Ang Muling Pagtatagpo

coupleSobrang excited si Roden noong araw na yon, Habang nagmamaneho ng magarang kotse nito na Montero. Nakangiti siyang binabaybay ang daan pauwi sa lugar kung saan ito lumaki at nagtapos ng high school. Pa-sipol-sipol at pakanta-kanta pa ito.

But somewhere down the road
Our roads are gonna cross again
It does”nt really matter when
But somewhere down the road
I know that heart of yours
Will come to see
That you belong with me…..

Kinakanta nito ang paborito niyang kanta na naka-ngiti dahil naalala nito ang dating babae na gustong-gusto niya noong high school sila. Umaasa si Roden na makikita niya si Kristina sa reunion nila.Halos ilang taon na rin ang nakalipas noong huli siyang umuwi.

Pagdating ni Roden sa beach kung saan sila magkikita kita na magkakaibigan agad niyang tiningnan ang paligid. Hinanap niya agad si Kristina. Nagtataka ito kung bakit wala ang hinahanap niya. Tinanong niya ito sa mga kaibigan niya “Bakit wala si Kristina?”

Sinagot siya ni Alex ng, ” Pare matagal ng wala si Kristina lumipat na sila ng Baguio,”

Nalungkot si Roden at wala si Kristina subalit agad niyang itinanong kung saan ito nakatira sa Baguio. Subalit walang nakakaalam ng insaktong address nito ang alam lang nila ay nasa Baguio.

“Sayang ang dami ko pa namang pasalubong na ibibigay sa kanya”, sabi ni Roden sa mga kaibigan nito.

Si Roden ay successful na sa buhay dahil isa na itong Doctor sa America.

Natapos ang party nila nang hindi maipinta ang mukha ni Roden dahil naalala nito si Kristina. Yung Kristina na masayahin at madalas niyang inaasar.

Yung Kristina na nagpatibok ng puso niya subalit hindi naman niya maamin noon dahil nga mga bata pa sila.

Lumipas ang ilang araw, buo na ang loob ni Roden na pumunta ng Baguio kahit hindi naman niya alam kung makikita niya si Kristina.Alam lang niya nasa Baguio ito, yun ang sabi sa kanya.

Pumunta nga si Roden sa Baguio mag-isa at hindi alam kung paano niya sisimulang hanapin ang babaeng nais niyang makita. Namasyal siya sa Burnham Park, naglalakad siya habang nakatingin sa paligid pinagmamasdan ang mga taong namamasyal. Nilalanghap ang preskong hangin at sinasariwa ang masasayang ala-ala nila ni Kristina.

May nga tuksohan kasi sila noong araw na kapag umabit diumano sila sa edad na 30 at wala pa silang asawa ay pakakasalan nila ang isa’t -isa. Masyado kasing excited si Roden na malaman kung wala pang asawa si Kristina. Kung naalala pa ba nito yung tuksohan nila noong araw kaya kahit 29 palang siya ay nagdesisyon itong umuwi ng Pilipinas.

Sa paglalakad ni Roden ay may napansin itong babae na matanda at may kasamang isa pang babae na namamalimos sa tabi ng kalsada. Nilapitan niya ito at inabutan ng pera. Subalit napatigil ito at tinitigan ang babae.
Hindi ito nagkakamali si Kristina ang babaeng namamalimos kasama ng matanda.

“Kristina, si Roden ito hindi mo ba ako natatandaan?”

Wala paring kupas ang ganda ni Kristina .Kahawig nito si Angel Locsin si Roden naman ay hindi kaguapohan subalit may busilak na puso.

Nagtataka si Roden kung bakit hindi siya pinapansin ni Kristina.

“Hijo, kilala n’yo ang anak ko?”

Tanong ng matandang babae kay Roden.

“Nay, sino ang kausap n’yo?”

Napabuntong hininga si Roden at nagulat ito ng matuklasan niyang bulag na si Kristina. Silang dalawa na lang ng nanay niya ang magkasama dahil namatag na diumano ang tatay niya.

“Opo, kilala ko ang anak ninyo,kilalang-kilala. Ako po si Roden ang kaklase niya noon sa Bulacan may nakapagsabi kasi sa akin na nasa Baguio na daw kayo.”

Naiyak ang nanay ni Kristina at may nakaalala pa diumano sa anak niya.
Kinausap ni Roden si Kristina at unti-unting dumaloy ang luha sa mga mata ng dalaga. Nabulag ito at wala silang pampagamot dahil tuloyan silang naghirap gawa ng pumanaw ang Ama nito. Sumama si Roden sa bahay na barong-barong nila ni Kristina .

Nanlumo ito sa sinapit ng dalaga dahil hindi ito ang pangarap na buhay ni Kristina. Tandang-tanda pa niya noon na pangarap ni Kristina na maging guro. Pangarap niya ring magkaroon ng malaking bahay para sa mga magulang niya.Subalit kabaliktaran ng mga pangarap niya ang sinapit nito.

Sa loob ng 1linggong pamamalagi ni Roden sa Baguio ipinasyal niya at pinakain ng masasarap ang mag-ina. Dinala din niya si Kristina sa Doctor ayon sa Doctor ay may pag-asa pang makakita ito sa pamamagitan ng corneal transplant.

Bago umuwi si Roden nangako itong babalikan at tulongan si Kristina.

“Kristina, pangako tutulongan kitang makakita hintayin mo ako at babalikan kita “

Ibinalita ni Roden sa mga kaibigan at dati nitong kaklase ang sinapit ni Kristina. Nagtulong tulong silang lahat para kay Kristina. Subalit hindi madali ang maghanap ng Eye Donor. Kaya nilang tulongan ang dalaga sa financial na aspeto subalit hindi nila magawang maghanap ng Eye Donor.

“Pare, paano kaya kung i-donate ko na lang ang mata ko kay Kristina? “

Sabi ni Roden noong nag-usap sila ng kaibigan niya.

“Pare, huwag kang magbiro ng ganyan ano ka ba Doctor ka paano na kung ikaw naman ang hindi makakita?”

Dumaang ang ilang buwan at lumipas ang taon kahit nasa America na si Roden tuloy pa rin ang pagtulong nito kay Kristina hanggang sa umuwi ito ng Pilipinas ay agad na pinuntahan si Kristina.Hindi na ito namamalimos dahil sa tulong ni Roden.

Tuloyan na ring nahulog ang loob nila sa isa’t-isa.Pinakasalan niya si Kristina.
Marami man ang nanlait at nagsabi kay Roden na tanga diumano at nagpakasal sa isang bulag na kagaya ni Kristina, subalit hindi niya ito pinansin.

Dinala ni Roden si Kristina sa America noong pumanaw ang nanay nito.
Sa Amerika doon nakahanap sila ng eye donor. Walang pagsidlan ang kasiyahan ng dalawa noong araw na muling nakakita si Kristina.

“RODEN, salamat sa pagmamahal mo at sa pagtupad mo ng pangako mo na tutulungan ako, I LOVE YOU! Roden,  ang guapo mo pala”

Isang malutong nahalik ang iginanti ni Roden sa asawa niyang si Kristina.

Tumawa ito,”Hahaha! Kristina, my love, mukhang lumalabo na naman yata ang mata mo at na guguapohan ka na sa akin.”

Ngayon ay masaya na silang namumuhay kasama ang nag-iisa nilang anak na lalake, si Roden Jr.

Ang totoong taong nagmamahal ay hindi niya hinahayaang malugmok ang mahal niya. Bagkus. tinutulungan niya itong makabangon.

About mjsweetiecarreon

My writings are filled with angst. Deep emotions and a wild imagination are a source of creativity. It is powerful and consuming. I like to entertain people through my stories. Life is one colorful rollercoaster ride . http://www.facebook.com/maryjoy.carreon.9