Anong Pangalan Mo?

What's Your name? (Photo Credit: Wrdsofworth.wordpress)
What's Your name? (Photo Credit: Wrdsofworth.wordpress)

Meron ka bang kakilalang tao na walang pangalan? Lugar na walang pangalan? Bagay na walang pangalan? Hayop na walang pangalan? Pornstar na walang pangalan?

Lahat ng nakikita mo sa buhay mo araw-araw ay may pangalan. Kahit na mismo yung mga bagay na talagang hindi mo nakikita at minsan napapaisip ako kung sinong lasingero ang nagimbento ng salitang “hangin, multo, utot, atbp” ang lakas

What's Your name?  (Photo Credit:  Wrdsofworth.wordpress)
What's Your name? (Photo Credit: Wrdsofworth.wordpress)

siguro ng amats ng taong umimbento ng pangalan nila. Meron din kaya silang “Alamat” kung saan ibinase ang pangalang ibinigay sa kanila? Na gawa rin mismo ng isang kainuman nya? Kung mayroon kayong “Alamat ng Utot” pahingi po ako ng kopya.

“Alamat ng  …..” ang babasahing pambata kung saan pinapaliwanag sa ‘yo kung saan nanggaling ang iba’t ibang uri ng pangalan ng gulay, prutas, hayop at pornstar kung hindi kapa nakakabasa ng isa sa mga ito malamang tambay ka ng bangbus.

Tutal nasa pangalan na rin naman nandito ang ilan sa mga listahan ng iba’t ibang pang-halip sa pangalan.

  1. Pssssst – Suplado ang taong hindi lilingin kapag nag “psssst” ka sa pampublikong lugar, Pero, bakit nga ba lahat ng tao napapahanap kapag may nag “psssssssssst”.
  2. Pare / Mare – Kahit hindi mo naman talaga inaanak yung anak nya ito parin ang tawag mo sa kanya. Madalas tawagan ng mga magbabarkadang edad 13 gulang pataas.
  3. BOK – hindi ko alam kung ginamit nyo ito noong bata kayo pero ito ang tawagan namin nung mga tropa ko noong bata pa kami bukod sa “tol” at “pre” habang umiinom ng Cali sa plaza. Nung tumanda na ako saka ko lang nalaman na ang salitang BOK ay pinaikling Bonding On Kids.
  4. Chix – Di ko rin alam at naguguluhan din ako kung saan binase ang salitang ito para itawag sa mga babae. Dahil ba sa Legs? O dahil karaniwan ng babae e putak ng putak?
  5. Ate / Kuya – tawag ng mga pa-cute sa taong hindi niya kilala hindi niya kaano-ano at kahit na mas bata pa sa kanya ito. Karaniwang tawag ni Inday kay Ser at Mam.
  6. Jun-Jun – Ito ang pinaka-karaniwang tawag ng mga bading sa lalake o sa kanyang batuta. Pano ko nalaman? Chismoso kasi ako kung ayaw mong maniwala saken magtanong ka sa tropa o kapitbahay mong bading kapag itinanggi nya sabunutan mo sya ng sampung beses sa kili-kili.
  7. Erpat / Ermat – Sabi ng lolo ko Jeproks ang nag pauso ng salitang ito, mula sa binaliktad na salitang “Mother / Father”

Napakarami pa kaso baka ‘pag sinulat kong lahat eh antukin ka na.

Napakahalaga ng mga Pangalan sa ating buhay. Isipin mo na kung may kapitbahay kang walang pangalan? Diba ang hirap? Pero alam mo bang pati ang mga pangalan ay nag-i-improve din? Halimbawa na lang sa Probinsya hindi ba’t  karaniwan sa kanilang pangalan ay nagtatapos sa “to” tulad ng “Berto, Lito, Renato, Pepito, Manaloto” o kaya sa “ng”  tulad ng “Pedring, Kepweng” Kapag may ganito sa pangalan mo malamang sa malamang probinsyano ang pamilya nyo (Probinsyano din po ako kaya’t wag sanang masamain ang sinabi ko) yan ang karaniwang pangalan noong panahon ng lolo ko simple pero Pinoy na Pinoy ang dating. Rest in Peace Romulo P. Basaliso.

Sa panahon ko naman may iba’t ibang estilo sa pagbibigay ng pangalan. Tulad naming magkapatid, binubuo ito ng dalawang salita Ernie Jay at Nico Rival yung iba ko namang kakilala nagsisimula ang pangalan nilang magkakapatid sa iisang letra. Alma, Arnold, Allan, Arlene.

Kung mapapansin mo malaki ang pinagbago ng pangalan noong panahon ng lolo ko sa panahon namin noon. Mula sa mga simpleng pangalan hanggang sa mga pang-international na pangalan. Sabi nila ang karaniwang pangalan ng matatanda noon ay base sa estado ng buhay. Sa panahon ko naman ay base sa sikat na artista, singer, writer at mga international celebrity at kung anong trip ng tatay at nanay mo.

Ngayong 2012 parang palala ng palala ang pangalan ng tao. Pahaba nang pahaba rin ito mula sa 4-5 letrang pangalan noon. Pahirap nang pahirap bigkasin at iba’t ibang klaseng kaartehan rin ang idinadagdag para maging kakaiba ang pangalan ng kanilang anak.  Nariyan ang sagad sa dami ng H sa pangalan gaya ng Harlhey Yhambot.  Yung iba naman ginagamit na rin ang mga X halimbawa Xierra Xavier, Xerex, Xylk. Hi nga pala sa pinakamamahal kong anak si Kyrie Elleizon bilisan mong magsulat kapag nag-aaral kana ah, baka ipapasa na yung papel nasusulat ka parin ng pangalan.

Ang pinaka-cool na pangalan para sakin ay Gorgonio Magalpok.

author:  ejaybasaliso

p.e./mj

About ejaybasaliso

bago lang po ako sa pagsusulat. pag tiyagaan ninyo na lang 🙂