Ang Paglaya (Unang Yugto)

(Photo Credit: Thesleuthjournal)
(Photo Credit:  Thesleuthjournal)
(Photo Credit: Thesleuthjournal)

Matagal nang gusto ni Alexa na makamit ang hinahangad niya sa buhay ngunit parang mailap ito sa kanya. Gabi-gabi ay alipin siya ng matinding kalungkutan. Maraming katanungan ang nasa isip niya, ngunit sadyang hindi niya makamit ang tamang kasagutan dahil ayaw niyang tanggapin ito.

“Kailan ba ako magiging masaya?” madalas na tanong niya sa kanyang pag-iisa.

Sa estado niya sa buhay masasabing nasa kanya na ang lahat, maganda at stable na trabaho, mataas ang posisyon at ginagalang.  Kung sa pisikal naman,mauwerte din siya at biniyayaan ng tangkad at kagandahan at matalino . Ano pa nga ba ang dapat hilingin ng tulad niya..

Ang tingin sa kanya ng marami ay masaya siya. ‘Di nila alam sa likod ng tawa nya ay ang mapait na kahapong naging hawla niya.

Minsan sa kanyang buhay ay nagmahal siya. Binigay niya lahat para kay Adrian. Naging mundo niya ito. Umikot ang kanyang buhay sa nag iisang taong minahal niya. Ngunit ang taong nagpasaya sa kanya ay siyang nagbigay ng matinding kalungkutan sa kanya.

Madalas syang umiyak. Kadalasan binababa niya ang pagkatao niya at siya pa ang nagmamakaawa dito. Madalas din siyang humabol kay Adrian. Ngunit binabalewala siya nito.

Paminsan minsan tinetext niya ito at kadalasan napapahiya lang siya sa sarili niya dahil wala man lang sagot galing dito.

Hanggang dumating ang isang araw sa buhay niya na parang nagising siya mula sa matagal na pagkakahimbing.

“Bakit nga ba ako ganito?” tanong niya.
“Siya lang ba ang tao sa mundo?”

Pinagnilayan niya ang lahat ng ginawa niya sa kanyang sarili hanggang isang araw tinext niya si Adrian.

Please naman magkita tayo..

Walang reply..matagal siyang naghintay at gaya ng nakasanayan..maghintay at maghintay at maghintay..ngunit wala pa rin.

Huminga nang malalim si Alexa..inalis ang sim card sa cp niya at ito ay kanyang sinira..

Mula ngayon isa ka na lang sa nakalipas..palalayain ko na ang aking sarili sa iyong mapait na alaala..paalam, Adrian.Nawa’y lumigaya ka..

At tumayo siya, tinapon ang sim card..
Tanda ng pagputol sa ugnayang ‘di pinahalagahan at pagharap sa makabagong umagang darating. Handa na ako..Bulong niya sa sarili niya.

Gising na nga kaya talaga si Alexa sa kahibangan niya?

Sana nga… Sana nga…

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.