Ano Mo Nga Ba Ako?

Relationship status: unknown (Photo credit: kuyakevin.blogspot)
Relationship status: unknown (Photo credit: kuyakevin.blogspot)
Relationship status: unknown (Photo credit: kuyakevin.blogspot)
Relationship status: unknown (Photo credit: kuyakevin.blogspot)

Pamilyar ba sa’yo ang tanong na ‘yan? Ibig sabihin lang napasok mo na ang relasyon na tinatawag na “Mutual Understanding” o sa iba ang tawag ay “Malabong Usapan”. “Relasyon” nga ba ang tawag sa ganyan? Ang labo ‘di ba? Dumarating tayo sa ganyan sitwasyon. Lalo na kung galing ka sa isang seryosong relasyon na kumbaga “stick-to-one” ang drama mo. Kaso nawala. Sinubukan mong makipag-M.U. na lang muna kasi mas maganda pa na walang commitment, wala kang aasahan na anuman, walang demands, etc.

Sa umpisa lahat ng relasyon masaya. Nandyan ‘yong lagi kayo magkasama, magkausap, updates ng kung anu-ano lang, chikahan, madalas magkahawak-kamay kahit titigan lang na walang usap, ayos na ‘yon – at kung anu-ano pa na puwedeng gawin ng dalawang taong masaya. Kulang na lang ang mga salitang “I love you” o “Mahal kita”.

Unti-unti may nagbago. Hindi na madalas magkasama, hindi na din madalas magkausap. Wala na. Matabang na ang dating matamis na pagsasama. Bakit? Nagsawa na agad? Dahil naibuhos na lahat sa umpisa pa lang o may ibang dahilan?

USAP. Kahit kailan usap lang talaga ang gamot o paraan sa anumang hidwaan o hindi pagkakaunawaan. Ngayon, nagsabi ka ng kung anong mga nagbago. Gusto mo i-klaro. Gusto mo magtanong, “Ano mo nga ba ako?” Kaso lang sa kung anumang dahilan imbes na maging maayos ang usapan, lalong lumabo.

Gusto mong intindihin. Gusto mo ayusin ang pagsasama ulit o ayusin ang hiwalayan kung wala na talaga. Ang problema parang naka-off na cellphone ang taong gusto mo kausapin..”cannot be reached”! Nag iisip? Sige pagbigyan ng espasyo. Hanggang kailan? Maghihintay ka na lang ba kung kailan sya PWEDE at may oras sa’yo? Para sa wakas maitanong mo na ang “Ano mo nga ba ako”? Sa ganyan sitwasyon dapat marunong din tayo mag obserba. Kung isinusuka na ba tau ng ka-M.U. natin o gusto pa din nya na ituloy. Lokohan, libangan, panandalian, pagmamahal na hindi lang nauukol o anuman tawag mo sa ganyan.

So dapat ka nga bang magtanong kung “Ano mo nga ba ako?” Hindi na. Tulad na din ‘yan ng pagpasok nyo pareho sa ganyan sitwasyon ng walang matinong usapan. Kumbaga kahit sa trabaho walang kontrata. Walang expiration date sa produkto. Know your boundaries daw. Pag masakit na, titigil ka na ba? “Di ba dapat walang rules sa LOVE? Ops! Nabanggit ko ba ang salitang “love”? Tama! Kahit sabihin mong wala kayong pormal na relasyon, alam mo sa sarili mo na hindi ka papasok sa sitwasyon na ‘yan kung wala kang puhunan na “love” or kahit “like”. Mahilig tayo makipagsapalaran eh. Laging choice mo pa rin kung san ka. So wagi ka man o hindi, walang regrets pa din kasi masaya ka. ‘Yan ang tao pag masaya nakakalimot sa tunay na mundo. (Taas-kilay) E ano naman?

Lahat ng relasyon masaya, pag igihan lang at hawakan ng mabuti. Keep the fire burning ‘ika nga. Mag unawaan. Para dumating man ang unos, pwede pa din pag usapan at maging maayos ang hiwalayan. Sayang naman ang emotional investments niyo kung mauuwi sa wala. Friends pa din kayo pagkatapos at pagtatawanan niyo na lang ang lahat pag nagkausap o ‘wag na lang. You’re choice.

Sigurado ako papasok ka pa din sa parehong sitwasyon isang araw. This time mas marunong ka na magpigil ng emosyon (which I doubt). Malay mo pagkatapos ng lahat maging seryoso sya sa’yo. Hindi natin alam kung ano ang ending ng bawat kabanata sa buhay kaya sige lang. Maikli lang ang buhay para sayangin sa hidwaan. Lagi lamang matuto ng leksyon.

Panawagan lamang sa mga nasa parehong sitwasyon, maging bukas ang puso at isipan sa isa’t isa. Anu’t ano man ang mangyari, mas magaan pa din sa dibdib. Wala kang dalahin sa paghakbang mo pasulong. Wag magsiraan o ano pa man na bagay. Ganyan kasi madalas pag bitter ‘di ba. Tuloy lang ang buhay. Wag mo na itanong kung alam mo naman ang sagot. Ganun lang ‘yon! Bottom line, masaya kayo pareho habang nasa loob ng tinatawag nyong RELASYON.

author: Enero

p.e./kf

1 Comment

  1. mga salitang mahirap isaboses…..ayaw mo masaktan sa maaaring kasagutan, pwede ring maging maligaya ka pagnagkataon ngunit ikaw ba ay makikipagsapalaran o ayaw mo maging kumplikado ang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.