Ang Sabi ng Lola ko… True or False?

Image credit: Bitstrips / barbanegrabarbearia.com

Growing in the province was priceless, pero hindi ko naman sinasabi na hindi masaya lumaki sa metro. Pero kasi pag sa probinsya ka lumaki, for sure native ang experiences mo, kaya lumaki ka sa mga paniniwala ng lola mo a.k.a. PAMAHIIN.

Sa baryo namin (sa ULAT), nagkakaisa ang mga tao sa mga matatandang paniniwalang ito kaya naman sinusunod ko ito (noon).

Katulad ng bawal magwalis ng loob ng bahay pag gabi –lalabas daw ang grasya, kaya kahit super kalat sa bahay nung bata ako eh hindi nga sila nagwawalis at bawal ang magbigay ng pera sa gabi –mauubos agad? Kaya naman kahit anong iyak ko sa paghingi eh hindi nila ako bibigyan kahit piso. So they believe with those things kaya naniwala din ako. Pero as I grow old, hinanap ko na ang scientific explanation sa mga pamahiing ito to the point na nakikipagtalo na ko sa aking lola at nanay. (Makulit ako eh.. :D)

Recently, I got pregnant and gave birth at na-shocked ako sa mga old beliefs na na-experienced ko… Tinatanong ko naman sila kung bakit masama or mabuti ang mga pamahiin nila at most of the time ang sagot nila ay “Ah basta sabi ‘yun ng matatanda.. maniwala ka na lang..”.

Here are some of those and I noted them as “Ang sabi ng Lola ko… True or False? “

Para sa buntis:

– Masamang magsuot ng necklace or bracelet.
– Masamang magsampay ng towel sa braso or leeg.
(Kasi daw.. baka pumulupot sa leeg or kamay ng baby ang pusod.)
– Masama daw tumigil sa pinto ng bahay ng buntis kahit sino ka pa ha.
(Kasi daw… para mabilis manganak ang nanay.)
– Masamang kumain ng talong.
(kasi daw.. magiging kulay violet ang baby)
– Masama kumalong ang buntis sa asawa.
(Kasi daw.. ‘di ko alam sa lola ko… ? )
– Masama magpagupit..
(Kasi daw.. makakalbo ang baby)
– Masama pumunta sa patay .
(kasi daw.. baka mapahamak ang baby?)
– Dapat maglagay ng bawang sa bintana ng bahay ng buntis.
(anti-aswang)

Para sa bagong Panganak

– Masamang maligo agad. Sa normal delivery, you need to wait at least one week bago ka makapaligo. Tapos ang ipapaligo mo ‘yung tubig na pinakuluan na may iba’t-ibang dahon. Dapat din daw ang unang ligo mo ay kasabay ng unang ligo ng baby mo.
(Kasi daw… sabi ng matatanda! Ughh kahit sa US right after the delivery eh pinapaliguan ang mommy and baby.. at paano ko naman makakasabay maligo si Yuwan eh pinaliguan na siya sa NICU)
– Bawal kumain ng malamig o ng maasim pag nagbe-breastfeed.
(Kasi daw.. magiging iyakin ang baby kasi nadedede ng bata ‘yun lamig at asim.)
• Pero I believe na ang baby by nature ay iyakin dahil ‘yun lang ang kaya pa nilang gawin as baby, at paano nila yun madedede eh bago pa ‘yun maging breast milk eh mahabang process dadaanan niya sa body.. aw)
– Masama daw kumain ng sayote – kasi matutuyo ang gatas
– Masama daw kumain ng patani – kasi malamig sa tiyan.
– Masama daw kumain ng prutas o gulay na may dakta – kasi daw.. basta bawal!-sagot ng nanay ko… haha!
– Masama daw kumain ng buko, melon, pakwan at singkamas – kasi daw malamig sa tiyan.
– Dapat ang ipaligo maligamgam na tubig for one year. –eto puwede pa eh.. iwas binat kasi..
– Dapat ang ipaligo maligamgam na tubig na may asin – eto naman ang super.. kailangan talaga may asin?
– Hindi puwede umakyat ng hagdan for one year. –huwag naman po one year until well rested puwede pa.
– When breastfeeding, dapat may suot na kamison (sabi ni lola) or half body sleeveless – para hindi malamigan ang tiyan… puwede pero huwag na ‘yun kamison. Meron na ngayong breast feeding gown.
– Kailangan uminom ng mainit bago magpadede. – ‘di ko ginagawa ^_^
– Bawal magbreastfeed habang pagod. –kaya nagpapahinga muna ako.
– Bawal magbreastfeed pag gutom. – kaya kumakain muna ko.
– Bawal magpadede nang busog! – laftrip ako dito.. bawal na nga magpadede nang gutom bawal pa din pag busog?.. paano na ang baby niyan? Wahahahaha
– Pag natikman ng butiki ‘yung breast milk mo (example sa feeding bottle or sa pinagtuluan) titigil ang milk mo.. –dito ako nagkandasamid-samid when I heard this one. Kaya ‘yun mga mommy diyan na biglang natigilan ng breastmilk.. natikman ng butiki gatas n’yo!)

Para sa baby

– Bawal paliguan ng Tues, Friday aaand the day baby was born, unfortunately sabado ako nanganak, so Tuesday, Friday and Saturday ay bawal paliguan ang baby ko – para daw hindi sakitin.. Eto ‘yung pinakaayaw ko sa lahat kaya sa simula ginawa ko to pero after 3 months, everyday ko na pinaliliguan si baby.
– Lagi lalawayan ang baby pag binati – alam n’yo na ‘di na ako magco-comment pa.
– Pag nagulat ang baby, you must say ‘kokolagyo’ ba ‘yun? ‘Di ko sure ‘yung right term – para hindi umiyak after magulat.. hindi naman effective masyado.
– Pag nag-sneeze, dapat sabihan ng “bless you” ang baby –I’m doing this 😀
– By three weeks, may lalabas nang butlig sa face ng baby, may dapat ditong gawin pag lumabas na ‘yung butlig.. dala mo si baby tapos ituturo mo on 4 sides ng room 3x while saying ‘tuko”.. haha-hindi ko nagawa to pero sinabi sa akin..
– Yun first cut ng fingernails ng baby, dapat itago sa libro – para daw maging matalino, dapat ilagay sa mga singit ng bintana – para maging malakas yata.
– Bawal gupitan ang baby until one year – engks.. hindi ako naka-comply kasi may dumi sa ulo si yuwan from bedsheet’s thread eh.. Kaya nagugupitan siya..
– Bawal iharap sa salamin ang baby until one year kasi hindi magsasalita pag hinaharap sa salamin –lol.. eh si Yuwan nilalaro ko sa salamin, nagsasalita naman..
– Bawal matulog sa gitna ng mommy at daddy ang baby- why? Ah basta bawal! – sabi nila na hindi ko din nasunod 😀
– Bawal matulog sa tapat ng pinto ang baby – why? Ah basta bawal!
– 10am – 12 noon lang puwede paliguan ang baby. Hindi puwede sa hapon. 😀
– Lagi dapat may bigkis – hindi ko nasunod. Sabi nga ni Eune.. “sa States ba nagbibigkis ang baby.. hindi naman ah..”
– Dapat daw hindi pinipiga ang lampin para hindi “nadag-is” parang naire ang baby – pero si yuwan kahit walang lampin nadag-is pa rin. Lol
– Dapat ibaon ang diaper ng baby –para hindi sakitin ang tiyan. Alam talaga ng lola na pag hindi binaon ang diaper sasakit ang tiyan? Eh wala pa naman diaper noon ah.. ?
– Dapat hindi tulungan sa pagdapa ang baby – kasi daw pag tinulungan eh magiging tamad. Wahahaha siguro tinulungan ako ng nanay ko dumapa kaya tamad ako.. =p

Daily superstitions:

Aside sa nabanggit ko sa intro ko, eto pa mga kasabihan sa baryo na hanggang ngayon eh sinusunod pa rin:
– Pag may paro-paro, may namatay na dumadalaw. Scary ~_~
– Pag umalulong ang aso – may mamamatay. Mas scary ?
– Pag bilog ang buwan dun lumalabas ang mga aswang – pinakascary! wahahahaha.
– Pag may handa or padasal (death anniv) dapat may nakahain for the dead –pero kina Eune nawawala ‘to kasi kinakain nina Eunelon at kuya Benzon.. inagawan pa ang deads! Lol
– Pag tumiktik ang butiki kailangan mo magsabi ng “Pasok” – para daw pumasok ang grasya
– Pag may nalaglag na kutsara o tinidor, may dadating na bisita.
– Dapat odd numbers ang bilang ng steps ng hagdan.
– Bawal magputol ng kuko sa gabi.
– Bawal ilagay ang dalawang kamay sa ulo. – magpapasan daw kasi ng maraming problema.
– May makikita kang number sa itlog ng hinlalawa at mananalo ‘yun sa jueteng.
– Suwerte ka pag may extra fingers ka.

Wala na ko maisip. Feel free kung may gusto kayo idagdag. Hindi bawal —-  sabi ng lola ko. ^_^