Ano’ng Say Mo sa Love Ko?

 

00549_BG-1404729656Babala: Ang banat na ito ay naglalaman ng isang maselang talakayan.. Agarang unawa ang kailangan. Pasintabi sa mga matatamaan..Usapang Middle East ito, kabayan..

Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang minimithi at hangarin sa buhay. Tayo ay nakikibaka sa ating pang araw-araw na buhay.  Hindi lang ikaw ang may problema, hindi rin lang ikaw ang may dala-dalang sakit na iniinda.

 Saan ka ngayong bansa naroon? Di ba, OFW ka? Kaya ito ang isyong ito ay ating talakayin..

 Usapang OFW ito, so meaning nasa ibang bansa at wala sa PILIPINAS. Pilipino ako, Pilipino tayo, pero bakit tayo-tayo parin ang nag-aaway at naglalaitan? Sakit na ba talaga nating mga Pilipino ang manlalait sa kapwa Pilipino??  Bakit madaling pairalin ang inggit kaysa sa pagkakaroon ng katahimikan?  Bakit nasabi kong sakit natin ang manlalait? Dahil siguro likas na sa atin ang pagiging matalino kuno, na hindi ginagamit sa wasto.

Define nga natin ang salitang mapangmata at mapanghusga.

 Ito ay totoong ating makikita,, usapang Middle east tayo, Kultura, Tradisyon at kaugalian sa mga bansang sakop ng Gitnang silangan ay iba sa ating nakaugalian.. Oo mayroon tayong kapwa Pilipino na nanampalataya ni ALLAH, kung kayo ay bibisita sa purong lugar ng Mindanao kung saan matatagpuan ang devoted MUSLIM people, iyong masasaksihan na balot din ang kanilang katawan, may parte din sa MINDANAO na mata lang ang makikita sa ating kababaihan nakaitim din sila kung minsan nga mukha ay tinatakpan. Nasasaksihan ko ito sa lugar ng JOLO, SULU kung saan ako napadpad dati dito. Tulad ng babae nila dito balot din ang katawan. Pilipino sila, ‘di ba?  I’m not talking nor compairing about religion here, I’m just trying to explain something…

Middle East , ito ang pangunahing lugar kung saan talamak ang kaso nang pangmomolistiya ng ating mga kababaihan. Lugar kung saan ang baba ng tingin nila sa mga kababaihang Pilipina. Kung naalala niyo pa na ako ay inyong binatikos dahil nirarate ng ibang lahi na 1% nalamang ang my good heart at good mind,at good character o sa madaling salita ay mga straight na pilipina.

Masisisi ba natin sila sa ganun?

Tayong mga babae including me, ay nakakaranas ng panlalait sa ibang lahi dahil paningin nila tayo ay pare-pareho… Di po ba unfair naman po sa mga kababaihan na walang ginagawang masama??

 Si Pilipina kasi, nakikipag-jowa sa ibang lahi eh…. Hindi naman nila habol ang salitang love, kundi ang salitang “PRAKTIKAL”.

 “May mapapala ka ba sa jowa mong walang pera?? Ni walang hitsura man lang. Mabubuhay ka ba sa Love mong iyan? Tingnan lang natin kung may love pa ba kung kumakalam na ang sikmura!  ‘Di bale na lang.  Ano, mag-aasawa ng pinoy? Uuwi ng Pilipinas? Ano’ng mapala doon!? Walang magandang trabaho! Ang Gobyerno’y maliit magpasuweldo, may injustice doon.  Mas maigi na dito may pera na nasa ibang bansa ka pa!! !”

 Iyon ang kadalasang rason na ating maririnig sa mga fans ng salitang PRAKTIKAL kaya ang mga totoong nagmamahal ng ibang lahi ay nadadamay, ang totoong may love sa ibang lahi, at ang may karelasyon na ibang lahi na wagas at totoong nagmamahalan ay nadadamay!

 Pilipinang nagbebenta ng sarili nila para kumita? (Hindi natin sila masisi; may mga rason din sila)

Damay ang iba.

Na buti sana kung ang mabibiktima ay iyong may gawa.  Buti sana kung ang minanyak ay sila. Pero hindi sila!!!

Kadalasang biktima ay iyong mga gumagawa ng tama…mga kababaihan na hinihipuan ng ibang lahi kahit balot na ang katawan dahil na rin sa kagagawan ng ating ibang kababaihan.

Tapos sisihin natin sila at agad husgahan at batuhin ng salitang MANYAKIS?!

Sino nga ba ang may kasalanan at dapat sisihin sa ganitong sitwasyon?? Alam naman natin na mga Men nila ay hindi nakakakita ng mga babae nila sa publiko kahit buhok man lang dahil balot ang katawan at kung malasin pa nga ay mata lang ang makikita.  Idagdag pa ang mga kinakain nila na mga maanghang. (Next time i-research ko if nakapagpapadagdag ba ito ng dugo para maging maniac ang isang tao.)

 Middle East… Dito naglipana ang mga manggagawang pinoy na maliit o walang kita sa Pilipinas, sabi nila..pero masakit isipin na kapwa pinoy ay naglalaitan at naghuhusgahan!!

 Minamata ang isang propesyon ng marangal na trabaho ng mga atsay, katulong, kadama, maid o inday.  ‘Ika nga sa mga kapwa OFW na sinusuwerteng nakapagtrabaho sa de opisina! De aircon na opisina! De unipormeng pang executive! Nito ngang huli ay nagtrending ang pangmamata at panglalait ng isang Nurse sa isang inday!  Ipokrita ka kung hindi ka masasaktan kung ika’y lalaitin at huhusgahan!.

 Hanggang dito na lang muna ang ating mahabang talakayan. Kung nasaan ka man sa Middle East ngayon… Mag-ingat nang ilang beses… Don’t trust anyone kahit na sila ay kabayan! Dahil kahit kadugo ay kayang manlinlang dahil nakasaad na ito sa history being human…. Kaya alagaan ang sarili huwag basta basta magtitiwala .. Don’t trust  anybody except your own mind and body… Iwas relation sa ibang lahi if no love ang involved at saksi… Para iwas mabastos at ma-rate ng 1% ulit….

Your comment reflects your own personality and ability to intindi this message na ginawa ko sa dis-oras ng gabi sa ikapitong palapag ng gusaling aking kinaroroonan kung saan tanaw ang buong kapaligiran ng isang matiwasay na gabi…

Now, anong say mo sa love ko sa iyo?  Makabayan? makatao!? o praktikal, ‘ika mo?

GoD bless OFWs in the whole universe..

About Jhacque

I'm just an ordinary girl who walks with faith, a trying hard writer, a wanderer who lust for an adventurous travel and crave for peaceful places. I write to impress not but to express my feelings .... Like you, I laugh , I cry, I get hurt too.... ... Isang babaeng madaling tumawa,at humanga sa mga magagandang tanawin, Mabait daw ako pero luko-luko,saksakan ng kakulitan,,Isip bata kung minsan. Marunong tumawa at marunong ding ngumiti pero may temper na matindi.