Ang Unang Pangingibang Bansa ng Ate Ko

Leaving on a Jet Plane ( Photo credit: mynursesnotes.blogspot.com)
Leaving on a Jet Plane ( Photo credit: mynursesnotes.blogspot.com)
Leaving on a Jet Plane ( Photo credit: mynursesnotes.blogspot.com)
Leaving on a Jet Plane ( Photo credit: mynursesnotes.blogspot.com)

Leaving on a Jet Plane ( Photo credit: mynursesnotes.blogspot.com)

July 30th   at seven in the evening, flight ng ate Jhing ko patungong Denmark. Sa araw na ‘to ay kabilang siya sa daan-daang Pilipino  na piniling lisanin ang Pinas pansamantala. Sa araw na ‘to ay kabilang na siya sa milyon-milyong bayani sa banyagang tahanan. Sa araw na ‘to ay magiging OFW na ang ate ko. Kabilang na siya sa mga Filipino dollar contributors na nag-aangat ng ating ekonomiya. At higit sa lahat, sa araw na ‘to nag-sisimula ang realidad ng mga pangarap niya para sa amin.

One day before her flight, tumawag siya kila mama ko, umiiyak siya. Nasa Masbate kasi ang mga magulang namin.

“Ano ka ba, wag kang umiyak” pag-amo ng mama ko sa kanya.

Pero si mama din naman eh iyak ng iyak.

“Kakausapin ko rin po si tatay, ma.”

Tapos ayon nag-iyakan na sila. Wew, ano ba yan.

Departure day.

Heto nasa airport na kami. Awkward moment. Walang gustong magsalita. Walang gustong umimik. One of the things that I hate the most is sending someone off to the airport.  Basta ayaw ko lang may nakikita na umaalis.

Tinatawag na ang flight number niya.

“Oy, ingat ka dun ha”, garalgal na sabi ko. Ayaw kung makita niya akong umiiyak.

Ngumiti lang siya. Hila-hila na ang luggage niya.

Habang tinitignan ko siya papalayo sabi ko sa sarili ko, pigilan mo luha mo, gago ka. Wag kang umiyak, makikita ka niya.

Lumingon siya sa’min.

Huminga ako ng malalim. Ngumiti sa kanya. Yung ngiti na nagsasabing “Go! Go lang ng go! Kaya mo yan, ingat ka”.

Tumalikod na ako. At doon na tumulo ang mga luha kong kanina pa gusto kumawala.  Tang*na, di ko napigalan eh. Ang sakit sakit pala. Pero kailangan mag-goodbye eh.

Sabi ko lang sa taas “Bro, konting favor naman, ingatan mo kapatid ko ha?”

Sa bawat pamilyang Pilipino ay meron talagang nagnanais na umalis ng bansa. Lahat naman tayo gustong umangat ang antas ng pamumuhay natin. Sino bang hindi. Due to our declining economy we resort to leave our home, to seek another home. Hindi ko masisi ang ate ko. Hindi ko masisi ang mga OFW for leaving this country, okay lang yun. Handa naman nating gawin lahat kapag pamilya na ang pinag-uusapan. Ako rin naman, lalayasan ko rin ang Pinas. Wala naman akong nakikitang problema dun. Hindi naman siguro kabawasan yun sa nationalismo ko. Ang mahalaga ay ang para sa kinabukasan ng pamilya ko, pero babalik ako. Babalik tayo, lahat ng anumang natutunan natin sa mga banyaga, ituturo natin sa iba. Tutulungan din natin sila.

“Kumusta ka na dyan?” chat ko kay ate.

Eto nagpapahinga na, tapos na ang trabaho ko, mababait mga boss ko dito.”

Buti naman, kinakausap mo naman ba sila?”

Minsan lang, haha! Nosebleed ako palagi sa kanila, ang hirap intindihin ng english nila. Tsaka grabe ang lamig dito, 7 na ng gabi pero may araw pa rin. Tsaka alam mo, mada-diet talaga ako dito kasi bread tsaka potato lang ang kinakain nila. Ang taray ng tiyan ng mga hinayupak na ‘to!”

Wagas talaga ‘tong kapatid ko. Nakangiti lang ako habang ka-chat siya.

“Hindi ka naman siguro mahihirapan mag-adjust dyan, marami din namang mga Pinoy dyan di’ba?”

“Oo meron din, magkikita nga kami ni insan dito.”

Ah oo sabi niya, tumutulo nga daw sipon mo habang kausap mo siya sa phone.”

 “LOL! Hindi naman.”

“Ingat ka lagi dyan, keep us updated. Tinatanong nga pala nila tita kung kumusta ka na daw? Kung malungkot ka dyan e lumabas ka, mag-liwaliw ka, o kaya chat mo lang ako. Kung sobrang lungkot mo na talaga, iiyak mo lang. Hinga ka lang ng malalim, pagkatapos ngumiti ka. Ganun lang. Alam ko mahirap, pero kayang-kaya mo yan, ikaw pa. Pray lang ha.”

Tapos hindi na siya nag-reply. Umiiyak yun sigurado. Pinaiyak ko kasi eh ‘no? Ahek.

Makakaya niya rin yun, ganun talaga siguro kapag first time. Lahat naman dumaan sa ganun, mas grabe pa nga siguro.

Ba’t kaya ganun ‘no? Simple lang naman ang plano natin. Kumita ng pera para may pampakain sa pamilya, pero bakit parang napakakumplikado? Ang daming sakripisyo. Hay, ewan. Mahirap kasi tayo ipinanganak eh. Crime daw yun sabi ng iba, sakin hindi. Ipinanganak kang mahirap at namatay na mahirap, that’s the crime. Kaya sa lahat ng mga OFW na kumayod ng husto maiangat lang ang pamilya nila, saludo po ako sa inyo. Bayani nga kayo.

 

 

 

 

 

About Reygel Perales

I believe everyone has the most stupid, craziest, funniest and greatest stories to share. Please spare your precious minute to listen mine. Do visit my blog hit the link http://steffanoperales.wordpress.com/ Please like my Facebook page https://www.facebook.com/reygelperales.wordpress.com