Ang mga Galawang Diablo ng Taxi Driver


At dahil sa low budget lang ‘tong blog ko, hindi na ako mag-iintro pa ng video ko na naka-super slow motion habang may dalawang long legged na mestizang naka-kapit sa crotch area ko at dahan-dahan kaming nahuhulog sa isang olympic size na swimming pool na puno ng cobra  habang umaawit si Gary V ng Warrior is a Child. Dahil guess what? Masakit sa itlog yun. So nag-decide ako na gagawin ko na lang itong simple. Besides, wala naman din kayong magagawa. Moving on…

Gaano ba kayo kadalas sumakay ng taxi? Once a week? Once a month? Or usually pag may ka-date tayo, ‘di’ba? Speaking of ka-date, naalala ko tuloy nung minsang sumakay kami ng gulpren ko sa MRT.

Sa sobrang siksikan, tinubuan  siya ng bigote paglabas namin ng istasyon. Ganun katindi ang bonding sa loob ng tren! Feeling close lahat. Para kayong mga nag-uumpugang patatas.

Nung sumakay naman kami sa jeep, uminit yung ulo ko! Inaabot ba naman sa ‘kin lahat ng bayad eh nasa puwetan ako ng jeep banda nakaupo. Kala siguro ng ibang pasahero nag-oojt ako dun eh.

So nung pumapara naman ako ng taxi, mas lalong gumulo ang mundo ko. Ang hirap kausap ng mga taxi driver, bes. Narito ang mga galawang diablo nila….

Rare photo ng ex-gulpren ko at ako nung 3rd monthsary namin.

Ako: <papara ng random taxi > …..Boss sa Makati lang;

1.)    Driver: Traffic ba dun?…

Ako: So ano ‘yun, may pag-aasume si manong na miyembro ako ng x-men at may telepathy power ako? Kung ‘yung PAGASA nga gumagamit ng satellites pero hindi mahulaan nang maayos kung kailan uulan o kung kailan iinit eh, ako pa kaya na gumagamit pa ng calculator pag 76-33. So, sinagot ko siya ng “wala akong pake, ideretso mo ko sa Malacanang”.

2.)    Driver: Sir, saan tayo dadaan sa C5 o sa Edsa?

Ako: Shookt ako pag ganito ang tanong sa ‘kin ng driver. Pinagpapawisan nang malagkit tapos namamalayan ko na lang na bumubunot na pala ako ng ballpen at one half sheet of paper. “Kauupo ko lang, may pa-short quiz agad?Grabe-grabe!”.

3.)    Driver: Magkano ba singil sa ‘yo dati dun?…

Ako: Singil dati? Bakit may paluwagan ba? Pero dahil kristiyano ako, tatahimik na lang ako. Magsisindi na lang ako ng yosi gamit ang tatlong sinunog na tig-isang libong piso sa harap niya.

4.)     Driver: Sir, papunta ako Q.C. eh…

Ako: Pansinin mo, kung kailan ka nagmamadali, saka papara sa ‘yo yung mga ganyang taxi. Sinagot ko nang “ Oooh sige, pasabay na lang din ako. Tutal matagal na rin akong hindi nakakapunta sa Q.C., mag field trip na lang tayo, manong!”.

5.)    Driver: Sira metro ko eh…

Ako: Ito ‘yung immortal na linyahan ng mga taxi driver. Kumbaga sa relasyon, ito ‘yung “it’s not you it’s me” ng mga ex natin. Kaya binanatan ko siya ng malupet kong bars at flow ; “Yownnn! tamang-tama kuya, may extra akong metro dito. Buti na lang advance ako mag-isip!”

Actual photo ko nung highschool ako. Please don’t judge me.

6.)    Driver: May nanghuhuli kasi dun eh…

Ako: Dalawa lang yan, it’s either takot si manong dahil kolorum siya or takot si manong dahil mukha kaming miyembro ng kidnap for ransom pag magkatabi sa taxi. Ayaw niya akong ipahuli. Concerned amp**a.

7.)    Driver: Sir, wala akong panukli eh…

Ako:  Patibong lang ‘to. Kung walang panukli, bakit hindi na lang magbenta ng kabaong, ‘di ba? Kaya sinagot ko ng “Ahh wala ba? Sige, pasapak na lang, manong, sa ngala-ngala para kwits tayo!”

8.)    Driver: Sir, kayo na bahala dagdagan n’yo na lang…

Ako:” Hindi pa ba ako sapat  sa ‘yo manong? Hindi ba ako jowable? Kulang pa ba ang lahat ng nangyayare sa ‘tin ngayon?” (sabay dikit ng nguso sa windshield)

9.)    Driver: Gagarahe na ako eh…

Ako: ” Oooh eh ‘di tutal pagarahe ka naman din pala, sama mo na ako para makilala ko parents mo na hayup ka!”

10.) Driver: Saan tayo?

Ako: Una sa lahat, walang tayo.

Driver: Wala na. Finish na…

But don’t get me wrong. Hindi naman lahat ng taxi driver eh pasaway. Madami pa naman ‘yung talagang mababait at magalang kausap. Tsaka mas pipiliin ko pa ding sumakay sa taxi kaysa sa jeep or MRT. Bukod sa lagi kang fresh, nakakayaman din tipong ” ui guys nasa taxi na us”.  Hindi ka puwedeng mag-inarte sa tropa pag naka jeep ka lang. At ‘yung gulpren ko? Wala na. Finish na.

About machopapadinkita

Isang malibog na Inhinyerong Sibil na nagmula pa sa kabundukan ng Roxas Palawan.Medyu mabait pero walang abs.Yan-yan ang palayaw ko but my friends call me "cima"..want some more?Okey sige,bisitahin nyu naman ako at magkuwentuhan tayo sa http://machopapadinkita.wordpress.com/