Ang Love Ni Tanda

(Photo credit: knowledgering.com)
(Photo credit: knowledgering.com)
(Photo credit: knowledgering.com)

Isa ako sa mga babae na mahilig sa galaan at sosyalan sa bansang aking kinagisnan. Mahilig akong pumunta sa mga bansang nais kong puntahan. Pinalaki ako ng aking mga magulang sa maayos na tahanan, di man kami gaano kayaman pero, binigay sa akin ang luho na gusto ko. Dalawa lang kaming anak at ako ang nag-iisang anak na babae pero, sa kabila ng lahat ay di ako sumuway sa mga pangaral ng aking mga magulang.

Sa pagdadalaga ko parte na rin sa buhay ng isang babae ang makahanap ng lalaking iibigin. Pero, sa kaso ko wala akong makita na seryoso o nagseryoso sa akin. ‘Ika nga nila, may mga bagay ka na ‘di gusto pero iyon naman ang kusang lalapit sa iyo.

Sa mismong kasal ng pinsan ko? May isang lalaking may edad na ay hindi nagsawa sa katitingin sa akin.

Minsan, nasabi ko sa sarili ko: “Agoy, si Lolo ko! ” at dahil na rin sa kakulitan ng pinsan ko napilitan akong magpakilala! At dito nagsimula ang isang yugto ng buhay ko; dahil sa kasalan na iyon.

Naging isang masugid kong manliligaw si Tanda. Pinakita n’ya sa akin ang pag-aaruga bilang kaibiga, pero may damdamin na naghihintay na matugunan! Isang tao na maaasahan ko sa sandaling kailangan ko ng kausap; na ilang segundo lamang ay nandiyan na sa tabi o sa kabilang linya. Kaya kahit sa puso ko ay ‘di makapa ang isang damdamin, sana’y maibigay ko ang pagmamahal na nais n’ya. Kaya, ‘di ko sinarado ang puso ko na bigyan siya ng pagkakataon at baka maturuan ko rin ang puso ko na mahalin siya.   Ang mga linyang kanyang binitiwan na:

” I just walk to see you and just to talk with you and to hear you! “

Pinakilala ko siya sa mga magulang ko at agad kong sinabi sa Papa ko ang agwat ng edad namin! Si Papa ko ang idolo ko sa lahat kaya hindi akong nag-atubili na ipaalam sa kanya si Tanda.  Ang naging tugon ng aking ama sa akin?

“Age doesn’t matter! Ang mahalaga, how he treats you! Masaya na ako pag ang unica hija ko ay hindi sasaktan at bagkus ay tratuhin na prinsesa!”

Pagkatapos ng isang pormal na pagpapakilala ko ay agad kong binigay ang matamis na oo!

Dito ako napahanga ni Tanda, dahil pinakita n’ya sa mga magulang ko ang pagmamahal; ‘di lang sa akin, kundi maging sa mga mahal ko sa buhay! Kahit alam n’ya na dito sa puso ko ay mahirap pang makapa ang salitang LOVE,  hindi s’ya nawalan ng pag-asa na balang araw ay matututunan ko rin siyang mahalin.

August 15, 2009; sarili kong damdamin ay isinakrapisyo ko! Dahil na rin sa kanyang kabaitan at tapat na pagmamahal. Nagpakasal ako kay Tanda!  Umasa ako na sana kada araw na magmumulat ako ng mata  sa umaga ay mukha n’ya ang makita ko at may makapa na akong pagmamahal sa puso ko, at tuloy ay mabitiwan ang salitang IN LOVE na ako kay Tanda! Salitang sana ay lagi kong panghawakan sa tuwina.  Isang bonggang kasalan ang ibinigay n’ya na dinaluhan ng aming mga kamag-anak, kaibigan at pamilya. At sa himig ng malambing na musika sa unang sayaw namin na 1st Dance ay isang mahinang bulong sa aking tainga na:

“Hon, you make me happy and complete! Thank you and I love you so much!”

Isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata, at isang matamis na ngiti mula sa akin sa taong lumaban at nagsugal ng pag-ibig na patuloy na lumalaban sa isang pagmamahal.

August 20, 2009 pagkalipas ng limang araw mh aming kasal, sabay kaming pumunta sa bansang Qatar! Bagong simula sa aking buhay  may-asawa. Bansa na malayo sa bansang Lebanon! Dito sa Doha ang aming pagsisimula bilang mag-asawa, ibang tradisyon sa bansang nakagisnan namin. Ito ang bansang kung saan ay bubuo kami ng isang pamilya.

Sa araw-araw na pakipagsapalaran namin, katulad din kami ng karamihan na mga dayuhan sa bansang ito, na nakaranas ng hindi mabuting employer.

Naranasan din namin ang mabaon sa utang sa bangko dito sa Qatar, noong kami ay nagsisimula pa lang.  Ika nga ni Tanda, kung sa pag-ibig n’ya sa akin ay di s’ya sumuko ds psg-ssdsm na darating ang araw na mamshalin ko siya! Mas lalong di siya susuko kung problemang pinansyal at trabaho di s’ya patatalo. Na hangga’t kaya pa ng katawan n’ya ay kayang hanapan ng paraan, dahil lahat ng problema ay may solusyon! Tibay ng loob at pananalig lang sa Dios, ay makararaos din.

Kaya taon ay nagdaan, ito kami ngayon at nasa mabuting kalagayan sa bansang Qatar. Kasama ang nag-iisa naming anak na babae. Dalawa na kami ni Tanda na naghahanapbuhay para sa kinabukasan ng anak namin. At kung tatanungin ako  kung may LOVE na ba? Ang sagot ko? Sa mga taon na naging mister ko s’ya ay OO! Nanndito ang isang damdamin dahil naging isa siyang mabait at responsabling ama at asawa. At kung sa akala ng iba porket may mamahaling sasakyan at katulong kami ay mayaman na! Ang buhay ay ‘di madali, even if you have money life in abroad is not easy to cope to live with it! Iba lang ang propesyon natin at lahi pero, katulad lang tayo lahat alipin sa bansang pinagtatrabahuan natin. Ang mahalaga mabuhay tayo sa marangal na trabaho, at ang tanging payo na maibigay ko sa kapwa ko nanilbihan na mga mangagagawa sa bansang ito?

Never trust anyone!

Work hard to achieve your goal!

Be honest to your job!

Your weapon is your education and love your self put God first.

Note: Isang karangalan sa akin ang maisulat ang kwento ng buhay sa kaibigan ng Madam ko. Maraming Salamat Madam A.

About jovelyn

Im not a good writer but i love to 🙂 Masaya din, Malungkot din (Karanasan ng OFW) this is my first book under my name as a writer and Sindi Ng Lampara OFW stories book with Raquel D. Padilla and DFBI writers, columnist in Pilipino Star Ngayon Middle East [email protected] Super kulit at kalog..proud bisdak at tamad na masipag na yaya:)