Angelica Panganiban, ililibre ng unli rice meal ang Ateneo fans matapos maging champion ang Lady Eagles

Image from Zach Garcia and Arvin Lim via Facebook

Isa ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban sa kinikilalang avid fan ng Ateneo De Manila Univesity women’s volleyball team na Ateneo Lady Eagles.

Noong sabado sa Mall of Asia Arena, nakuha ng Lady Eagles ang kampiyonato mula sa UST Growling Tigresses sa Game 3 ng Womens Volleball Championship Finals.

Sa game 3 ay namataang nanood si Angelica na kasamang mag-cheer at sumigaw ng ibang fans ng Lady Eagles.

Hindi lang supporter ng Lady Eagles kundi naging malapit na rin na kaibigan ni Angelica ang iba sa mga players ng ADMU.

Bago pa man mag-umpisa ang game 3, nag-tweet si Angelica gamit ang kaniyang official Twitter account na ililibre daw niya ang mga kapuwa niya Ateneo fans kapag naging champion ang Lady Eagles.

Image from Twitter

Pagkatapos ng laban at nakuha nga ng ADMU ang championship, ay hindi naman nakalumitan ng kaniyang mga Twitter followers ang pangako ng Kapamilya actress.

Promises are not made to be broken nga ang aktres at pinanindigan niya ang kaniyang tweet.

Pano ba yan guys? Mang Inasal na ba?” Tweet ng aktres.

Si Angelica na rin ang nag-isip kung paano ang magiging sistema ng paglibre niya sa mga Ateneo fans na kasama niyang nag-cheer noong game 3.

Image from Twitter

Ganito na lang, ateneo side, tago niyo tickets niyo ha? 🙂 ayusin ko unli rice natin 🙂” tweet ulit ng aktres.

Unang nanalo ang UST noong game 1 at bumawi naman ang ADMU sa game 2. Kaya sobrang inaabangan ng maraming volleyball fans ang huling pagtatapatan ng dalawang team.

Nanalo ang ADMU ng straight 3 sets  laban sa UST, 25-17, 25-22, 25-22 sa Game 3 ng UAAP Season 81 Womens Volleyball Finals.