Ang Pirma ni Pogi

Akala ko naman may maririnig akong bago mula sa mga pasabog ni Senador Pogi sa kaniyang privilege speech kahapon.

Pero muli na naman akong nabigo at nabagot katulad ng pagkayamot ko sa speech ng kumpare niyang si Sexy noong Setyembre ng nakaraang taon, ang hamburger speech na nauwi sa ampaw.

Sayang lang ang halos isang oras kong pag-aabang, tapos isang oras pang muli na pagtitiyagang panoorin ang pag-aakting at pagpapakyut niya sa plenaryo.

Nanood na lang sana ako ng Tom and Jerry, nautot pa sana ako sa katatawa.

Idagdag pa doon ang nasayang din na dalawang baso ng kape na gusto ko sanang isaboy sa mukha niya at apat na stick ng sigarilyong nais ko sanang isaksak para matigil na lang ang walang kuwentang pagngangawa niyang alam naman ng lahat ay gusto lang umani ng simpatiya sa madlang pipol, albeit, unsuccessfully.

Ano bang napulot n’yo mula sa litanya ni POGI?

‘Yung aniya’y wala siyang kasalanan at ang lahat ng mga akusasyon sa kaniya ay pawang paninira lamang para madiskaril ang ambisyon niyang maging presidente sa 2016?

Hindi nga, sir? Presidente talaga?

Sino naman kaya ang nagsiksik sa utak mo na mananalo ka?

Ah, yung sinabi mo nga pala na 16 million na bumoto sa iyo nung 2004 at yung 20 million na bumoto rin sa ‘yo nung 2010!

Sa tingin mo kaya wala silang radio at TV noong 2013 para hindi marinig ang pork barrel scandal?

Nagtrending kaya sa Twitter ang #napoles, ang #porkbarrel at ang #mandaramBong, maliban sa may mga Facebook page na naglitawan para pagpiyestahan kayong apat nina #Tanda, #Sexy, #Napoles at siyempre ikaw, #Pogi!

At ano nga ang sabi mo sa speech? – “Utang ko po sa kulang-kulang 16 milyon na bumoto sa akin noong 2004, at halos 20 milyon na bumoto sa akin noong 2010, na marinig ang aking sagot at putulin na ang kanilang paghihintay.

Kahit ‘wag mo nang bayaran ang utang mo, sir, at ang tunay na hinihintay namin talaga ay makita kayong mga kurakot na naghihimas ng kinakalawang na rehas sa nanlilimahid na kulungan.

‘Yun lang, kwits na tayo!

At ano din sabi mo?

Wala kang kinalaman dahil ang may pakana ng lahat ay si Benhur Luy na pumeke ng pirma mo, sabi mo, ‘di ba?

Sabi mo si Benhur at ang mga whistleblowers talaga ang nagkamal ng milyones na ginatas mula sa pork barrel, at hindi kayo ng bestfriend mong si Janet Napoles.

Kung totoo ‘yan, bakit wala man lamang yata silang mga mansiyon sa Makati ,Cavite o Wack Wack, o mamahaling condo sa New York?

Abogado nga nila, gobyerno pa ang gumagastos. Wala naman silang Lorna Kapunan  yata?

Ni wala nga silang mga bathtub sa bahay!

At saka tungkol sa sinasabi mong forged ang mga pirma mo, eh ano itong sulat mo raw sa COA noong July 8, 2011?

Eto raw ang sabi mo kay Assistant Commissioner Arcadio B Cuenco Jr. sa sulat: “After going through these documents and initial examination, it appears that the signatures and/or my initials on these documents are my signatures or that of my authorized representatives,”

At ang mga dokumentong tinukoy mo mismo dito ay mga sulat mo mismo sa Cabinet officials at mga heads ng implementing agencies na inendorso mo, mga liquidation at disbursement reports etc.

Ngayon itinatanggi mo na dahil nagkabukingan na?

At itinatanggi mo rin ang kaugnayan sa iyo ng iyong chief of staff na si Richard Cambe na umano’y siyang bagman mo ayon sa mga whistleblowers.

Pero may sulat ka rin noong Aug. 17, 2009 sa DBM na inaappoint mo si Cambe “to monitor and assist in the implementation thereof and act and sign on my behalf all other documents needed.”

Gusto ko na tuloy maniwala sa agimat mo dahil ikaw ang dapat humahaba ang ilong mula sa senado hanggang sa Cavite!

Tinuligsa mo rin sina PNoy, Roxas at Abad sa sinasabi mong pagmamaniobra nila sa impeachment trial ni Corona.

Maaaring tama ka nga diyan; na may kinalaman talaga sila, pero ang ipinagtataka ko lang, bakit ngayon ninyo lang inilabas ang isyu?

Kung naniniwala talaga kayo na mali ang kanilang ginawa at iniisip ninyo ang kapakanan ng bayan at hindi ng inyong mga sarili, sana ibinulgar niya na noon pa man bago matapos ang impeachment.

At higit sa lahat, sana hindi ninyo tinanggap ni Sexy ang P50 million na umano’y suhol, Letse!

Tapos ngayon, when the shit hit the fan, magkakantahan kayo ng mga sintunadong awit.

Ano pa ang kredibildad ninyo ngayon para maniwala kami sa sinasabi ninyo?

Eh ni hindi nga ninyo maipaliwanag nang maayos kung saang bulsa ba napunta ang milyones na pork barrel na iyan! Ngayon, aasahan n’yong mauuto n’yo pa kami sa mga best actor drama ninyo!

Sagutin ninyo ang tunay na isyu, anyare sa pork barrel n’yo?

At ang taumbayan at ang kasaysayan na rin ang bahalang humusga sa pagkukulang ng administrasyong PNoy, kung totoo man ang mga akusasyon ninyo!

Pero ngayon, naniwala ako sa sinabi ni Margie Holmes na ang speech ni Jinggoy, katulad ng sa iyo, ay parang ihi na nagmumula sa isang supot na T*T*!

Na dahil sa kawalan ng kakayahang magpuntirya sa tamang direksiyon, nagkalat na lang sa sahig para magsaboy ng dumi sa iba!

Tama nga siya, mga ANAK KAYO NG TETENG!

About necessary_evil

The fact that no one understands you does not make you an artist! You can visit my website: http://retroandsoul.wordpress.com/ and my Facebook page Retro and Soul : https://www.facebook.com/retroandsoul?ref=hl