Ang Paglaya (Huling Yugto)

(Photo Credit: Thesleuthjournal)
(Photo Credit:  Thesleuthjournal)
(Photo Credit: Thesleuthjournal)

Mahabang buntong-hininga ang binitiwan ni Alexa bago sya pumasok sa opisina ng kanyang boss. Dala dala n’ya ang resignation letter. Masakit para sa kanya ang pag-alis sa trabaho ngunit hindi n’ya kaya ang makita ang mga lugar kung saan sila madalas magkita ni Adrian.

Nanghinayang ang kanyang boss ngunit wala din itong nagawa. Buo na ang desisyon n’ya. Nung araw na ‘yon nag impake si Alexa at umuwi sa kanilang probinsya. Tinuon n’ya ang pansin sa pagpipinta at pagsusulat. Ngunit patuloy pa rin ang pagbalik ng mga alaala.

Minsan habang nagchachat s’ya sa isang chatroom nakilala n’ya si Eric. Isang arkitekto na kasalukuyang nasa ibang bansa. Isa rin itong photographer at libangan nito ang magphotoshoot. Magaling din itong mag-gitara. Naging madalas silang magkausap madalas n’ya din banggitin si Adrian kay Eric. Halos araw -araw madalas n’yang ikwento kung gaano n’ya kamahal si Adrian. Nakikinig lamang sa kanya si Eric.

Hanggang isang araw sinabihan s’ya ni Eric na kung gusto n’ya makalaya sa alaala huwag na nilang pag-usapan si Adrian. Sinabihan din s’ya nito na wag ng makikinig ng lovesongs dahil mas nakakadepress ‘yun. Sumama ang loob n’ya kay Eric at di n’ya ito kinausap. Ngunit patuloy si Eric sa pagsuyo.

Hanggang sa unti unti, ‘yung akala n’ya na hindi n’ya kakayaning makalimutan at matanggap ay wala na talagang puwang sa puso n’ya. Naramdaman n’ya ang pagpapahalaga ni Eric sa kanya. Di s’ya nito hinayaang ma-insecure sa buhay.

At paglipas ng dalawang taon. Umuwi si Eric, inalay kay Alexa ang sorpresang hindi nya pwedeng pakawalan. Ang magpakasal. Kasabay ng pag-alay ng bahay na sadyang dinisenyo ni Eric para sa kanya lang.

At sa pag iisa ni Alexa hinanap n’ya sa puso n’ya ang dating pakiramdam para kay Adrian. wala na ito…

Nakalaya na nga s’ya.

Minahal s’ya ni Eric at dahil dito natutunan n’ya ding suklian ito ng pagmamahal.

end

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.