to! Last sem naman na). Bago siya umalis, syempre magkikita kami…..at walang linggo kaming pinalipas na hindi kami magkasamang sisimba ?. Pasasalamat sa lahat ng biyayang aming tinatanggap at ang kaisipang pinagtagpo kami sa kabila ng lahat (magkumare at magkumpare kasi kami). Na sa tuwing magkocross ang aming landas eh laging sa binyagan. Dumating kasi yong close friend ko na ininvite ako sa kanila tapos yung kapatid ng friend ko eh ininvite naman siya . Ayun, dun na nagstart…

Nang minsang magkachat kami sa FB, ibinigay niya ang no. niya. Anung saya ang aking nadarama nang mga araw na yon (may kilig pang kasama). Alam man niya o hindi eh “Crush” ko siya nung high school days ko, 4th year ako nun tandang-tanda ko pa (hehe). Imagine possible pala yun (haha), ang dami kong tawa. Teka nasa simbahan nga pala kami….si father kasi (nanisi pa) hehe…..nagkatinginan kami sa sermon niya eh “huwag magmadali, ang lahat ng bagay  ay may tamang panahon”. Biglang pumasok ulit sa isip ko yung quotes at sinabi ko sa kanya “Alam mo ba kong anung pangarap ko?…..ang makapasok sa simbahan kasama mo….hindi naman agad-agad ikasal tayo…pero gusto kong marinig na dinadarasal mo “Lord, sana wag akong iwan ng taong to….dahil ibabalik ko pa siya dito” (Ayiieeh ansabe? Hehe).

 Aalis na siya….malungkot pero masaya kasi ang dami na naman naming memories na naiipon, at alam kong pagsapit ulet ng Biyernes babalik siya. Sambit ang mga katagang “Itatanan ulet kita bukas hah?, agapan mo kasi…I miss you more 🙂”.

 Hunyo 29, 2012, araw ng Biyernes……sabik na akong makita at makasabay siya sa van pauwi ng Atimonan. Limang araw din kasi na hindi siya nagparamdam, pero naiintindihan ko ang mga bagay na yun, baka kasi busy lang siya sa study niya. Gusto ko siyang surpresahin…….sakto kasing may usapan din kami ng dalawa kong pinsan sa SM na magtatagpo-tagpo kami.

Sa kadahilanang hindi nga ako nakatatanggap ng mensahe mula sa kanya at hindi niya alam na nasa SM ako ng mga oras na yon, biglang pumasok sa isip ko na “What if?..makita ko siya, tapos may kasamang iba?! Ano kayang gagawin ko?”.

Ako na rin ang sumagot sa tanong ko, “Malabo, hindi niya sa kin gagawin yun!”….tukso naman ng dalawa kong pinsan.

“You can never can tell! Malay mo!”

Hindi ko na pinansin ang mga bagay na yun, at nag-akit na lang sila na kumain kami. Sabi ko “Sige sa KFC tayo, pero kayo na lang kumaen kasi  busog pa ako!”. At sa pangunguna ko patungo sa nasabing kainan….bigla akong nahinto, napatakip na lang bigla ang kamay ko sa bibig ko at binigkas ang mga katagang “OMG”. Oo, tama ka! nagulat ako…..nagulat ako sa nakita ko!, sa kagustuhan kong isurprise siya….AKO ang nasurprise! (Kailangan ko pa bang sabihin kong ano ang nakita ko?, sige na nga!) Nakita ko siya, may kasamang iba! Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko ng mga oras na yun ang alam ko lang gusto ko nang umalis sa kitatayuan ko, at yun nga ang ginawa ko!.

 Biyernes, na nakasanayan ko ng pag-uwi niya….pero yun din pala ang araw na papawi sa lahat ng magagandang ala-ala na naipon namin. Hindi ko alam kong yun ba ang magdudulot ng kalungkutan sa aking nalalapit na kaarawan, o isa siyang magandang regalo na dapat kong ipagpasalamat dahil sa puntong yun pinamulat agad saken ang katotohanan.

 Ang bilis ng panahon, makalipas ang dalawang linggo na wala na talagang komunikasyong namagitan sa amin. Tiniis mong hindi rin magparamdam sa kanya dahil sa pag-aakalang busy siya sa study niya at eksaktong prelim niya (na nalaman ko pa sa nanay niya). Sa pagdaan ng mga araw na yun eh umaasa akong magiging okey ang lahat na kaya ko siyang patawarin. Yung tipong pagmulat mo, isang araw ka lang pa lang nasaktan dahil sa nakita mo, at ang katotohanang mas masakit pala na iparamdam niya sayo na kayang-kaya ka niyang tiisin kasi hindi ka mahalaga kaya okey lang kahit mawala ka 🙁.

 Muling naglaro sa aking isipan ang lahat ng mga bagay na lagi niya sinasabi….nung minsang tinanong ko siya “Bakit ayaw mo akong mawala?”, na sinagot niya ng patanong din “Ano ako?, pag-wala ka?”. Nangilid ang mga luha sa aking mga mata habang binubulong sa sarili na “Ayan ka…… pag-wala ako, MASAYA!” 🙁. Di ko na napigilan, tuluyan na silang pumatak.

 Kay tagal kong hinintay, at dumating nga ang araw na yun. Ang araw na sa buong pag-aakala niya eh handa na ako. Handa na akong makinig sa lahat ng mga paliwanag niya…..ngunit sa kabila nito’y planado pala ang lahat….Lumayo siya, yun ang paraan niya para makalimutan ko siya. “PATAWAD 🙁……(at sa huli ay)…..sana hindi niya gawin sayo ang mga bagay na ikinagalit mo saken, ingat ka 🙁”. Wala na akong nasabi sa kanya bukod sa salitang “BAKIT?”. Yung feeling na balik ako sa konsepto ng “NAKAKADALA”.

 Paggising ko kinabukasan at ngayon nga yun, (hehe)…may ngiti sa aking mga labi 🙂. Now, I can say “YES, it is a GIFT”. Ang lahat ng nangyari ay regalo sa akin nung birthday ko, gift na nangyari lahat. May naalala na naman ako, at hindi ko nga pala naikuwento kanina.

Naalala ko na lagi ko nga pala yung dinadasal sa tuwing nagsisimba kaming magkasama noon…..

“Lord, kung hindi rin naman po talaga siya para sa kin, eh huwag n’yo na pong patagalin”….eh malay ko ba na sa punto palang yon eh ang lakas ko kay Lord  (hehe).

Hindi na nga niya pinatagal, and for me, no doubt……. it is an “ANSWERED PRAYER”.

 “God never takes away something from us without giving us something better”. When you pray don’t BEG, simply BELIEVE…..that’s how FAITH works. 🙂


2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.