March 18, 1996: Remembering the OZONE DISCO TRAGEDY

 Remembering the worst nightclub fire in the Philippines.

Noong minsang nakipagkuwentuhan ako kay pareng Wiki para sa entry na ito ay may nai-tsismis siya tungkol sa kanyang pinsang si WikiPilipinas. Pinagkakalat kasi ng kamag-anak niya ang rumors na ang kantang “Disconnection Notice” ng Pupil ay inspired ng OZONE DISCO TRAGEDY. Siyempre hindi ako kaagad sumang-ayon dahil baka matulad ako sa kalokohan ni Tito Sotto noong tinira niya ang “Alapaap” ng Eraserheads sa paniniwalang tungkol daw ito sa drugs.

Kaya dali-dali kong pinatugtog sa aking computer ang single at medyo kinilabutan ako sa aking narinig dahil ganito ang lyrics: “There is no escaping, there is no replacing all that you hold…..Turn off the lights now, turn off the lights now….Dressed so swell, they’re dancing at the gates of hell ’cause there’s nowhere to go…“. Kapag pinapakinggan ko dati ito ay naiisip ko ang mga times na pinapadalahan kami ng notice ng Meralco na nagsasabing mapuputulan na kami bukas ng kuryente. Ngayong natutukan ko na ang lyrics habang nakikinig sa nakakahingal na tunog ng kanta ay parang gusto kong maniwala na may kaugnayan nga ito sa isa sa pinakamalaking trahedya na naganap sa disco.

Una kong narining sa mga “crosslines” (Ito ‘yung mga obsolete na six-digit telephone numbers ng PLDT na pinamumugaran ng mga taong walang magawa sa buhay. Para siyang sinaunang conference call na mala-chatroom ang dating.) ang balitang nangyari sa Ozone. May mga nagkukuwentuhan kasi na mga admins ng room tungkol sa isang crossliner na namatay daw sa disco. After ilang hours ay dumami ng dumami ang mga nagkuwento na may kaibigan, klasmeyts, at kamag-anak silang biktima rin ng tragedy. Noong una ay ‘di ko masyadong pinansin ang kuwentuhan dahil mas abala kami ng utol kong si Pot na makahanap ng ka-phone pal sa crossline. Noong pinakita na ang mga flash reports sa teevee ay nanlumo ako sa mga ipinakitang bangkay na natusta sa loob ng establishment na nasunog.

Ang Ozone Disco na operated ng Westwood Entertainment Company, Inc. ay isa sa mga pinakasikat na gimikan ng aming panahon. Nasa highschool ako (1991) nang palitan nito ang dating Birdland na namayagpag naman noong dekada otsenta. Located siya sa tapat ng rotonda ng Timog Avenue kung saan nakatayo ang monumento ng Boy Scouts of the Philippines Memorial. Hindi ako kailanman nakapunta dito dahil isa akong rocker noong kasikatan nito. Mas madalas kasi akong tumambay sa Club Dredd, Yosh Cafe, at iba pang underground places kung saaan kami tumutugtog ng banda kong Demo From Mars. Kahit na isa akong metal sa puso, sa salita, at sa gawa ay may mga mangilan-ngilan pa rin akong konyotic friends from Uste at St. John’s na nagungulit na dayuhin ang dance floor nito. Kahit sabihan nila akong “KJ” ay hindi ako sumasama dahil hindi ako marunong humataw tulad ng UMD.

Ayon sa mga reports, nagsimula ang sunog bandang 12:30 A.M. ng March 18, 1996 sa booth ng DJ o discjockey ng disco-han. Sa kuwento ng mga survivors, akala daw nila ay kasama sa pakulo ang mala-firecracker na nakita nila na sinundan ng usok na akala naman nila ay galing sa fog machine. Nalaman nalang ng mga nandoon na hindi ito gimik nang may sumigaw ng “Sunog!“. Mabilis na nilamon ng apoy ang lugar dahil sa acoustic foam installation at mga decorative na kartong lagayan ng itlog na ginamit sa kisame. Ilang saglit lang ay bumagsak naman ang mga light fixtures ng ceiling at ang buong mezzanine na naging dahilan upang mag-panic at magkaroon ng stampede ang mga nasa loob ng disco. Tumagal ang sunog ng apat na oras na kumitil sa buhay ng 160 katao at nag-iwan din ng mahigit 300 na kataong sugatan.

CLICK HERE TO CONTINUE READING “PANIC AT THE DISCO”

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 34-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.