Ang Universal Bromance Rules sa Inuman

Image credit: Moymoy Palaboy Facebook page

“Bro shot tayo!” Kadalasang tawag ng demonyo pagkatapos ng nakaka-stress na trabaho, nakakapagod na basketball, nakate-tense na exam at nakamamatay na break-ups.

Ito ‘yung mga panahong gusto mo lang makawala sa realidad kahit sandali. Kalimutan ang lahat, lumipad, lumayo, oh, halleluuu, hallelujaah. Deym, napakanta tuloy ako ng very light.

Gaya ng sleepover at pagsa-shopping ng mga kababaihan, ang inuman session ang  itinuturing na ultimate bonding moment ng mga kalalakihan. At pag ganitong napapa-english ako, like you know, hindi puwedeng hindi ako magsulat ng mga makabuluhang bagay.

Since hindi naman ako busy, bakit hindi na lang tayo magkasundo na gawan ng rules tuwing may inuman session. Makatutulong ito para maiwasan ‘yung mga awkward moments at maitaas na rin ‘yung moral ng mga kalalakihan. So, lo and behold….

Ang Universal Bromance Rules sa Inuman:

1.)   Huwag magsuot ng damit na may plunging neckline lalo na kung kasama sa inuman ‘yung tatay mo. T-shirt at sando lang ang pupuwede.

2.)   ‘Wag mong lalagyan ng pulutan ‘yung platito ng katabi mo. Girlfriend lang niya ang may karapatang gumawa nun.

3.)   Bawal titigan ‘yung lips ng kainuman ng more than 10 seconds after niyang tumagay. Baka ‘di ka makapagpigil at bigla mo na lang siyang laplapin.

4.)  Hindi ka puwedeng mag-initiate diyan na maglaro kayo ng “Truth or Consequence” or yung dilaan mo ‘yung utong ko challenge. Hayop ka, ba’t mo naman maiisip ‘yun, ‘di ba?

5.)   Mga machong usapan lang dapat ‘yung magiging topic ninyo gaya ng lay up ni Lebron James at ‘yung bilis ng sipa ni Chuck Norris.

6.)    Bawal na bawal i-open up ‘yung pamamakla mo tuwing weekends.

7.)   Hindi mo puwedeng ibanat ‘yung “pag tumingin ka….akin ka” dahil masyadong cheesy.

Image credit: Moymoy Palaboy Facebook page

8.) Hindi kayo puwedeng mag-duet sa videoke na nakalapat ‘yung parehong pisngi n’yo lalo na kung ‘yung kakantahin n’yo ay ‘yung sharam sharam shararam ni Donna Cruz.

9.)   ‘Wag tanungin ‘yung katabi mo ng “Bro, okey ka lang?” nang naka-lip bite. Hindi ‘yan chicks na kailangang alalayan.

10.)  Okey lang magbigay ng false compliment gaya ng “ s**t gumaguwapo tayo ahh!” as long as tatawa ka after mong sabihin. Pero for safety reasons, ‘wag mo nang sabihin ‘yung “sh*t”. Baka kasi tigasan pa kayo pareho eh.

11.)  Tapik sa likod at hindi hagod sa likod ang pinaka-acceptable na gesture pag may susuka sa kainuman mo.

12.)  Hindi puweding magsabay sabay pag iihi. Mga babae lang ang gumagawa ng ganyang kababalaghan.

13.)  Buddy, dude, bro, tol at kupal lang ang  tawagan sa inuman session. Yes, hindi puwede ‘yung Bes at Mumshie.

14.)  Kahit gaano na kayo kalasing, hindi mo puwedeng sabihin ang “dude, oily na ‘yung face mo”. Tagay lang dapat ang tsini-check mo at hindi ‘yung mukha ng kainuman mo.

15.)  Kung laughtrip eh laughtrip lang. Walang hampasan sa balikat tapos may kasama pang pisil. Nanlalandi ka na nun eh.

16.)  Iwasan yung mga sounds na gaya ng Nadarang at Careless Whisper baka bigla kang matempt na mag-lap dance. Malaman pa nilang bacon ‘yung brip mo.

17.)  Pagtapos ng inuman, walang mag-iinitiate ng beso o group hug. Hindi ‘yan fellowship ui!

18.)  Kung ihahatid ka ng motor, humawak lamang sa balikat at hindi sa bewang. Tandaan mo na ‘yung bewang ay malapit lang sa  betlog.

19.)  Bawal ang sleepover lalo na kung dalawa lang kayo. Masyadong suggestive.

Image via Turbo Mouse Facebook page

20.)  Wala kang moral na responsibilidad para i-text ng “ goodnight po” ‘yung kaibigan mo pagkauwi mo ng bahay. Matulog ka kung gusto mo… wala kaming pakialam.

Kung hindi man ‘to makatulong para bumaba ang presyo ng sili sa ating bansa, patawad. Mataas lang talaga ang testosterone level ko ngayon. Hindi ko alam kung paano tatapusin ang sulat ko, pero ganito na lang. Bigla na lang mawawala……

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

 

About machopapadinkita

Isang malibog na Inhinyerong Sibil na nagmula pa sa kabundukan ng Roxas Palawan.Medyu mabait pero walang abs.Yan-yan ang palayaw ko but my friends call me "cima"..want some more?Okey sige,bisitahin nyu naman ako at magkuwentuhan tayo sa http://machopapadinkita.wordpress.com/