Ang Mga Comments sa Facebook

image

Kapag nagbukas ako ng Facebook at may mga posts na ni like ng mga friends ko,ang una kong ginagawa ay ang pagbabasa ng mga comments. Nakakaaliw (at nakakainis minsan) lang kasi kapag may nakikita kang mga comments tapos may mga reply sa comment na iyon na mas marami pa kaysa sa comments sa mismong post.

At kadalasan napaka hard ng mga netizens kapag hindi nila nagustuhan ang comment mo. Lalo na kapag idol nila ang tinitira mo or kaya nagkamali kalang ng word na ginamit. Kahit nga spelling ngayon ay tinitira ng mga bashers kung tawagin. Mga kritiko na akala mo ay perpekto. Konting pagkakamali mo lang ay siguradong lagot ka!

Siguro ay isa ito sa mga disadvantage ng pagkakaroon ng sobrang freedom of expression nating mga Pinoy. Kalayaang makapanlait sa kapwa na kaya mong gawin anytime kahit hindi mo ito kilala.Kalayaang hindi kayang kontrolin kapag sobra ang patama nito sa iyong idol or sa iyong sarili mismo.

Kahit pa minsan ay alam mong nakakasakit ka na ay sige pa rin ang birada. Kalayaang ikaw lang mismo ang dapat na komontrol.
Kadalasan tuloy humahaba ang comments tungkol sa nag comment at hindi tungkol sa mismong post.

Meron pang iba na hindi pa nga nababasa ang buong kwento or artikulo or news na naka link ay bumabanat na agad ng comment. Kaya ayan tuloy kadalasan ay sa kanya napupunta ang pagpuna at hindi sa artikulo. Minsan kasi tinatamad tayong basahin ang article at naka depende tayo sa caption kaya ayan nababash tayo.

At dahil dito marami ang nakikipag away sa Facebook. Yung iba may murahan na at kadalasan foul na kasi pati personal na buhay mo ay kinakalkal ng nakakalaban mo.

Napaka sensitibo pa naman ng iba nating kababayan. Pero mas marami pa rin ang insensitive sa damdamin ng iba. Kaya nga kadalasan sa mga comment ay napaka harsh na!
At meron ding mga fanpage na puro panlalait sa kapwa at ginagawang katatawanan ang mga picture ng iba.Para sa iba ito ay katuwaan lamang. Ngunit marami din ang naapektuhan lalo na kapag sobra ang pamba bash ng iba.

Kaya ako, nakikibasa lang ako ng mga comment at umiiwas na maki-comment pa kapag di naman kailangan. Lalo na kapag ang comment mo ay opinion mo nga at hindi magustuhan ng iba, baka malaking gulo pa ang kalalabasan.

At saka meron ding ayaw sumakay sa comment mo na pabiro ay maging insensitive pa ang dating sa iba.

Ganyan talaga sa Facebook, kapag ayaw mong magulo ang buhay mo, iwasan ang mga post na maging katawa-tawa sa iba. O kaya mga post na hindi mo alam kung paano mo panindigan. Pag-aralan mo ang privacy setting para hindi lahat makakakita sa mga posts mo.

Kasi nga lahat tayo ay may Kalayaang maipahayag ang ating mga opinion sa comment section ng Facebook, pero tandaan lang natin palagi huwag natin hayaan makasakit tayo ng kapwa.Lalo pa at di natin sila personal na kakilala at kung ano ang kanilang tunay na katauhan at pinagdadaanan.

 

About Tonyo

OFW from UAE who wants to share life experiences while working abroad.I hope I will be an inspiration sa mga readers.