Ang mga Patok na Negosyo sa Baguio

Kung balak mong pumunta o bumalik sa Baguio, narito ang ilang mga praktikal na bagay na dapat mong malaman at isaalang-alang para mas maging masaya ang bakasyon mo nang naaayon sa budget mo.

Babala: Wala po akong intensyong manira o mag-endorso ng mga bagay-bagay na makikita sa Baguio. Ang mga impormasyon na mababasa o mailalahad ay batay sa tunay na buhay at pangyayaring naganap.

negosyo

Transient o ang panandaliang matutuluyang bahay o kuwarto. Depende kung ilan kayo, minsan may barkada tipid package, yung kayo na ang bahalang maghati-hati sa total bill. Minsan pinakamura na ang P250/kada isang tao ang singil sa isang araw, pero depende pa rin sa ganda o kalidad ng bahay o kwarto ng tutuluyan niyo at sa kung ilan kayo. May mga iba na naman nag-ooffer ng maliit ng kwarto, P50/day, pang-isahan ang kama, pero pwedeng ipilit ang dalawa, malambot ang kutson na gawa sa karton, may pader na gawa sa kahoy at may apat na gulong.

Painit ng Tubig. Hindi ko akalaing may bayad ang pagpapainit ng tubig sa transient na aming natuluyan. Ayoko man pero hindi malakas ang loob ko na maligo sa 15 degrees celsius na temperatura ng tubig, bente pesos ang isang painit (hanggang kumulo) na halos isang litrong tubig. Wala akong nagawa kundi sakyan ang pakulo ng landlady.

Papicture sa Hayop. Kung gusto mong magmayabang sa mga kaibigan mo na nakasakay ka ng kabayo na feeling mo ikaw ay tagapagmana ng hacienda Kung gusto mong maranasan na sumakay sa kabayo plus makapagpa-picture habang nakasakay dito, maghanda ka ng P10 per shot. Teka, hindi ko lang maintindihan kung bakit may “per shot” pa, pano kung baguhin mo ang setting ng camera mo at tadtadin mo ng multi-shot? Mapapansin nila? Bibilangin nila? Kung ayaw mo sa kabayo, pwedeng pwede naman sa aso, isang malaking aso na napaghinalaang kong maskot na ang nasa likod ay anak nung lalaking naniningil ng bayad. Pero kung gusto mo talagang makasakay sa kabayo na talagang gumagalaw, nasa Wright Park, sa halagang P100/hour, wala kang gagawin kundi magbilad sa araw habang nakasakay sa kabayo na inaalalayan ng isang tagapangasiwa.

Igorot Costume. Sa halagang bente pesos at unlimited shot na para sa mga gustong magpapicture ng nakasuot ng Igorot Costume. Huwag mo lang kalimutang isoli.

Telescope/Binocular Rental. Kung akala niyo sa MOA Arena at Araneta Coliseum lang may ganitong negosyo, meron din sa Minesview Park, pero dito hindi mo bibilhin, rerentahan mo lang sa halagang P10/15minutes. Pwede mo din itong iregister sa unlimited service.

Strawberry. Ang bidang prutas sa Baguio City dahil sa uri ng klima meron dtio. Ilang minuto lang ang layo ng Baguio sa La Trinidad, Benguet na kung saan matatagpuan ang malawak na Strawberry Farm kaya di malayong maging sikat na produkto ang strawberry sa lugar na ito. Strawberry jam(3 for P100 or 35 each, mamili ka!), strawberry wine(P65-P120 depende sa laki), strawberry ice cream(P25/cup kapag nasa loob ka ng Strawberry Farm, P20/cup kapag nasa labas), strawberry taho(P20), strawberry lengua de gato(3 for P100), strawberry keychain… strawberry ketchup? Meron ba?

Bike Kung namimiss mong mag-bike, puwedeng-pwede rin sa Baguio ‘yan. Sa halagang P40/oras mararanasan mo na ulet ang sumemplang mamisikleta na parang nasa isang subdivision lang. Kung gugustuhin mo puwede mong rentahan ang bisekleta pauwi ng Manila.

Bangka Kung gusto mo naman na mamangka, meron rin dito. Sa halagang P100/hour malilibot mo ang buong katubigan na ikaw mismo ang magsasagwan. Kasya dito hanggang apat pero pwedeng ipilit sa sampu hanggang labingdalawa, 5 feet lang naman ang lalim.

Botanical Garden Bukod sa nakatulong ka sa mga nagagandahang dalaga na tagapangasiwa ng harapan ng “Baguio Botanical Garden”, ay mas maappreciate mo larawan kasama sila kapag first time mo dito lalo na kung isa kang turista na galing sa ibang bansa. Parang globe lang sa Mall of Asia yan, sa umpisa, fulfillment ang makapag-papicture.

White House. Ang pinakasikat na haunted house sa Baguio ay ang Laperal White House na kung saan sa harap pa lang ng gate ay kikilabutan ka na sa makikita mong entrance fee. Wala ka naman gagawin sa loob kundi tumingin ng mga lumang gamit… at takutin ang sarili.

Continue Reading >>

Enhanced by Zemanta

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.