Ang Lunchbox

Kanina nang papunta ako sa CR, may namataan akong isang bagay na nasa kabinet sa kusina ng tinitirahan ko ngayon. Ang bagay na ito ay kulay maroon at at asul – isang lunchbox. Lunchbox na parisukat, may hawakan at mayroon ding mga naka-ukit na alpabeto. Sigurado rin ako naTupperware ang brand nito.

Naalala ko tuloy ang mga araw noong ako ay nasa kindergarten pa. Iba pa ang uniporme ko noon. Kayumangging jumper at blusang may kulay kayumangging laso rin. Naka-medyas pa nga ako noon at itim na sapatos pa rin. Naalala ko pa, maikli rin ang buhok ko noon at may bangs pa na parang si Sarah, ang Munting Prinsesa.

Hindi ko na matandaan kung naghihirap ba kami nang mga panahong ito o sadyang mababa lang talaga ang estado ng buhay namin. Nakakakain pa naman kami tatlong beses sa isang araw atmay handaan pa tuwing
kaarawan ko – cake, spageti, at loaf bread. Hindi lang takaga ako basta-basta makahingi ng barya sa mama ko pambili ng chichirya.

Oo nga pala, ang lunchbox, muntik ko nang malimutan. Palagi ko itong dinadala sa paaralan. Bagong version kasi ito sa lumang lunchbox ko na may kulay dalandan at asul(ang sagwa yata ng kumbinasyon). May laman din naman ito – orange juice na kung hindi ako nagkakamali ay eight o’clock na nasa tumbler din ng Tupperware at biskwit na Apple Dapple o Hi-ro (hindi ko na matandaan ang mga brand names, basta kamukha ito ng mga biskwit ng Bingo, hindi kasi uso sa amin ang mga Oreo, Cream-oat iba pang mamahalin). Masaya na ako kapag may baon na akong ganyan araw-araw at siyempre, may kasamang kaunting barya pa ‘yan, tatlong piso yata. Ang saya, ‘no? Mas lalo yatang sasaya ang buhay ko noon kung makakabili ako ng Nips at ‘yung isang kayumanggi ang kulay ng plastik na lalagyan pero parang Nips din ang laman.

Pero ngayon, ni hindi ko nga siguro maatim na dalhin ang dati kong lunchbox. Mas mabuti pang ansa kabinet na lang iyon at naka-display habang buhay. Mas sasarap din siguro ang buhay kung hindi eight’oclock juice ang iniinom ko at madadagdagan din ang tatlong pisong barya ko.

Tumatanda na pala ako. Ang bilis talaga ng panahon. Ilang taon na lang ang bibilangin at aakyat na ako sa entablado at kukunin ang aking diploma kung papalarin. At sa ilang taon pang lilipas, siguro ay ang anak ko na naman ang magmamana ng kulay maroon at asul na lunchbox(teka, nakakatakot na yata ‘to!).

8 Comments

  1. Hi, ako nag dadala ng lunch box noong nasa grd school pa ako na alala ko pa nga ng ma iwan ko sa school namin yung lunch box ko nung grd one pa ako talagang kinulit ko si nanay na balikan na min yung lunch box kahit gabi na

  2. Hi, ako nag dadala ng lunch box noong nasa grd school pa ako na alala ko pa nga ng ma iwan ko sa school namin yung lunch box ko nung grd one pa ako talagang kinulit ko si nanay na balikan na min yung lunch box kahit gabi na

  3. Sa akin naalala ko s lunchbox ko may thermi-like n lagayan ky ung baon na inumin, tumatagal ang init or lamig (ingat nga lang s pagbitbit kc minsan tmatapon) wid partner n pandesal me keso. Pag s school n, pinalalagay ng teacher nmin s hrapan mga lunchbox kc ung iba d mkaantay ng recess at kumakain n.

  4. ang baon namin noon ay balot sa dahong saging.. ang sarap ng pagkain at napakabango..Kung minsan ay ginagamit ko ang meat-can ng Tatay kong sundalo. 🙂 but I preferred lunch wrap in banana leaves, pinoy na pinoy talaga!!

  5. Hi , my parents are Filipino – and I was wondering If you were just explaining the history of the lunchbox . I was like ” what da puck “

Leave a Reply

Your email address will not be published.