Ang Salapi

 barter-tradePaumanhin at isip bata lang ang ating mga opinyon at paglalahad na ito, hindi kagaya sa mga panlilito, este, paglilinaw o mga paliwanag ng mga tinaguriang mga ‘financial experts’ at mga ‘economist’ na gumagamit ng napakaraming ‘terminology’ na sinadyang mahirap intindihin lalo na ng pangkaraniwang kaisipan at pangkaraniwang manggagawa.

NGUNIT sa ating palagay mas maigi iyong mayroon din tayong sariling pag-aanalisa maski sa simple lang na pananaw–mahirap ang palagi tayo umaasa sa mga turo at mga ‘analysis’ ng mga experts’ kuno na sinadyang nakakalito at may halong pangguguyo.

 

…noong hindi pa nadidiskubre ang paggamit ng pera at salapi, ang kalakalan noon ay dinadaan sa ‘barter trade’ o palitan lang ng kalakal–kung may isang kaban ka na bigas gusto mo ang espada ko, palit lang tayo. Ganoon ang kalakaran noong wala pa ang sirkulasyon ng salapi. Kaya’t ang pag-unlad noong unang panahon ay sadyang mabagal.

Ngunit hangga ngayon matagal ng ginagamit ang salapi marami pa ding bansa kasama na dito ang Pilipinas ang hindi nakakaalam ng sikreto’t wastong paggamit at pagpapalago ng salapi.

Gawin natin halimbawa ang pagpagawa ng isang napakalaking gusali (building tower) kapag mayroon ka ‘unlimited source of funds’ hindi imposible na maisagawa ito. Makakahanap ka ng mga mahuhusay na architects, engineers, mga skilled workers, materials and equipments.

Ganoon din naman kung ang magiging hangad nating isagawa o proyekto ay ang pagkakaroon ng industriya sa ibat-ibang teknolohiya, mga makinarya (heavy industries, Hi-tech industries etc etc). Naisasagawa ito ng mga mauunlad na bansa dahil sa paggamit ng salapi(kapag may sapat o mina ng pondo nahahanap ang mga taong may mga pambihirang katangian kakayahan talento upang isagawa ito).

 

Ang salapi ay numero at ang numero ay walang katapusan (infinite). Bakit kailangan maging problema lalo na ng pamahalaan ang ‘budget’. Saan ba nanggaling at sino ang nag-iimprenta nito. Walang iba kundi ang gobyerno (national government). Nawawalan ng saysay o nagkakaroon ng tinatawag na ‘inflation’ kung sa kabila ng pag-iimprenta ng salapi ay walang nabubuo na mahahalagang produkto (i.e. sophisticated machineries, etc etc.), ang nagpapalakas sa salapi ay ang mga produkto na lubhang mamahalin(too expensive) kagaya ng mga hi-tech machineries, at pagkakaroon ng surplus’ sa mga ito. Walang pinag-iba sa indibiduwal na tao, kapag nagkaroon kana ng ‘surplus assets, doon ka pa lamang matatawag na mayaman.

Bakit kailangan magtipid sa badyet lalo na ang gobyerno na kung saan mayroon naman kapangyarihan at pagkukunan nito. Halimbawa ang ‘national budget’ ng gobyerno natin sa ngayon ay 10 trillion pesos…sa ating palagay kulang ito, pagtitipid ang tawag dito. Marahil kailangan maglaan ng ‘budget sa halagang 300 quadrillion pesos at maari pang dagdagan kung kinakailangan.
Hindi basta maisasagawa ang ‘nationwide industrialization’ kung walang ‘unlimited support fund’, kapag walang pondo talagang imposible ang makabuo ng mga pambihirang makinaryat kagamitan.

NGUNIT lubhang mahalaga ang pagkakaroon ng prinsipyot pilosopiya, ideyang totoong makaPilipino at kamalayan ng sambayanang Pilipino upang ang salapi ay hindi lang mawaldas at pagpistahan ng mga buwaya buwitre at mga mapagsamantala sa ating lipunan.

EEUU-PRODUCCION

KARAGDAGAN

Ang tinatawag na ‘organized capital’ ang sanhi kung bakit tinatamasa natin sa ngayon ang maraming mga ‘conveniences’ sa buhay, kapag may sapat(surplus)na salapi ka, lubhang napakadali (convenient) ng buhay–lahat ng mga pangangailangan–punta ka lang sa mga Supermarkets, Departments stores, Banks, Auto dealers, Hotels & Restaurants, Air travel to name only a few of the so called products of ‘ORGANIZED CAPITALISM’. Problema lang kung wala ka matatag na hanapbuhay o pinagkukunan ng sapat na salapi, hindi mo gaano matitikman o mararanasan ang mga ito–ito ang realidad ng buhay at realidad ng buhay Pinoy, dahil karamihan sa atin paminsan-minsan lang maranasan o matikman ang mga ‘conveniences’ na ito.
…itutuloy

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.