“Ang Tunay na Lalaki…Nanonood ng Teleserye ! :) “

teleseryeNauso nang nauso ang ibat-ibang teleserye sa telebisyon.

Naalala ko pa noon, ang mga unang naglabasan na teleserye na ilang taon mong susubaybayan bago matapos.Yun bang nagdalaga at nagbinata na yung mga anak ng kapitbahay namin eh hindi pa natatapos ang teleseryeng sinusubaybayan ng taong bayan.

Karamihan naman ng teleserye ng sinauna ay puro drama, ‘yung tamang iyakan lagi, pero sa ngayong henerasyon para lang mga gadgets na nag-upgrade. hehehehe

Iba’t-ibang klaseng istorya na ang naisulat at take note, madali nang natatapos! 🙂 Hindi mo na kailangang magbilang ng ilang taon at kainipan kung anong tatakbuhin ng storya..(hehehehe)

May mga tamang pantaserye na..comedy…mga nakakikilig moments na istorya na kahit na mga kalalakihan eh nahuhumaling na.

Isa sa aking obserbasyon sa ngayon ay bawat teleserye sa panahong ito ay nakahihiligan na maging ng mga kalalakihan…nakamamangha, ‘di ba? Na maging mga matitipunong lalaki na ‘di mo sukat akalain na susubaybay sa mga kinahihiligang palabas tulad ng teleseryeng tumatak na sa Masa…nakakikilig at kapana-panabik na istorya nina Maya at Sir Chief.. na hindi mo sukat akalain na nabihag nila maging ang panlasa ng mga ginoong ‘di mo akalaing manonood at magbibigay ng kanilang oras sa inaabangang serye.  ‘Yung tipong matatawa ka habang kasama mong nanonood ng ganung palabas ang isang lalaki at makikitang kinikilig din sa takbo ng eksena…hahahahaha

Hindi ba nakatutuwang pagmasdan na ang isang lalaki ay sumusubaybay sa isang nakakikilig na teleserye??

Para sa akin, isang patunay lamang na tinatangkilik nila at naa-appreciate nila ang ganda ng obra at takbo ng teleseryeng araw-araw nilang pinapanood. Marahil sa kadahilanang isa ito sa panlibang o pantanggal ng lungkot..stress o pagod na nadarama..Lalo pa’t nasa malayo kang lugar..OFW ika nga..teleserye ang aming libangan..na sa araw-araw na ginawa ng Diyos pagkagaling sa trabaho isa ito sa libangang aming pinagkakaabalahan.  Kesehodang lalaki ka..sapagkat ‘di lang naman kababaihan ang puwedeng tumangkilik at sumubaybay sa mga teleseryeng nakakikilig at nakalilibang.

Isa kang Tunay na Lalaki kung nanonood ka ng teleserye…

Bakit? sapagkat marunong kang tumangkilik ng isang obrang pinaghirapan upang ihain sa manonood, hindi lang libangan ngunit kapupulutan ng aral.  Isa kang Tunay na lalaking nanonood ng Teleserye dahil sa ganitong paraan ay hindi ka mahuhuli sa kung anong pinag-uusapan ng nakararami at kaya mong makipagsabayan ng kuwento..hindi ba?? 🙂

Isa kang Tunay na lalaki dahil hindi mo alintanang ikagulat man ng iba na kilala mo si Sir Chief, si Maya, Si Juan dela Cruz, si Margaux at Celine, si Champ, isama mo na din si Aurora, si Bogs na kailangan si Roxanne at Ruth at kung sino-sino pang bagong magiging tauhan… yan ang Tunay na Lalaki..! (thumbs up! ) Nanonood ng  Teleserye!…. 🙂

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.