Ang Pambihirang Bubblegum

Naaalala niyo pa ba ang bubble gum na Bazooka?
yung kulay pink ang laman at blue and white ang wrapper.
at pagbukas niyo ay may matatagpuang libreng komiks.

Ito ang rason kung bakit ako bumibili ng bazooka na bubblegum, umuutang ako noon dahil wala naman akong pera pambili nito at natatakot humingi sa aking magulang.

Ngunit, subalit, datapwat… sa dami dami ng binibili kong bazooka, ay pare-pareho ang kwento ng komiks nito. Pambihirang buhay nga naman. Nagsusuka na ako sa lasa ng bazooka bubblegum ngunit di ako makausad sa kwento ng komiks nila.

Kilala niyo ba si Tarzan?

Hindi lang siya taong gubat ngayon! Bubble gum narin siya.

Maaaring iniisip niyo na wala naman Tarzan na bubblegum.

Ngunit subalit datapwat… Meron. Merong bubblegum na tarzan!

Ito’y nakabalot sa silver na may halong ibang kulay na wrapper. Badtrrip ako dito, dahil di lang piso psio ang halaga niya. may butal pa na .50 sentimos. Pambihirang mga tindera yan.
Hindi ko gusto bumili nito sapagkat mahal, di dahil di siya kasing sarap ng bazooka.
dahil hirap na hirap akong mag-add kung magkano ang babayaran ko.

“manang, magkano po tong tarzan?”
“1.50”
….1.50 x 5= ….ilang segundo… “manang, bazooka nalang po! eto ho,5 piso.”

hindi kinaya ng utak ko ang math sa bubblegum.

YAKEE…

isa pa tong pang asar na bubblegum.

maasim daw. oo maasim.

mga pilipino talaga… may nakatabi ako noon sa isang tindahan. Siya’y bumibili ng Yakee.

“ate, Yakee nga ho.”
ibibigay ng manang ang isang garapon ng yakee at hahayaang pumili ang babae.

napansin kong inaabot niya sa ilalaim ng garapon ang kulay red. at iniiwasan lahat ng kulay yellow.
tinanong siya ng kasama niya kung bakit pilit niyang kinukuha ang kulay red at binabalik ang yellow at ang sabi niya..

“ayoko kasi ng maasim. e maasim ang yang yellow!”

nasamid ako sa paginom ko ng aking coke. PAMBIHIRA! bibili bili ka ng yakee tapos ayaw mo ng maasim?
mga pilipino nga naman talaga… ang kulit!

Marami pang klase ng mumurahing bubblegum ang mga pinoy at karamihan dito, sasabihin, “assorted flavors”. Flavors ng prutas. Bili naman ako…. mauubos ko na at napansin ko..

pare-pareho lang ang lasa ng tinatawag nilang assorted flavors…lasang Asukal.

PAMBIHIRA!
GALING TALAGA! GAWANG PINOY =))

About denisetabberrah