Angel-in-Disguise Part-32

11476_380093882102676_1985344173_nBumaba ako sa taxi na nagdala sa akin sa lugar na iyon. Tiningnan ko ang relo sa bisig ko, 8:40 na nang gabi. Naglakad pa ako ng ilang metro bago ko natanaw ang isang boutique, pero dadaanan ko pa muna ang carpark sa gilid niyon. Ilaw lamang sa poste ang nakatunghay doon kaya medyo madilim, tsk! ganito na ba talaga kahirap ang Pilipinas at kahit sa mga poste sa daan tinitipid nila?

Naalala ko na naman ang nabasa kong balita tungkol sa Pork barrel na ‘yan. Napailing na lang ako, kailan kaya matatapos ang problema ng Pilipinas?

Napakunot ang noo ko nang may maaninag ako sa dilim. Parang may tao sa gilid ng isang kotse. Lumapit pa ako para matiyak na hindi ako dinadaya ng paningin ko. Ayun nga, nakita ko ang isang lalaki na may kung anong ginagawa sa gilid ng kotse at huli na yata ang brain cells ko sa pag-process dahil nga ang ginagawa niya ay sinisira ang lock niyon.

Putik! Malala na talaga ang Pilipinas.

Ang unang pumasok sa isip ko ay sigawan siya.

“Hoy, anong ginagawa mo?”

Nagulat yata ito kaya napaupo sa semento. Pero nakabawi naman ito at tumayo at inundayan ako ng suntok. Pero s’yempre ako si Yuri Hashi kaya nailagan ko ang binigay niyang suntok. Pero hindi ko napaghandaan ang sumunod niyang ginawa, tinutok niya sa akin ang hawak na patalim at sinugod ako; buti na lang mabilis talaga ang reflexes ko kung hindi baka nabaon na iyon sa akin. Sinipa ko ang kamay niya at nabitawan naman niya ang hawak na patalim. Binigyan ko siya ng isang suntok sa mukha at napaaray sa sakit.

“Ano? Lalaban ka pa? Mga wala kayong magawa sa buhay n’yo no?”

Pero bigla na lang akong napaupo dahil may kung anong sumipa sa akin.

Paking-tape! May kasama pala ang gunggong. Pero tumakbo na sila at maya-maya lang ay nagsidatingan ang mga tao na alam ko makikiusyuso lamang sa nangyari.

“Are you okay?” tanong ng isang babaeng nakatayo sa harapan ko. Tiningnan ko siya at nag-aalalang mukha niya ang nakita ko.

“Yung kotse mo muntik nang makarnap” at walang anumang tumayo ako. Tumingin naman ito sa kotse na sa tabi ko.

“Pero delikado ang ginawa mo, Miss”.

“Mas delikado kung kayong lahat” tumingin ako sa mga taong nakiusyoso “nakatanga lang diyan habang nakakakita ng isang krimen at walang ginawa. Tsk!   Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh.”

Umalis na ako at naglakad patungo sa pupuntahan ko.

“Miss, teka…” tawag ng babae. Pero dire-diretso lang ako at pumasok sa isang boutique doon.

“Good evening, Ma’am, pero magko-close na po kami,” sabi ng isang babae.

Tiningnan ko lamang ito at walang sabi-sabing pumasok sa isang opisina na alam kong opisina dahil dati ko iyong opisina.

“Teka, Miss… “ tarantang sabi ng babae. Pabagsak kong sinarado ang pintuan at pabagsak ding umupo sa isang sopang nandoon. Inilibot ko ang paningin ko.. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang babae kanina sa car park.

“Hey, Miss, what are doing?” hindi na maipinta ang mukha nito.

“Relax, Elina!” pahinamad kong sabi. Nakita kong namilog naman ang mata nito. Agad lumapit sa akin at naupo sa tabi ko.

“aaaa..aaa…I…” she muttered. Ako lang kasi ang tumatawag na Elina sa kanya, kaya kapag Elina na ang tumawag sa kanya, ako na ‘yun.

“A? E? I? O? U?” natatawang sabi ko.

“Pero paano? Bakit? “ naguguluhang sabi niya. “Saka, bakit iba ang mukha mo?” hinawakan nito ang pisngi ko.

“Mahabang kwento,” sabi ko.

“So umpisahan mo na, pero teka..” tumayo ito at lumabas ng opisina at bumalik din agad. “Pinauwi ko na muna sila para walang istorbo”.

Agad itong lumapit sa akin at niyakap ako “Na-miss kita.”   Alam kong umiiyak na ito.

“OA!” palatak ko.

Kumalas ito “Anong OA? Ilang years kang nawala, ilang years ba? 3 years?”

“Oh, easy lang, lumalaki ang butas ng ilong mo eh. 3 years na ba? Matagal na pala,” at ngumisi ako.

Sinapak naman ako nito “At masaya ka pa? Hindi mo alam kung gaano kami nag-alala at paano kami nagluksa nung namatay ka.”

Niyakap ko ito “Ok, sorry na”. Hindi na maipinta ang mukha nito.

Kinuwento ko na sa kanya ang nangyari sa akin mula nung gabing dinukot ako. Nakinig lang siya.

“So anong plano mo ngayon?” sabi niya pagkatapos ng kuwento ko.

“Babawiin ko ang kapatid ko, at isisiwalat ko ang baho ni Eduard Go,” napakuyom ang kamao ko.

“Ok, I’ll be right here kung kailangan mo ako”.

“Thank you, bes” ngumiti ako at niyakap siya.

****

Ilang araw ko nang kinokontak si Eduard para makipag-business meeting sa kanya. Sisimulan ko ang plano ko sa pamamagitan ng pakikipaglapit sa kanya.

Kaya nga nandito na naman kami sa isang bar.

“As I’ve said…” pinutol ko ang sasabihin niya.

“Can we just stop talking about business just for now?” lumapit ako sa kinatatayuan niya. Parang napatanga pa siya at nangunot ang noo. Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib niya habang ang isang kamay ay hawak ang isang baso na may lamang tequila. Hindi naman masyadong maingay ang paligid dahil isa iyong private place na kakilala ni Eduard ang may-ari. Nakita kong napalunok siya sa ginawa ko, kinagat ko pa ang ibabang labi ko habang nakatingin sa kanya.

“Maybe we can go to a more private place?” hinawakan ko siya sa braso. Parang nagpatinaanod lang siya na hindi alam kung anong gagawin.

“Sure…” nag-aatubiling sabi niya.

Hindi ko naman talaga plano ito, pero gusto ko lang malaman ang reaksiyon niya. Gusto kong paglaruan ang isang Eduard Go. And so far, umaayon naman sa plano ang mga ginagawa ko.

“And where do you think you’re going?” may nagsalita nalang bigla sa likod namin nang paalis na kami. Pareho kaming napalingon at ang nangangalit na mukha ni Eliza ang nakita namin.

“It’s none of your business,” paarteng sabi ko at binigyan siya ng isang patuyang ngiti.

“Bitch! He’s…”

“Same to you,” hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Nakita ko na lang na umangat ang kamay nito papunta sa akin, pero naagapan ni Eduard.

“What are you doing here, Eliza? And you don’t have the right to call Miss Yuri a bitch!” buwelta ni Eduard. Tiningnan ni Eliza si Eduard ng masakit na tingin.

Pumalakpak naman ang tainga ko sa narinig, hahaha. Pinagtanggol ako ng gunggong na si Eduard. Binigyan ko ulit ng isang plastik na ngiti si Eliza. Alam ko mula pa noon na may lihim na relasyon ang dalawa kaya sisirain ko muna sila bago si Eduard.

“Let’s go, Yuri” saka hinila ako ni Eduard. Binigyan ko naman ng last look si Eliza.

Loser!

Hindi maipinta ang mukha nito, alam ko gagantihan ako nito, pero naghahanda na ako bago pa siya aatake. Ako yata si Yuri Hashi.

“Eduard!” sigaw ni Eliza.

Naramdaman ko na lamang na may sumabunot sa buhok ko.

“Bitch! bitch!” habang hila ako sa buhok na sabi ni Eliza.

Hindi ko naman napaghandaan ang ginawa niya kaya hindi ako naka-move. Akala ko kasi sa susunod pa ito gaganti kaya hindi ako handa ngayong araw na ‘to. Naramdaman ko na lang na hinila na ni Eduard si Eliza at nasa amin na ang atensiyon ng lahat.

“Are you okay, Ma’am?” tanong naman ng waiter sa akin.

Tumango lang ako. Nagssisigaw pa rin si Eliza, pero nailayo na nito ni Eduard, pumasok sila sa isang pinto at lumabas din bigla si Eduard.

Nakita kong parang nahiya ito sa akin “I’m sorry sa nangyari, Yuri”.

“Don’t worry, Eduard, it’s ok” ngumiti ako.

“But it’s not ok!” madiin na sabi nito “Hayaan mo, hinding-hindi na makalalapit si Eliza sa ’yo, sisiguraduhin ko ‘yan”. Nagtatagalog ito dahil sinabihan ko siyang half-Japanese ako at marunong ding magtagalog.

Ngumiti naman ako at tumango. ‘Hayaan mo rin, Eduard, makagaganti rin ako kay Eliza, maghintay ka lang’, bulong ko sa sarili ko. ‘Hay, nangangati na ang kamay ko sa gagawin kong paghihiganti kay Eliza, huwag kang mag-alala, Eliza, darating din tayo diyan’.

Sa kotse ni Eduard ay pahinamad akong naupo.

“Please bring me home instead, Eduard” kunwang sabi ko.

“Akala ko gusto mong pumunta sa isang private place?” nakita ko ang panghihinayang sa mga mata nito.

“Nawalan na ako ng gana eh”

“I’m sorry ulit sa ginawa ni Eliza” apologetic na sabi niya.

“Ano ba; it’s ok, naiintindihan ko siya” ngumiti ako dito.

“But don’t think na may relasyon kaming dalawa..”.

“Hindi ko iniisip ‘yan.”

Ngumiti siya at kinuha ang kamay ko at pinisil “Ang bait mo naman”.

Ngumiti rin ako pabalik dito ‘Tingnan lang natin, Eduard, tingnan lang natin kung masasabi mo pa ‘yan sa gagawin ko sa ’yo’.

Pinaandar na nito ang kotse at hinatid ako sa bahay.

Handa na ba kayo sa gagawin kong paghihiganti kay Eliza? Dahil ako, handang-handa na…

(Itutuloy…)

About WHITEANGEL

Isulat ang nagliliparang ideya sa loob ng munting utak ko. At gawing inspirasyon sa bawat taong nakakabasa nito. Isang Narsesa na nalihis ng landas at nagsulat dahil sa kaibigan niya ang lapis at papel. Nagsayaw sa loob ng isang titik at umindayog sa saliw ng isang tula. Isang magandang anghel na bumaba sa lupa upang ibahagi ang magandang balita(inshort BALIW lang po ako :)Beri much SINGLE pala at magiging old maid dahil babantayan ko pa ang mga baby angel na nagliliparan din sa loob ng sinusulat ko. 😀 http://wytniangel.blogspot.sg/