Ang Mundo ng Community Health Nursing

(Credits: lgucabugao.blogspot.com)
(Credits: lgucabugao.blogspot.com)
(Credits: lgucabugao.blogspot.com)

Sa sobrang toxic ng buhay ng nurse, hindi na siguro maiiwasan na maging libangan ng mga nurse na gawing magaan ang pang-araw-araw nilang duty. Mahirap siguro talagang mabuhay na napaliligiran ka ng mga tao at pangyayari na sobrang seryoso na, kaya mas makatutulong kung mas pagagaanin mo na lang yun sa sarili mong paraan.

Mula sa panahon na nakita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin na nakasuot ng puti, mula pangtaas, pangbaba, pangloob, at pati sapatos ay puti; napakaraming bagay na ko na sinubukang tandaan at balikan. Mga bagay na madalas pa ring magpangiti sa akin, mga bagay na madalas pag-usapan upang tumulong na magugol ang ilang oras habang nagduduty.

Mula duty sa community hanggang sa hospital duty nun student ako, sa special area at staffing, o hanggang sa maging clinical instructor na ko, nandun pa din ang mga alaala na lagi ng nagpapasaya sa akin. Ibabahagi ko ang ilan sa kanila… ^_^

Background:
Dahil sa anak kami ng Diyos, pinalad kaming mapunta sa isang lugar sa Nueva Ecija na masasabi talagang “komunidad” sa depinisyon ng CHN… Baryo.. Rural… Barangay… O kung ano pa mang gustong itawag sa kanya, isang parte sa San Jose City, na literal na malapit sa bundok… Mula Cabanatuan City ay gumugugol kami ng isa at kalahati hanggang dalawang oras depende sa traffic at topak ng mga nakasakay sa bus…

The best experience dito ang habulin ng aso habang nag-iikot para magsurvey. The best weapon ang payong bilang shield at armor sa mga matatalas na pangil ng aso, pero ok din ang ginawa ng isa kong kaklase, sinabuyan nya ng nagyeyelong tubig yung aso, ayun daig pa ang nabanlian ng kumukulong tubig, umiiyak na tumakbo pauwi yung aso na tila humingi ng saklolo.

Maya-maya, namataan namin na ang dating isa ay naging lima, may resbak sila, lahat pasugod sa amin, hanep na aso nagtawag yata ng barkada. Maluluray ang payong ng kaklase ko dahil hindi naman yun gawa sa metallic alloy at wala na rin kaming superhypothermic megahypotonic dihydrogen oxide (malamig na tubig ^_^, hehehe pinaganda lang) na binasbasan ng simbahan para sa mga asong sinasapian. No choice.. ^_^… Takbo…

Mali pala ko ng sabihin kong the best experience ang habulin ng aso, kasi ng minsang puntahan namin sa pinakadulong parte ng barangay yung isang pamilya na kasama sa amin, eh literal naming narating yung isang bundok.

Paano namin nalaman na bundok na yun?

Simple, kapag lumingon ka sa kasunod mong kaklase sa likuran mo, hindi mukha makikita mo, kundi bunbunan. Pagod pero masaya at nakumpleto ang dapat makumpleto, pababa na kami ng di naman inaasahan ang sumalubong sa amin. Ahas. Oo, cobra pa yata, patawid sa kalsada. Nakatulala kaming anim ng makita namin yun, ni-walang nakasigaw, huminto pa saglit yung ahas para tingnan kami, tapos nun nakita siguro o naamoy na pawang malnourished na tao ang nasa harapan nya at matitinik lang siya sa mga buto namin kapag kinain nya kami, eh di na lang nya kami kinain… (hehehe… Deadma yung ahas… Choosy…) Pagdaan nya, takbo ulit…. ^_^

Lagi kaming may feeding.  Minsan nga akala yata ng mga bata eh “piding” (feeding) na ang pangalan namin. Bumababa pa lang ng bus eh “piding! piding! piding!” yan na ang maririnig mo. Every week o every other week yata kami may feeding, nun una nag-iisip pa kami ng variety ng puwedeng ipakain.

> Nung una mataas pa ang expectations namin, spaghetti (magcompute pa lang ng ingredients at magagastos inalis na namin siya sa listahan).

> May nagsuggest ng carbonara at lasagna (ng i-compute namin magagastos, mahal din, pinilit pamurahin.  Nung medyo puwede-puwede na sa budget, nalaman namin na wala palang may kaya magluto sa amin nun sinasabi nila na yun.. Next!!!!).

> Pancit (may variety mula bihon, canton, malabon, sotanghon etc). Malaki disadvantage pag pancit, madami rekado. Bukod sa gulay eh bibili pa ng karne. Mahirap pa ipakain sa bata dahil lagi kang magtatanggal ng nakadikit na pancit sa pisngi ng bata (tanong? Baket dumikit ang pancit sa pisngi ng bata? hmmmmm sikreto.. walang clue… isipin mo na lang ang natuyong paste, madikit… malagkit… ^_^…)

> Sumunod na naisuggest eh champorado. Paborito yata ito ng isa ko kaklase kaya todo suggest siya, todo build – up siya sa idea. Sabi ko, sabagay, ang champorado ay puno ng carbohydrates, fats, vitamins at minerals (dahil sa Milo), carbohydrates, carbohydrates, carbohydrates at nasabi ko bang carbohydrates? ^_^ Higit sa lahat, pasok sa budget. Puwede na. Pero may nagsabi na hindi lahat eh gusto ng champorado, totoo. Sa kaso ko, eh kailanman di ko nagustuhan yun. Tingin ko kasi sa champorado eh parang pagkain na nirecycle. (kung maganda imagination mo maiintindihan mo sinabi ko… hehehe ^_^)..

> Kaya lugaw ang sumunod na naging ideya. Ok na yun, bibili na lang kami ng tig-iisang itlog ng manok. Tapos sabi nung isang kagrupo, mahal daw yun itlog ng manok. Baka kako mas mura itlog ng bibe o itik (ewan ko bakit ko naisuggest ‘to, na pagkakaalam ko eh mas mahal yata), mas mahal daw yun (tama nga ako…? ^_^…) Hmmmm sige kako itlog ng pugo na lang. (pag may kumontra pa eh itlog ng butiki na lang isahog, pede din itlog ng ipis kung may magrereklamo pa… ^_^).

> Pero ang pinaka-“the best” ideya sa lahat eh sopas… (palakpakan naman dyan… ^_^…) Naisuggest ‘to ng isang kaklase ko, dahil ang sabi nya kahit na 10 pirasong macaroni na nakalutang sa pinaghalong tubig, ½ cup gatas at limang pisong margarine eh tatawaging ng sopas. Na sinang-ayunan ko naman agad, sabi ko madaling gawan ng paraan pag medyo kinukulang na yung inihanda namen para sa mga bata. Dagdagan lang ng tubig at asin, ok na. Sopas pa din yun kahit kalahati na ng tubig sa Pantabangan Dam ang isinabaw… ^_^…

Di makukumpleto ang CHN kung walang… (tan-ta-na-nan.. ta-nan…) SURVEY… ^_^ Minsan nakakatuwang isipin na pinaghihirapan mong ikitun ang buong barangay para itanong kung ilan sa kanila ang nagtatapon ng basura sa bakanteng lote (halata naman na lahat eh ginagawa yun… ^_^), ilan ang may CR, o kung may CR anong klaseng CR ba? Pit privy, water-sealed, open dumping (hehehe ewan ko lang kung dito ba yung category na to) o iba pang paraan. Pangalan ng ama, ina, anak, apo, idamay na ang pinsan, tito, tita, lolo, lola, ninuno. Walang halong biro, minsan eh inabot kami ng tanghalian mainterview lang yung isang bahay na 40 yata ang nakatira, 5 pamilya sa isang bahay na medyo may kaluwagan naman. Tapos, babalik-balikan mo pa yun sa mga susunod na araw hanggang hindi nakukumpleto yung data mo. Lakad dito, lakad doon, takbo dito (hinabol ng aso), takbo doon (hinabol ng sawa). Ang masakit, isang araw o sa mismong araw ng evaluation ninyo, mayroon at mayroong magsasabi na may record ang barangay o ang BHW at sasabihin, mali ang naisurvey mo… Linsiyak… Dapat pala ung survey na lang ng barangay ang ginamit mo… ^_^…

Isa pang nakakatuwa eh ang paggawa ng manuscript para sa evaluation ng barangay. Hirap na hirap magsurvey ang mga students, hirap na hirap din sila magtally. Sa dulo, dadayain ang tally para sumakto sa record ng barangay. Moral Lesson: wag masyadong seryoso sa pagsurvey at pagtatally, may record ang barangay… ^_^ (ayaw lang nilang ipahiram… hehehe)

Isa pang nakakatuwa at challenge sa mga nasa community, eh ang paghanap ng tatambayan. Tatambayan kapag tinataguan si maam, o kapag magpapanggap na may ginagawa. O pag kailangan na kumain ng tanghalian. Pinakamasarap gawin eh humanap ng bahay na may tanim na namumunga. Mangga ang pinaka-in demand., meron din kaimito. Santol at makopa ang madalas din ulanin ng bato para malaglag ang bunga. Naalala ko, nakakita kami ng puno ng mabolo sa isang bakanteng lote. Noong una lumapit lang ako, dalawa lang kami sa pito na nakakaalam ng puno na yun, todo aya ako, titingnan lang kako namin. Hanggang sa nakakita ako ng hinog. Malakas ang tawag ng pangangailangan, kinuha ko ang bato ang nagsimulang batuhin ito. Tiningnan ako ng kaklase ko, (mga nang-uusig…? tsk.. tsk.. tsk…. hindi pala… mga naiinggit.. hehehe..) Tt kumuha na din sila ng puwede nilang ibato. Patpat, kahoy, sanga ng puno, BP apparatus, Stet, OB bag. Kung pede nga lang ibato ko na kaklase ko. Nakakuha naman kami (ng isa… hehehe). Minsan kapag wala na talagang mapagtripan, kahit tiesa (chesa) ok na, minsan kahit langka papatusin na, o kaya kamatsile (camachile), bayabas (na sobrang lalaki… ga-pakwan.. promise…), kulang na lang pagtripan naming yung saresa, acacia at talisay.

Nakablack shoes at pants kami kapag pumupunta ng community, samantalang white polo o blouse naman ang pangtaas. Pag-uwi namin, baligtad na. Puti ang sapatos at pants, na sa kapal ng alikabok eh puwede na taniman ng kamote (sigurado mamumunga yung kamote). Habang slightly brown na yung blouse at polo. Hindi ako umuuwi na walang dumi nun. (lagi may bakat ng kamay na maliliit yung damit ko, nagkataon yata na lahat ng bata sa parte nay un ng barangay eh magsasaka… ^_^). Laging may bakas ng kalawang ang polo tuwing tatanggalin ang nameplate, dahil kinakalawang na ang safety pin na pangkabit dito (buti naimbento ang magnetic nameplate). May laman mga solution ang OB bag na kahit kailan eh di mo naman nagamit (yung sakin hanggang nagun nasa OB bag ko pa.. ^_^…)….

Pero sa kabila ng lahat ng pinagdaanan mo nun nasa community ka, nakakatuwa pa ding maalala, na minsan habang naglalakad ka sa kalsada eh tatawagin ka ng tao at sasabihing “pa-BP nga” na parang may nakapakat na sign sa uniform mo na “magpaBP ka saken!”. Na kapag nagsimula ka ng magBP eh mahina ang 10 sa isang bahay na magpapaBP sa’yo. Na kapag sinabi mo ang BP ng nagpaBP sa’yo, eh ida-diagnose na agad ng katabi nya. Na kahit isang beses sa duty mo dun eh tinawag kang doc ng mga taga-komunidad. Na minsan sa duty mo eh hiningian ka ng payong medical kung ano ba ang dapat gawin sa isang miyembro ng pamilya na matagal ng nilalagnat o nagtatae. Na sasagutin mo naman ng uminom po ng maraming tubig kumain ng masustansyang pagkain at magpacheck-up na po kayo sa doctor… Ang Pinoy talaga…

Sa community health nursing mo matutunan at makikita ang totooong mukha ng bansa natin.. ang realidad ng buhay ng ordinary nating kababayan sa bansa natin… bansa na iniiwanan ng mga magagaling nating nurse, dala ng matinding pangangailangan…

Enhanced by Zemanta

About Mga-sulat-kamay

Hindi ko sasabihin ako ang ideal na tao... nagkamali, nadapa, nasugatan, dumugo, umiyak.. tumahan, naghilom, nagpeklat at sinubukang muli... ganyan ako, hindi perpekto... pero at least totoo... mga sulatin na may konting amag, pero 100 % biodegradable at consumable... safe but with little side effects.. ^_^