Ang Sorpesa ni André (Maikling Kwento)

surprise_delight1Kakaiba ang gabing ito. Nararamdaman ko.

Kahit pangkaraniwan na sa amin ang magtungo sa lugar na ito, pakiramdam ko’y may sorpresang mangyayari ngayon. Siguro tutuparin na ni André ang pangako niya sa akin na tuluyan na kaming magsasama. Matagal na niya kasing sinasabi sa akin na darating ang araw na magkakatuluyan kami, magsasama sa isang bubong at hihiwalayan na niya si Stephanie. At alam kong ito ang araw na ‘yon. Ngayon na ang katuparan ng kanyang mga ipinangako.

 Pangkaraniwang araw sa pangkaraniwang lugar. Biyernes. Temptation Motel.

Nandito kami ni André sa lugar kung saan muli naming pagsasaluhan ang isang masayang sandali at muling lilikha ng isang masarap na alaala.

Masayang sandali.

Dahil sa tuwing magkasama kami sa lugar na ito ay walang puwang ang anumang lungkot sa aming dalawa — ang pagbulong niya sa akin ng katagang Mahal Kita ay nagpapawi ng lahat ng problema ko sa buhay. Kahit minsan pinapaalalahanan ako ng aking konsiyensiya dahil sa komplikadong relasyon naming ito — hindi ko na ‘yon alintana. Wala na akong pakialam.

Ang mahalaga para sa buhay ko ngayon ay kung ano ang nagpapaligaya sa akin. At si André ang dahilan ng lahat ng ito. Hindi ko nais ang iba. Kahit sino pa sila.

Ewan ko ba kung bakit ang isang gaya kong kahit papaano’y may pinag-aralan naman ay ‘di maibukod ang tama sa mali at ang kasalanan sa hindi. Itinuring ko siyang malaking biyaya para sa buhay ko kahit alam kong taliwas ito sa kagustuhan ng Diyos. Kasalanan na kung kasalanan pero wala na akong pakialam. Siguro kahit paulit-ulit akong humingi ng tawad sa Kanya hindi niya pa ako mapapatawad sa ngayon. Hangga’t hinahayaan at patuloy kong inilulubog ang aking sarili sa putikan.

Gustuhin ko mang iwaksi ang nararamdaman ko para kay André — hindi ko magawa.

Gustuhin ko mang itama ang lahat ng mga mali kong ginawa — hindi pa ako handa. At kung totoong mayroong Langit para sa mga taong matitino at Impiyerno para sa mga gagang tulad ko, sa bigat ng kasalanan kong ito sigurado malalapnos hanggang 4th degree burn ang kaluluwa ko.

Kahit naisin kong magbago at magpakatino pero pa’no nga ba? Wala na. Hindi ko na alam ang kasagutan sa tanong na ‘yan. Lubog na ako sa kasalanan, lunod na ako sa labis na pagmamahal ko kay André. Iniisip ko pa lang na mawawala siya sa akin parang nalalagutan na ako ng hininga.

 Masarap na alaala.

Dahil ang bawat haplos ni André sa aking katawan ay may dalang kakaibang libog para sa akin. Ang sensasyong aking nararamdaman ay parang rumaragasang tubig sa ilog na hindi kayang pigilan ninuman. Ang kanyang bawat dampi ng halik ay tila hinahatid ako sa isang paraiso kung saan nais ko nang manatili ng habang-buhay. At ang bawat pakikipagniig ko sa kanya ay nagbigay depinisyon sa akin kung ano ang tunay na kahulugan ng langit. Siguro ito na rin ang dahilan kung bakit hindi na ako gaanong natatakot na mapunta sa impiyerno — dito pa lang kasi sa lupa narating ko na ang langit, at paulit-ulit pa.

Si André ang langit para sa akin, si André ang langit sa buhay ko. Na sa tuwing hinahagod niya ang aking kahubdan nagpapaaala ito sa akin na ganito kasarap ang mabuhay at dapat masulit ito ng bawat segundo. Na sa tuwing hinahalikan niya ang mga labi ko at malasahan ang sakdal sarap na kanyang laway ito ang nagsasabing may mas matamis pa kaysa sa asukal lang. Na sa tuwing nasa loob ko ang kanyang buong kahindigan ito ang kumukumpleto sa aking pagkababae at bumubuo ng mga pangarap kong muntikan nang malimot ng tadhana. Oo, naniniwala akong kami ang nakatadhana at naniniwala akong magiging kaming dalawa.

Hindi ‘yung ganito, hindi ‘yung patago.

Hindi ‘yung kailangang naka-schedule pa kung kailan namin pwedeng ilabas ang libog namin sa isa’t isa.

Hindi ‘yung kailangang nakadepende sa oras niya kung kailan kami muling magkikita.

Ilang ulit na nga kaming nagtungo rito?

Ilang ulit na nga naming pinagsaluhan ang masasayang alaalang ganito?

Ilang beses na nga naming tinikman ang masasarap na sandaling ito?

Ilang beses na nga naming narating ang motel na ito?

Ewan ko.

Hindi ko na mabilang. Hindi ko na alam.

Ang alam ko lang ay hindi siya pwedeng mawala sa akin. ‘Tangina! Si André ang lahat sa akin at hindi ako basta papayag na sa tutungo lang sa kawalan ang tagal ng paghihintay ko. Naging sandigan ko ang kanyang mga pangako at kahit may tsansang maiba ang ending ng aking gustong kwento hindi mapapasubalian na sanay na ako sa kanyang pagmamahal.

Si André na parang ginto sa kumpol ng mga pilak — namumukod tangi, kumikislap.

“Dingdong!”

 Binuksan ni André ang pinto ng kwarto upang magbigay daan sa bellboy na naghatid ng aming kakanin sa gabing ito. Pork chop, chopsuey, kanin at dalawang coke in can.

 “Mauna ka nang kumain, ‘ney. Shower muna ko.” paalam ko kay André habang piniprepare niya ang mga pagkain.

“Okay.” maiksi niyang sagot.

 Nawiweirdohan talaga ako sa kanya ngayon. Hindi naman siya ganyan dati.

Madaldal si André. Makwento at malambing. Pero ngayon, kanina ko pa napapansing wala siya halos kibo. Kundi ko pa siya kakausapin hindi pa siya magsasalita. “Siguro pagod lang siya,” sabi ko sa aking sarili at nagdiretso na ako sa shower.

Sa banyo pa lang, pagkasabik na ang nararamdaman ko kay André. Ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower ay iniisip kong kanyang mga kamay na humahaplos sa aking kaselanan. Siguro nagpapadagdag sa pagkasabik ko sa kanya ang katotohanang hindi kami maaring magkita ng araw-araw, na kailangang samantalahin ang pagkakataong kasama ko siya. Ah alam ko, pangsamantala lang ito dahil sinasandigan ko ang kanyang sinabi na hindi na mababalik pa ang pagmamahal niya kay Stephanie at nagsasama na lang sila dahil kay Kyle, ang two year old nilang anak.

Mula dulo ng aking kuko hanggang sa hibla ng aking buhok ay sinigurado kong malinis. Gusto ko kasing wala ni katiting na maipipintas sa akin si André, gusto ko kasing tumatak sa isip niya na malayo ang pagkakaiba ni Stephanie kay Hayley. Gusto kong malanghap niya kung gaano ako kabango mula paa hanggang ulo.

“Wow, may dala ka palang grapes! How sweet of you naman!” nakita ko kasi ang ubas na kasamang nakaprepare ng aming hapunan pagkalabas ko mula CR.

“Yes. Favorite mo ‘yan di ba? “ tugon ni André. “Banyo lang muna ko ha? ‘Pag gutom ka na, mauna ka nang kumain.”

“Okay. Sige, shower ka muna.”

 In-on ko ang radyo habang naghihintay kay André. Kailangan ng swabeng musika na magsiset ng mood sa pinapanabikan kong pakikipagsex sa kanya. Humiga at pumikit panandali sa puting kamang may maayos na pagkakatuping bedsheet habang nananabik sa paglabas ni André mula sa shower room.

Shit. Nakaidlip ako.

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Halos sampung minuto na pala ang lumipas.

“André, bakit nakabihis ka pa? Hindi ka nagshower? May problema ba?” Magkakasunod na tanong ko sa kanya.

 “Hayley…” tinawag niya muli ako sa aking pangalan. Hindi ito pangkaraniwan. Lalo akong kinabahan.

“Matagal ko nang gustong sabihin sa’yo ‘to, hindi lang ako magkaroon ng tamang pagkakataon. Sa tingin ko ito na ‘yung tamang oras para maitama natin ang lahat ng ating mga naging kamalian…”

Nabibingi ako sa aking naririnig. Tila hindi na rerehistro sa aking isip ang kanyang susunod na mga sasabihin. Putangina. Sabi ko na nga ba e. Kaya pala kanina pa ako kinakabahan, kaya pala may nararamdaman akong kakaiba. Heto na ba ‘yung inaasahan kong soprpesa? ‘Yung inaasahan kong tuluyan na kaming magsasama at iiwan na niya si Stephanie para sa akin ay taliwas sa kanyang mga sinasabi ngayon. Kabaliktaran sa nais kong ending ng aking kwento.

“May mga relasyong walang patutunguhan, walang kinabukasan at walang kahihinatnan. At hindi lingid sa’yo na ganun ang relasyon nating dalawa. Hindi nakakatulong sa atin bilang isang indibidwal kung itutuloy natin ang relasyong ito sa halip, nakakasakit pa tayo ng ibang tao. Si Stephanie, alam na niya ang lahat ng tungkol sa atin pero mas pinili niyang manahamik. Asawa ko siya. May anak kami, si Kyle. Hayley, alam kong masakit man para sa iyo… sige, sa ating dalawa, pero kailangan kong sabihin na dapat na nating tuldukan ang relasyong ito.

Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung nagbitaw ako ng pangakong alam kong hindi ko naman kayang panindigan. Ginawa ko lang ang mga ‘yon para na rin sa kapakanan mo. Kasi nang mga panahong ‘yun ayokong may gawin kang hindi maganda sa sarili mo. Ayokong mapahamak ka. Kung tatanungin mo ako kung minahal kita, siyempre, minahal kita. Alam mo naman ‘yun e, naramdaman mo naman ‘yun ‘di ba?”

“Putangina mo Andre, ginamit mo lang ako. Ginamit mo lang ang pera ko sa lahat ng mga pangangailangan mo. Ang tagal na natin, tatlong taon! Pero ngayon mo lang sinasabi sa akin ang lahat ng ‘yan. Gago, sa tingin mo kung mawawala ka sa akin magpapakamatay ako?! Ang totoo, kaya tayo nagtagal kasi kailangan mo ako, kailangan mo ng pera ko! Ngayon porke may matinong trabaho ka na dahil sa akin, saka mo sasabihin sa akin ‘yang kaletsehang ‘yan? ‘Tangina mo, matagal na tayong madumi! Ang pagkakaiba lang natin, ikaw nagkukunwaring malinis, ako, hindi pero pareho lang tayo!” iyan sana ang gusto kong sabihin kay André pero hindi ko kaya, mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat ng aking mga narinig.

Napahagulgol na lang akong napaupo sa kama.

“Wala na ba talagang ibang paraan?” pahikbi kong pagsusumamo sa kanya.

“Makakabuting itigil na natin ito. Pasensiya na pero mahal ko si Stephanie, mahal ko ang aking asawa. Sana mapatawad mo ako, alam ko makakahanap ka ng lalakeng mas higit pa sa akin ‘yung magmamahal ng buong-buo hindi ‘yung ganito, hindi ‘yung patago. Ginawa ko naman ang lahat pero hindi talaga nag-work. Iba pa rin talaga ang pagmamahal ng isang tunay na babae. Sorry talaga, Harry.”

“Fuck you ka Andre. Fuck you ka.”

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.