Ang Mga Kadalasang Eksena sa Eroplano

(Photo Credit: toonuppresentations.com)
(Photo Credit:  toonuppresentations.com)
(Photo Credit: toonuppresentations.com)

Taunan ang bakasyon ko at dalawang beses akong sumasakay sa eroplano-International at Domestic.At everytime na sumasakay ako, laging may mga eksenang aking napapansin.

Heto ang ilan sa mga eksenang aking napapansin sa mga pasaherong nakakasabay ko sa eroplano.

1.Si Boy Kuwento/Boy Daldal.
Sila yung super kwento sa mga kasamahan nila or unfortunately kapag nakatabi mo sila ay kwentohang walang humpay ng mga buhay buhay.Alam mo na ang mga nangyari sa buhay nya sa haba ng oras ng byahe nyo dahil di sya titigil sa kakakwento hanggang sa point of destination nyo.At kahit inaantok ka na ay di nya ito mapapansin lalo na pag nasa kasarapan na ng story ng buhay nila.

2.Si Boy Tulog.
Sila yung pag Take off palang ng plane ay tulog na agad.Siguro minsan sa layo ng byahe nya at connecting pa ang flight nya.Unfortunately ulit ay
kapag nasa middle seat sya at kelangan mong tumayo para umihi or mag stretch.Minsan maaawa ka dahil gigisingin mo sya everytime na ji jingle ka dahil wala ka naman choice kundi ang dadaan sa harap nya.Sila yung hindi nakakakain sa plane dahil habang nagse serve ng food ay tulog,kaya pag gising at di na oras ng pagkain ay gutom ang sikmura.

3.Si Boy Lasing.
Madalas sa international flight ito.Si kabayang lasing mula pa kagabi dahil nagpa despedida at hanggang sa buong flight nyo ay order ng order ng complimentary alcoholic beverages.Swerte mo na kapag tahimik lang sya at di gaanong nagko kwento.Malas mo kapag madaldal si kabayan or di kaya super hilik kapag nakatulog na sa kalasingan.

4.Si Boy Dasal.
May nakasabay akong ganito pero kokonti at miminsan lang.Yung may hawak na rosary at nagdadasal sa buong byahe.Hindi ko alam kung nakailang ikot na ang rosary sa kanya hanggang sa arrival nyo at super ang kapit nya dito lalo na kapag madalas ang turbulence at akala mo ang lalaki ng lubak sa himpapawid at parang masisira ang sinasakyan nyong eroplano.

5.Si Boy Entertainment.
Eto yung sa international flight nyo ay walang ginawa kundi ang manood ng movies or makinig sa music ng inflight entertainment.Ang break nya ay kapag iihi lang.Dapat sa kanya ang katabi ay si Boy Tulog kasi ayaw nya ng maistorbo sya sa panonood.

6.Si Boy CR/Lavatory.
Mahirap kapag may katabi kang ganito tapos nasa window side sya tapos ikaw nasa gitna.Sila yung ayaw magkasakit sa pantog or magka UTI.Maya’t maya ang ihi di mo alam kung sa nerbyos sa byahe lalo na kapag may turbulence.

7. Si Boy First Timer.
Ito yung hindi alam kung ano ang gagawin or kung papano e operate ang screen na nasa harapan.Kadalasan sa kanila ay nahihiyang magtanong at ang gagawin ay magmamasid sa katabi kung ano ang ginagawa at gagayahin na lamang.Sila rin yung nagpipigil sa pag ihi dahil di alam kung saan ang CR at nahihiya magtanong kasi wala namang CR na nakalagay kundi Lavatory.Maswerte sila kapag may nakatabing mabait at may magtuturo kung ano ang gagawin.

8.Si Boy Excited.
Sila yung pababa pa lang ng eroplano at hindi pa nakalapag ng maayos ay nagtatanggal na ng Seatbelt kahit kakasabi lang ng flight attendant na huwag munang alisin ang seatbelt.At aligaga nang kuhanin ang kanilang gamit sa compartment ng eroplano kahit pinagbawalan ng stewardess.
Super excited nang makalabas agad eh nasa buntot naman ng airplane nakaupo kaya mag aantay din ng matagal bago makalabas.

9. Si Boy Relax.
Ito yung sanay na sa byahe na kahit gaano pa kalakas ang turbulence ay di natitinag.Nood ng movie,alam ang oras ng kainan,ihi pag may time at tulog pag may time.

Habang sinusulat ko ito ay naalala ko ang sarili ko noong una palang ako sumakay ng eroplano.At lahat ng yan ay naranasan ko hanggang sa naging #9 Boy Relax na ako.

About Tonyo

OFW from UAE who wants to share life experiences while working abroad.I hope I will be an inspiration sa mga readers.