Ang Trapeze at iba’t ibang uri ng pagle-Let go

The Author on her first jump.

tet flyingMahilig ako sa adventures, pero number one duwag naman ako sa mga lugar na matataas. Kaya talagang level up ang experience na ito for me. May mga moments na rin naman na lumipas na pinili kong harapin ang fear na yan. Nasubukan ko nang sumakay sa rollercoaster, sumabak sa wall climbing, umakyat ng bundok at tumayo sa cliff, pero ibang klase rin palang adventure ang tumalon at lumipad.  Classic. Momentous. Magical.

Hindi ko na papahabain pa ang intro, allow me to share with you what I learned about Letting go from my TRAPEZE experience.

1. HOLD ON PA MORE

Ito yung moment na lahat na ng tao sa paligid mo, sumisigaw ng LET GO, pero hindi mo maggawang bumitaw kahit pa nasasaktan ka na. Pero kung patuloy kang kakapit, patuloy ka lang din masasaktan. Ipinagkakait mo lang sa sarili mo ang pagkakataon na muling maging masaya. Trust the process. Pag sinabing Let Go, Let Go na. Bumitaw ka lang

2. ATAT-CHIBABE

Ito naman yung eksenang hindi pa panahon, wala pa sa timing, pero nag LET GO ka lang. Atat sa pagbabago. Ganun. Bumitaw ka lang kahit hindi ka pa handa.Bumitaw ka lang, pero in reality hindi pa buo ang loob mo. Ibig sabihin, makapag-let go ka man, HILAW. Makapag-let go ka man, babalik at balik ka pa rin sa STEP ONE. Hindi ka uusad, kasi in reality, HINDI KA PA HANDA.

3.The ANTAGONIST

Antagonist Flyer. Ito naman yung mga agresibo, kapag sinabing LET GO, wala silang nararamdamang takot. Sinabi mong LET GO diba? Susunod lang sila sa’yo pero humanda ka. Dahil kapag nag LET GO sila, uubusin na nila lahat ng lakas nila, at sa di sinasadyang pagkakataon, posibleng may masaktan sila. Kontrabida lang ang peg. Antagonist nga diba? Hindi naman nila ginustong makasakit. Nagkataon lang na gustong-gusto na nilang bumitaw. At kung nakaharang ka sa daan nila, Sorry na lang pero kailangan na kasi niyang makapag LET GO.

4.MR./MS. RIGHT

Ito ang paborito kong scenario. Dahil ito ang pinakaswabe sa lahat. Perfect timing. Perfect moment. Sa madaling salita, napapanahon. Ito yung tipong nagtiwala ka lang sa proseso.Naniwala ka lang na kaya mo kahit alam mong hindi madali ang mga susunod na eksena. Kaya kung gusto mong maging MR./ MS. RIGHT—Magtiwala ka sa sarili mong kakayahan at sa mga taong naniniwala sayo. Ang pagle-let go ay hindi madali. Pero kung maniniwala kang kaya mo, magiging magaan lang ang lahat.

Handa ka na bang lumipad? Bakit di mo subukan? Let go lang kasi.

 

 

About princess angelique

welcome to a not so secret world.